tips,parents,preschool,preschooler,preschool child,parenting,sc23,7 Tips Para Sa Magulang Ng Preschooler | Smart Parenting,preschool, big school, parenting, tips, student,Ito ang mga kailangan mong malaman pag pasok ng anak mo sa preschool
ParentingPreschooler

Sanayin Maging Independent At Turuan Magpaalam: 7 Tips Mula Sa Educators Para Sa Paghahanda Sa Preschool

Ito ang mga dapat mong tuunan ng pansin bago mag-pasukan.
PHOTO BYADOBE

Isa sa mapaghamong karanasan sa mga magulang ang paghahanda sa kanilang mga anak sa pagpasok nito sa paaralan. Ang pinakaunang stage at pinakamahalagang yugto rin sa buhay ng mga batang magsisimula pa lamang mag-aral ay ang preschool. Dito nila unang mararanasan ang mga bagay sa bagong bahay na ituturing nilang pangalawang tahanan. Ito rin marahil ang unang pagkakataon sa mga bata na matagal silang malalayo sa kanilang magulang at malalayo sa kanilang comfort zone. Kaya nga kadalasang matinding pakiusapan ang nagaganap bago ang kanilang pagpasok sa paaralan. Talagang hindi rin maiiwasan na umiyak ang mga bata kapag iniisip nilang mahihiwalay sila sa kanilang magulang.

Ayon kay Teacher Chast, isang Mommy at Early Childhood Educator, “mahirap para sa mga batang mahiwalay sa kanilang magulang sa unang beses nilang pumasok sa paaralan. Para matulungan silang malampasan ang separation anxiety, kailangang madalas silang bigyan ng pagkakataong makisalamuha sa ibang mga bata. Maaaring silang isali sa playdates, recreational program, o mga short classes na tumutugon sa kanilang mga hilig, kahit ang simpleng pagdalo sa mga kid's party. Mas maganda rin kung naipagkakatiwala ng mga magulang ang kanilang anak sa ibang tao para magkaroon din ang bata ng tiwala sa ibang nakatatanda at matutong dumepende sa iba maliban sa kanilang magulang. Kung masasanay silang makisalamuha sa iba, mas magiging madali para sa kanila ang pag-adjust sa school setup.”

Ito ang unang dapat gawin ng mga magulang sa kanilang anak bago nga sila pumasok sa paaralan nang sa gayon hindi magiging mahirap ang sitwasyon kapag nasa paaralan na sila. Maihahanda silang mabuti at mauunawaan kung bakit kailangan hindi puwedeng kasama ang kanilang magulang sa loob ng klasrum.

Bukod pa rito, narito ang ilan pang tips para sa mga magulang.

7 tips para sa magulang ng preschooler

1. Turuan ang anak na magpaalam.

Sabi ni Teacher Aira, isang Mommy at Early Childhood Educator, “isa sa bagay na hinihiling namin sa  magulang na maturuan nila ang kani-kanilang anak ng konsepto ng pag-alis at pagpapaalam. Mahalaga na maipaliwanag nila sa kanilang anak na kailangan nilang umalis dahil papasok pa sila sa trabaho o hindi sila puwedeng mag-stay sa loob ng klasrum. Paunti-unti lang ang proseso para hindi rin mabigla ang bata. Kahit ako rin binibigyan ko ng panahon ang estudyante ko na maihanda bago ko siya kunin sa magulang niya at dalhin sa klasrum.”

watch now

2. Sanayin ang anak na  maging independent.

Paliwanag din ni Teacher Chast na importante ring sanayin ang kanilang self-help skills para maihanda sila sa preschool dahil hindi sa lahat ng bagay ay matutulungan sila ng kanilang guro. Kailangan nilang magawa nang mag-isa ang mga simpleng gawain tulad ng pagsusuot ng kanilang sapatos, pagbukas ng bag at mga inumin, paghugas ng kamay, pagsuot ng kanilang salawal, pagbuhat ng kanilang bag, at iba pa.

RELATED: Public Vs Private Schools In The Philippines: Parents Share Pros, Cons, And What To Focus On

Maliban sa pagtuturo kung paano ito gawin, makatutulong kung hindi na gagawin ito ng ibang tao para sa kanila para masanay rin silang gawin ito nang mag-isa. Maaaring magreklamo sila sa umpisa na mahirap itong gawin, pero palagi lang ipaalala sa kanila ang importansya ng pagiging independent.”

