-
Gusto Mo Maging Tutor Ng Iyong Anak? 7 Payo Mula Sa Isang Teacher
Bakit nga ba napakahirap turuan sa pag-aaral ng leksyon ang mga bata sa bahay?by Jocelyn Valle . Published Oct 26, 2019
- Shares
- Comments

Maraming magulang ang nagnanais na gumanap ng malaking papel sa pag-aaral ng kanilang mga anak, kung hindi man maging unang guro ng mga ito ay makatulong sa paggawa ng mga takdang aralin. Mainam sana itong bonding activity para sa kanila. Ngunit may mga pagkakataon na nagiging stressful lamang ang ganitong sitwasyon sa parehong panig ng magulang at anak.
Ang tanong mga magulang: bakit nga ba napakahirap turuan sa pag-aaral ng leksyon ang mga bata sa bahay? “Ang kids kasi alam nila na pag nasa bahay, laro,” sagot ng preschool at special education (SPED) teacher na si Lyra Villaraza. “So pag pinuwersa mo sila, ang feeling nila, ‘Bakit? Di ba ang aral dapat sa school lang?’”
Mga mainam na alalahanin at gawin pagdating sa pagturo sa bata
Dagdag pa ni Teacher Lyra na kaya mas nakikinig ng leksyon ang mga bata sa paaralan ay dahil may mga paraan ang mga guro kung paano ito gawin, lalo na kung siya ang tipong “very creative at innovative.” Sa pamamagitan ng mga paraan na ’yon, katulad ng hands-on activities, ay maiiwasang maging boring ang pag-aaral.
Sa kabilang banda, aniya, mas madalas na memorization at paper-and-pencil tasks ang gagawin ng mga magulang para ma-review ang mga bata sa mga exam nito. Nakakatulong din eto pero maraming pang pwedeng magawa sa bahay. Nagbigay si Teacher Lyra, na 23 taon na sa kanyang propesyon, sa SmartParenting.com.ph, ng mga payo at paalala pero paliwanang niya na walang one-size-fits-all tips dahil hindi naman pare-pareho ang mga bata.
1. Bakit gusto mo maging tutor ng iyong anak?
Alamin ng magulang kung ano talaga ang layunin niya sa pagtuturo ng kanyang anak. Ito ba ay para magka-honor ang bata sa eskuwelahan o maging kagaya niya na sobrang galing? Dapat alalahanin ng magulang na ang dapat na matutunan ng bata ay ang “love for learning” at hindi “what they need to learn.” Kapag nanggaling mismo sa bata ang kagustuhan na matuto, kalaunan ay hindi na niya kakailangan ng outside factor para matuto pa dahil may kakayahan na siyang mag-isip para sa sarili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Ika nga ng isang kasabihan, "comparison is the thief of joy."
Iwasan ikumpara ang bata sa kapatid (kung meron) o sa ibang bata. Kahit sa iisang matres lamang lumabas ang magkapatid ay magkaiba pa rin sila, sa personalidad o kakayahan man. Sa halip ay alamin kung ano ang sariling learning style ng bata.
3. Makakatulong kung obserbahan ang bata.
Kailangan muna malaman kung anong klaseng learner ang bata para mabigyan ito ng angkop na paraan ng pagtuturo. May mga bata na kaagad na natututo batay sa mga explanation lamang. Ang iba naman ay kailangan ipa-discover sa kanila sa pamamagitan, halimbawa, ng physical activity.
Obserbahan mo ang iyong anak. Siya ba ’yong tipo na kapag sinusulat niya ay mas madali niyang matandaan ang mga leksyon? Mas madali ba pag nakikinig lang siya? O di kaya kapag gumagalaw o kumakanta siya? Ayon sa research, ang ilang klase ng learning style ay aural (sa tunog at musika), verbal (sa salita), visual (sa paningin), at physical (sa paggalaw).
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa oras na malaman kung ano ang learning style ng bata, doon mag-focus ngunit huwag balewalain ang ibang paraan. Makakatulong din ang mga ito sa ibang pang pagkakataon.
4. Gawan ng structure ang pag-aaral ng bata sa bahay.
Magsimula sa schedule. Pagkasunduan kung pag-uwi niya galing sa eskuwela ay maglalaro muna ito bago mag-aral o mag-aaral muna bago maglaro.
5. Magtalaga ng study area.
Kailangan may isang lugar lamang kung saan maaaring makakapag-aral ang bata nang tahimik. Kung may home office, maglagay ng espasyo dito para sa kahit maliit na mesa para sa bata. Siguraduhin na ang study area ay malayo sa distraction, tulad ng TV o computer. Mas mainam kung nakaharap ang mesa sa dingding nang sa gayon ay walang ibang nakikita ang bata na makaka-distract sa kanya.
6. Turuan ang bata na maging habit ang pag-a-aral.
Mag-umpisa sa pagbasa ng classroom notes at magtuloy sa pagbigay ng learning exercises. Kapag ginagawa niya ito araw-araw ay maiiwasan mag-cramming kapag may exam. Totoo ang kasabihan na “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Hindi man nabiyayaan ng angking talino ang bata ngunit kung siya ay matiyagang nag-a-aral araw-araw, magtatagumpay din ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW7. Mahalaga na nakakapaglaro ang bata.
Totoo din na, “All work and no play makes Jack a dull boy.” Bigyan laya ito kahit sa panonood ng TV o paggamit ng computer dahil iyon na ang technology na nakagisnan nila. Kailangan lang i-monitor nang maigi ang ganitong activity at huwag lamang iasa ang pagbabantay sa yaya.

- Shares
- Comments