preschoolers,preschool,preschooler,preschool child,Multiple Intelligence Approach,Montessori,multiple intelligences,cooperative,Waldorf approach,montessori method,Reggio Emilia approach,sc23,ascend,highscope,bank street,Uri Ng Preschool Curriculums | Smart Parenting,preschool, tuition fee, quezon city, progressive schools, montessori schools, preschool tuition fee, preschool cost, paref rosefield, kindergarten, public school, private school,Alin preschool curriculum ang angkop para sa anak mo?
ParentingPreschooler

Ano Ang Mga Iba't Ibang Uri Ng Preschool Curriculum At Alin Ang Nababagay Para Sa Iyong Anak?

Sa tulong ng angkop na kurikulum, higit na makikita ang potensyal ng iyong anak.
PHOTO BYCANVA

Mahalagang panahon sa buhay ng isang bata ang kanyang early childhood education. Mayroon ding mga iba’t ibang uri ng preschool na tumutugon sa pangangailangang ito. 

“Early childhood care and education (ECCE) is more than preparation for primary school. It aims at the holistic development of a child’s social, emotional, cognitive, and physical needs in order to build a solid and broad foundation for lifelong learning and well-being. ECCE has the possibility to nurture caring, capable, and responsible future citizens,” paliwanag ng UNESCO.

Ayon pa sa UNESCO, mula kapanganakan hanggang ika-8 kaarawan ang panahon ng remarkable brain development ng mga bata. Halimbawa, sa iyong anak, sa panahong ito niya unang mararanasan kung paano mag-aral at matuto ng basic skills. Mayroon ding malaking epekto sa kanyang pananaw at attitude ang una niyang mga karanasan. Dahil dito, mahalaga ang wastong pagpili sa kanyang unang eskuwelanan. 

Kung ikaw ay mommy ng batang edad 1.5 hanggang 6 taong gulang, tiyak na makatutulong ang pagsasaliksik tungkol sa iba’t ibang types ng preschool curriculum. Sa dinami-rami ng mapagpipilian, paano ka nga ba pipili ng preschool para sa iyong anak? 

Mga payo mula sa mommies

Kapag may pagkakataon, sikaping makausap ang directress at mga guro ng napupusuan mong mga eskuwelahan para maunawaan ang daily activities at programang mayroon sila. Sa ganitong paraan, mas matutukoy kung ano ang pinakamainam para sa learning needs ng iyong anak. Narito ang isang guide para sa mommies na katulad mo. Ilan sa types of preschool curriculum ang sumusunod:

  • Bank Street
  • HighScope
  • Montessori
  • Play-based
  • Reggio Emilia
  • Waldorf

Uri ng preschool curriculums

Bank Street

Kilala ang Bank Street approach bilang developmental-interactive approach.

Non-traditional program ang Bank Street at naniniwalang ang lahat ng indibidwal ay higit na natututo kapag sila ay actively engaged sa materials, mga ideya, at mga tao. Para sa Bank Street Approach, ang authentic growth ay humihingi ng iba't ibang oportunidad upang higit pang pagyamanin ang patuloy na social, emosyonal, at kognitibong development ng isang tao. Ayon sa founder nito na si Lucy Sprague Mitchell, “We see in education the opportunity to build a better society.”

watch now

Bilang progressive educators, pinagtitibay nila ang ugnayan ng eskuwelahan, pamilya, at komunidad sa isa't isa. Ang kanilang approach ay pundasyon ng pagbabago sa mundo sa maliliit at malalaking paraan. Social justice, advocacy, at pagbuo ng inclusive community ang puso ng kanilang kurikulum.

HighScope

Popular ang kurikulum na HighScope. Academic-based ito at nagtuturo ng iba’t ibang skills kagaya ng pagtukoy ng oras o telling time, pagbibilang, at iba pang hands-on projects. 

“We believe, and research proves, that active learning is the key to positive child outcomes and school readiness,” paliwanag ng HighScope sa kanilang website. Hinihikayat ng ganitong kurikulum ang bata na magtaka at magtanong tungkol sa kanyang paligid, sa tulong ng all-around learning environment. Mayroon din itong peer at adult interactions. May pokus din ito sa laro o play-based learning kaysa pormal na pag-aaral para mag-enjoy ang mga bata.

Nagsisilbing gabay sa guro ang key development indicators sa pagpili ng angkop na mga gawain para sa mga estudyante. Ginagamit nila ang “play, do, review” sequence at may pagkakataon ang mga bata na piliin ang kanilang proyekto, planuhin ang daloy ng kanilang pagkatuto hanggang sa makamit ang kanilang learning goals, at kasama ang guro, sila rin ang susuri sa resulta ng kanilang pag-aaral. 

Montessori Method

Child-centered ang Montessori at sa kurikulum nito, learning guides lamang ang mga guro. Binuo ito ni Dr. Maria Montessori, isang Italian physician, noong 1897 sa Italy. Ninais niyang matutuhan ng mga bata ang teamwork at magkaroon sila ng kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng cognitive, social, at emotional development. May limang key study areas din ang Montessori curriculum: practical life, sensorial, mathematics, language, at cultural studies. 

Mayroong moldable learning materials sa mga klasrum para makapag-explore ng bagong mga konsepto at iba pang skills ang mga estudyante. Karaniwan ding walang mesa ang mga klasrum. Self-paced ang pag-aaral ng mga bata sa mixed-age classroom setting. Maaaring matuto ang bata independently o sa mga pangkat. Puwede rin silang pumili ng mga gawaing interesante para sa kanila. Nakahihikayat ito ng accountability, independence, at passion. 

RELATED: Tuition Fee Guide: Quezon City Progressive And Montessori Preschools

Sa tulong ng mga guro, mas nahahasa pa ang mga estudyante sa kanilang after-school activities at sa question and answer sessions. 

Reggio Emilia

Kasama rin sa mga iba’t ibang uri ng preschool ang Reggio Emilia. Project-based learning curriculum ang RE na nagmula sa Hilagang Italya. Ito ay binuo ng Italian educator na si Loris Malaguzzi. Holistic ang development na nilalayon ng Reggio Emilia at kasama rito ang emosyonal at intelektwal na potensyal ng mga bata. 

Sa ganitong kurikulum, natutulungan ang mga bata na maging independent at matatag, marunong magpahayag ng damdamin, at pahalagahan ang freedom of expression. Natututo silang mag-explore ng mga ideya sa tulong ng hands-on at malikhaing mga gawain. Malaki ang papel na ginagampanan dito ng kanilang atelier (creative space) at ng atelierista (artistic teacher). Hinihikayat din ang pangkatang gawain sa klasrum na mayroong aktibong pakikinig at paggalaw (movement). Mahalaga rin sa Reggio Emilia ang direktang involvement ng pamilya sa ganitong kurikulum. 

Waldorf

Si Rudolf Steiner ang founder ng Waldorf curriculum at layunin niyang mapagtibay ang praktikal at makasining na kakayahan ng mga bata. Naniniwala siyang kailangang hubugin ang isang indibidwal upang maging well-rounded. Mahalaga rin ang outdoors at pagkamalikhain sa ganitong kurikulum kaysa traditional academics. Walang assessments, tests, homework, o grading. Mayroon lamang tuloy-tuloy at iba't ibang gawaing nagsisilbing pagsusulit para sa mga bata. Self-driven ang kanilang mga gawain araw-araw at experiential ang aralin. Walang set teaching method. 

Kombinasyon ng structured at creative learning ang Waldorf preschool curriculum. Nakatuon ito sa intellectual experimentation. Magkakasama rin sa klasrum ang mga batang iba-iba ang edad at mayroon silang play-based approach.

Ascend

Ligtas, masaya, at engaging classrooms ang layunin ng Ascend preschool curriculum. Malawak, mayaman, at inquiry-based ang academic curriculum na Ascend. Layunin din nitong makapagbigay sa mga bata ng masasayang karanasan sa kanilang pag-aaral. Inihahanda ng ganitong kurikulum na maging kritikal sa pagsusuri at pag-iisip ang mga bata. 

Hinihikayat din nito na magkaroon ng sariling opinyon, identidad, ang mga bata at matuto mula sa isa't isa. Kasama sa mga klase ang dance, physical education (PE), arts, at music. 

RELATED: Tuition Fee Guide: Quezon City Montessori, Progressive Preschools

Cooperative

Sa Cooperative curriculum, hindi lamang mga bata ang kasama kundi ang kanilang mga pamilya, maging ang extended family, mga kasama sa komunidad, at mga guro. 

Naniniwala ang mga founder nito na ang lahat ay makikinabang sa mga talento, kakayahan, expertise, kultura, at iba pang mga kontribusyon ng bawat kasapi ng komunidad. 

Taon-taon ding nababago ang kanilang mga silid-aralan at mismong eskuwelahan dahil nagbabago rin ang mga bata, kanilang mga magulang, at ang mga guro. 

Multiple Intelligences

Nagmula ang teorya ng multiple intelligences kay Howard Gardner, Ph.D., John H. and Elisabeth A. Hobbs Research Professor ng Cognition and Education sa Harvard Graduate School of Education sa Harvard University. 

Nagsimula si Gardner sa six intelligences at ngayon nga'y mayroong siyam na intelligences.

Posible ring mayroon pang madaragdag sa listahan sa susunod na mga taon. Narito ang kilalang multiple intelligences na isa ring uri ng preschool curriculum na sinusunod ng ilang mga preschools: 

  • Visual-Spatial
  • Linguistic- Verbal
  • Interpersonal
  • Intrapersonal
  • Logical-Mathematical
  • Musical
  • Bodily-Kinesthetic
  • Naturalistic
  • Existential 

Iba pang uri ng preschools: 

Faith-based

Blended Approach

Thematic Approach

PBEM or Project-Based Ecological Model

iSTEAM (Information, Science, Engineering, Arts, and Math)

Ano nga ba ang best approach sa Early Childhood Education?

Paliwanag ng mga eksperto, habang patuloy na nagiging mahalaga ang emosyonal na suporta mula sa mga guro at mga magulang, nagbabago ang paraan ng pag-iisip ng mga batang 3-5 taong gulang kaysa noong sila ay sanggol pa lamang at toddlers. Kailangang pahalagahan ang pisikal, social, emotional, at cognitive growth ng iyong anak. Wala ring iisang curriculum na angkop para sa lahat ng mga bata. Ang pagpili ng eskuwelahan para sa iyong anak, mula sa mga nabanggit na mga iba’t ibang uri ng preschool o types of preschool curriculum, ay lagi pa ring babalik sa kung ano ang kurikulum na angkop sa kanyang learning style, learning needs, at personalidad. 

Laging tandaan na bukod sa karapatan ng mga bata ang makapag-aral, pundasyon din ng kinabukasan ang edukasyon, at nagsisimula ito sa preschool o early childhood education.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close