3. Hayaan ang anak na maging masaya.

Ayon kay Mommy Anna, “Hayaan mag-enjoy lang sila sa school. Huwag ipilit ang school work kapag hindi nila kaya o sobrang dami na. Minsan sa kagustuhan nating maging magaling at advance ang mga anak natin ay nagkakaroon ng pressure sa pagtuturo sa kanila. Nalilimutan nating bata pa sila na dapat nag-eenjoy lang habang natuto. Minsan nga mas mahaba pa ang oras nila sa pag-aaral kaysa sa pagpapahinga at paglalaro.

4. Turuan silang magkaroon ng magandang study habit at tamang routine. 

Pagbabahagi ni Mommy Grace, “makabubuting sa murang edad pa lamang nila nae-establish na ang ganitong bagay sa kanila nang sa gayon hindi magiging mahirap paglaki nila. May pattern silang susundan sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Mainam na malay sila kung kailan at gaano katagal manonood ng telebisyon, maglalaro, gagamit ng gadgets, at iba pa. Paunti-unti ring turuan siyang mag-aral nang mag-isa at magkaroon ng responsibilidad sa kaniyang sariling pagkatuto.”

'Never compare your kids to others. Diyan nagsisimula ang unhealthy competition.' -Mommy Grace

Dagdag pa niya, isa pa sa dapat ding ituro sa mga bata ang pagiging maingat at masinop ng mga bata sa gamit, pati ang value ng pera, at bawat bagay na ibinibigay sa kanila para talagang pag-ingatan nila ang mga ito. Mahalagang sa murang edad nila mulat na sila sa mga ganitong bagay.

5. Pangungumusta at pagbibigay ng reward.

Hindi lamang gampanin ng guro ang pagbibigay ng reward sa mga bata, kahit ang mga magulang ay hinihikayat din para mabigyang pagkilala ang kahit na maliliit na tagumpay ng kanilang mga anak. Dahil dito, mas napapataas ang kanilang tiwala sa sarili.Mahalagang kumustahin din ang iyong anak araw-araw. Maglaan ng oras ng pagtatanong sa kung ano ang ginawa nila sa school. Hayaan silang maging bukas at magkuwento. Mahalaga ang ating gampanin bilang magulang sa pagbibigay ng suporta sa ating mga anak hindi lamang sa pinansyal kundi maging sa aspektong emosyonal at mental. 

6. Tandaang ang bawat bata ay magkakaiba. 

Hindi lahat ay pare-pareho o magkakalebel. Hindi rin nagkakatulad sa debelopment, mayroon talagang nauuna at mayroon din namang nahuhuli. Ayon kay Mommy Grace, “never compare your kids to others. Diyan nagsisimula ang unhealthy competition. Lalakí siyang iisipin na kalaban ang tingin niya sa mga kapwa niyang bata lalo kapag mas nag-e-excel ang iba kaysa sa kanya.” 

Dahil dito makakaramdam siya ng pagkalungkot at kawalan ng pagiging kontento o masaya sa mga maliit na tagumpay niya.

RELATED: Ultimate Guide: Paano Pumili Ng Tamang Preschool Para Sa Iyong Anak

7. Hayaan siyang masabik sa pagpasok sa paaralan.

Kung magsisimula pa lamang ding pumasok ang iyong anak sa preschool, hayaan siyang pumili ng mga gagamitin niya sa pagpasok gaya ng design ng bag, lunchbox, sapatos, at iba pa. Makabubuti ito para mas ma-excite sila sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Batay nga sa isang palasak na kasabihan na sa English, “Learning starts at home.” Sa bahay pa lamang dapat unang hinuhubog na ang mga kaugalian at pag-uugali ng mga bata. Mahalaga na bago sila pumasok sa paaralan mas magbigay ng tuon sa pagbuo ng karakter ng bata.

Hubugin siya sa pagiging isang mabuting indibidwal. Mas mainam na papasok ang bata na bitbit ang magagandang pagpapahalaga na magagamit niya sa pakikisalamuha at pakikisama sa ibang tao. Kasiya-siya ang isang bata hindi lamang matalino kundi mayroon ding puso.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close