embed embed2
  • Negative Reinforcement: Bakit Maraming Magulang Ang Walang Malay Na Gumagawa Nito?

    Sigurado ka bang hindi mo ito nagagawa sa mga anak mo?
    by Ana Gonzales .
Negative Reinforcement: Bakit Maraming Magulang Ang Walang Malay Na Gumagawa Nito?
PHOTO BY Shutterstock
  • Naranasan mo na ba na nagtantrum ang anak mo nang patayin mo ang TV o gadget niya dahil sobra na siya sa oras? Noong mga panahong nakakapunta pa tayo sa mga malls, nagwala na rin ba ang anak mo sa toy store dahil hindi mo siya nabilhan ng laruan?

    Anong naging reaksyon mo? Nagalit ka ba? Pinalo mo ba sila? O pinagbigyan mo sila sa gusto nila?

    Dito na papasok ang tinatawag na positive at negative reinforcement.

    Ano ang positive at negative reinforcement?

    Negative Reinforcement

    Ito ang motibasyon ng anak mo na gawin ang isang bagay. Halimbawa, sumakit ang ngipin ng anak mo dahil sa sobrang pagkain ng candy at hindi pagsisipilyo. Kalaunan, kinailangang bunutin ng dentista ang masakit niyang ngipin.

    Simula noon, hindi na siya masyadong kumakain ng matatamis at lagi na rin siyang nagsisipilyo. Ito ang negative reinforcement.

    Nakondisyon ang isip ng anak mo na magsipilyo at umiwas sa matatamis dahil sa naging negatibong karanasan niya.

    Isa pang halimbawa ay kung papaluin mo siya kapag makulit o nagtatantrums siya. Dahil ayaw niyang mapalo, hindi na siya iiyak kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya.

    Nakondisyon ang isip ng anak mo na magpakabait dahil mapapalo siya kung iiyak siya.

    Magkaiba ba ang negative reinforcement at parusa?

    Oo. Kapag pinaparusahan mo ang bata, nagdadagdag ka ng isa pang negatibong experience. Kunin nating halimbawa ang pagsakit ng ipin ng anak mo dahil sa candy. Isipin nating bukod sa sumakit ang ngipin niya ay pinagalitan at pinalo mo pa siya. Ito ang parusa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa iniiwasan na niyang sumakit ang kanyang ngipin dahil sa pagkain ng candy, iniiwasan din niyang paluin mo siya.

    Positive Reinforcement

    Samantala, sa positive reinforcement naman, positibo ang motibasyon ng anak mo para gawin ang isang bagay.

    Halimbawa, sa halip na pagalitan mo siya dahil hindi siya tumutulong sa mga gawaing bahay (negative reinforcement), ipaliwanag mo sa kanya kung bakit lahat ng miyembro ng pamilya ay kailangang tumulong.

    Dito niya maiintindihan ang konsepto ng pagkakaroon ng responsibilidad. Sa susunod na tutulong siya sa mga gawaing bahay, gagawin niya ito hindi dahil natatakot siya sa iyo, kundi dahil naiintindihan niyang bahagi ito ng mga responsibilidad niya (positive reinforcement).

    May Iba't-ibang uri ng positive reinforcement:

    • natural reinforcers
    • token reinforcers
    • social reinforcers
    • tangible reinforcers

    Ang natural reinforcer ay ang natural na positibong kalalabasan ng isang positive behavior. Halimbawa, nag-aral nang mabuti ang anak mo kaya mataas ang nakuha niyang marka. Sa susunod, pipiliin niya ulit mag-aral.

    May mga pagkakataong hindi makikita ng anak mo ang mga positive consequences ng ginagawa niya.

    Bilang magulang, tungkulin mong ipakita sa kanya na kung masipag siya, may mga positibong mangyayari sa pag-aaral niya.

    Samantala, ang token reinforcer naman ay iyong mga rewards na pwedeng ipalit sa ibang bagay.

    Halimbawa, sa tuwing makakapag-recite nang tama ang anak mo, nakakakuha siya sa school ng stickers. Kapag marami na siyang nakuhang stickers, pwede na niya itong ipalit para sa isang special treat.

    Gamitin mo ito na may pag-iingat dahil baka sa tuwing gagalaw ang anak mo ay maghahanap na siya ng materyal na bagay na kapalit.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa social reinforcer naman, nagmumula ang positive reinforcement mula sa ibang tao. Maaari itong manggaling sa guro ng anak mo, sa mga kalaro niya, o 'di naman kaya ay sa iba ninyong kamag-anak.

    Maganda itong gamiting paraan para turuan ang mga anak mo na maging mabait at magalang sa kapwa.

    Ang huli ay ang tangible reinforcer o iyong pisikal na reward. Halimbawa nito ang mga treats na ibinibigay ng doktor kapag behave sila sa clinic o 'di naman kaya ay mga trophies at medalya na napapanalunan nila.

    Paano gamitin nang maayos ang positive reinforcement?

    1. Gumamit ng papuri sa halip na kritisismo

    Sa madaling salita, mag-focus ka sa maaaring i-improve sa halip na sa panget na pangyayari o nagawa.

    2. Maging consistent

    Repetition is key, sabi nga ng mga eksperto. Huwag magsawang ulit-ulitin sa kanila ang mabubuting maidudulot ng kanilang mga mabubuting galaw.

    3. Hanapin ang tamang timing

    Kapag nakita mo ang positive behavior ng anak mo na kapuri-puri, ibigay mo agad ang papuri sa kanya. Sa ganitong paraan, mas nagiging malinaw sa anak mo kung anong attitude at behavior ang nararapat.

    4. Tignan ang behavior, huwag ang anak mo

    Dapat alam at naiintindihan ng anak mo na mahal mo siya kahit pa may nagagawa siyang mali o hindi siya nasa kanyang best behavior.

    Huwag kang mag-focus sa anak mo mismo. Sa halip, tignan mo ang kanyang behavior at ang mga galaw niya. Dito makikita at mararamdaman ng anak mo na ang ginawa niya ang kailangang baguhin o i-improve at hindi ang pagkatao niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahirap i-apply agad ang mga pagbabagong ito, lalo na't malimit na nasanay tayong mga magulang sa negative reinforcement.

    Pero, may panahon pa naman para baguhin kung paano natin hinuhulma ang ugali at behavior ng ating mga anak.

    Ikaw? Anong madalas ginagamit mo? Positive o negative reinforcement? Namamalayan mo ba ang ginagawa mo? I-share mo na sa comments section. Huwag kalimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles