Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: Nakikialam ang In-Laws Ko sa Pagkain ni Baby

    Hindi lang sa pagkain madalas nagtatalo ang ina at in-laws, minsan pati sa pagpapalaki ng bata at pagdidisiplina ay may conflict din. Ano nga bang dapat gawin?
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Nakikialam ang In-Laws Ko sa Pagkain ni Baby
PHOTO BY iStock
  • Ang Smart Parenting Village ay hindi lamang isang avenue para sa mga magulang upang makahingi ng advice tungkol sa pag-aalaga ng pamilya, pagpapalaki ng mga bata, at kung anu-ano pa. Ito rin ay itinuturing na safe space para sabihin ng mga nanay ang mga hinaing nila at pinakatatagong mga sikreto, sama ng loob, o hindi kaya ay takot. Tinawag namin itong #SPConfessions.

    Narito ang isa sa mga submissions na umani ng maraming opinyon mula sa mga nanay sa Village: 

    Ms. Sara. Please, itago mo po ang identity ko. Salamat.

    Malapit nang mag six months ang anak ko. Ilang linggo na lang, kakain na siya. Pero, hindi pa ako nagsisimula, hinuhusgahan na ako ng mga tao sa paligid ko. Lalo na ang aking mga in-laws. Excited silang pakainin ang anak ko, pero bilang nanay, sabi ko, hindi pa pwedeng kumain si baby.

    More from Smart Parenting

    Dumating na nga ang isang linggo bago mag 6 months si baby. Dito ko nalaman na pinapakain na pala siya ng in-laws ko. Binigyan nila ng biskiwt at pinainom pa nila ng am. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagalit ako. Hindi nila ako pinapansin. Para bang hindi nila ako naririnig o naiintindihan." 

    Nang mag anim na buwan na ang anak ko, binilhan nila ng cake. Sabi ko, hindi pwede. As much as possible, hindi ko bibigyan ng too much salt and sugar ang anak ko.

    Habang nagta-take sila ng pictures, inaabot ni baby ang cake dahil alam na niyang pagkain iyon at ready na rin kasi siyang mag-solids. So sabi ko sa anak ko, "No anak, bawal yan. That’s sweet!"

    More from Smart Parenting

    Biglang sumagot ang mother-in-law ko, "Sige! Hawakan mo lahat ng mahahawakan mo. Kainin mo lang. Akong bahala sa iyo."

    Nanahimik ako. Baka naman kasi joke lang. Pero ang totoo, marami na akong pinalampas. 

    Ngayon, pinagpi-piyestahan nila ako sa Facebook. Tinutuligsa nila kung paano ko pakainin at palakihin ang anak ko. Marami silang side comments tungkol sa akin at sa mga choices ko.

    Pero naninindigan ako. Alam ko sa sarili ko na tama ang ginagawa ko. Hanggat kaya ko, hindi ko bibigyan ang anak ko ng pagkaing masyadong matamis o maalat o hindi naman kaya ay yung processed. Hindi kami nakatira sa kanila, pero magkalapit lang ang mga bahay namin. Nandoon na ako sa puntong konti na lang, mababastos ko na sila. Naisip ko ring ilayo na lang ang anak ko, pero alam kong hindi rin ito ang solusyon. Mahirap manindigan at mahirap na hindi magpa-apekto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles