Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 'Tough Love' Ang Gamit Ni Judy Ann Santos Kapag May Anak Na Pihikan Sa Pagkain

    Hulaan kung sino sa mga anak ng aktres ang minsan nakadepende sa "mood" pagdating sa pagkain.
    by Jocelyn Valle .
'Tough Love' Ang Gamit Ni Judy Ann Santos Kapag May Anak Na Pihikan Sa Pagkain
PHOTO BY @ryanagoncillo/Instagram
  • Para kay Judy Ann Santos, kinakailangan ang "tough love" para hindi maging pihikan o mahirap pakainin ang mga bata. Siya at ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo ay may tatlong anak: sina Yohan, 15 sa darating na November 7; Lucho, 9; at Luna, 4 sa January 2020.

    Inamin ng aktres at chef na kung minsan ay depende as "mood" ang pagkain ng mga ito, lalo na si Luna. Ngunit kapag nasa mood si Luna ay "kahit ano naman ang ihain mo, kakainin niya." Dagdag niya na madalas ay handang sumubok sina Yohan, Lucho, at Luna ng pagkaing bago sa kanilang panlasa.

    More from Smart Parenting

    Mahigpit kasi ang bilin ni Judy Ann at Ryan sa kanilang mga anak na subukan muna na tikman ang isang pagkain bago tumanggi ang mga ito dahil baka sa huli ay magustuhan naman pala nila. Paliwanag niya na mahalaga na ma-expose ang mga bata sa iba-ibang flavor ng pagkain.

    "Matanda na sila actually mag-isip, e," lahad niya sa SmartParenting.com.ph sa isang event. "Alam nila na if you don't try it, pa'no mo malalaman kung gusto mo o hindi. Unang tingin, hindi mo siya type. Although karamihan ng Filipino food is on the brown, dark side. Hindi katulad ng Western food, makulay—pizza, burger, ganyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    "Tayo kasi brown 'ta's green, so 'yong mga bata...Parang hindi appetizing for them. It's not spaghetti...Something na hindi siya masayang kainin. So you just have to push your kids to try it. Sa parteng 'yon, kailangan talaga tough love. Kailangan nilang subukan kasi doon nila ma-e- experience ang bago na magugustuhan nila. So nagiging madali ang buhay ko kasi marami na silang nagugustuhang flavors na hindi nila naisip na gusto pala nila."

    Mahigpit din ang bilin ng mag-asawa sa kanilang mga anak na ubusin ang pagkain sa plato, lalo pa't ang mga ito mismo ang naglagay dahil sayang nga naman ang tira. Naalala tuloy ni Judy Ann ang litanya ng kanyang Mommy Carol noon na tiyak marami ang makaka-relate: "Ang daming batang nagugutom sa labas. Ikaw, nagsasayang."

    More from Smart Parenting

    Ngayon ay si Judy Ann na ang may ganyang litanya kina Yohan, Lucho, at Luna. "Ginagantihan ko lang sila," saad niya na natatawa pa. "Umiikot lang 'yan. Basta kung ano ang ilagay nila sa plato nila, kailangan nila ubusin. Pag ako ang naglagay sa plato nila, ako ‘yong uubos. So sila ang pinaglalagay ko ng kanin." Kapag gabi naman, ayon pa sa kanya, ay nakatakal na ang kanin sa bawat plato ng mga bata para 'yon lamang ang kakainin nila, maliban kung galing sila ng sports training. Si Yohan ay nagsasanay sa swimming, habang si Lucho ay sa football naman. Ito ang paraan nila ni Ryan na maiwas ang kanilang mga anak sa overeating dahil natutulog na ang mga ito pag patak ng alas- nuwebe ng gabi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paliwanag niya, "So tine-train ko na rin sila na after dinner, they have at least 2 hours for your tummy to settle. Para ma-practice na rin nila 'yong not overeating during dinnertime. Kasi kapag malaki na sila, at least alam na nila na hindi ka dapat nag-o-overindulge pag dinner, not unless gigimik ka pa hanggang alas tres ng madaling araw. E di pumangas ka diyan." Kampante si Judy Ann kahit nasa trabaho siya, tulad ng taping para sa primetime drama series niya sa ABS-CBN, na Starla, ay nasusunod ang mga alituntunin nila sa bahay. Aniya naturuan na niya ang mga kasambahay, na tinatawag niyang "angels," kung ano ang iluluto at ihahain sa mga bata para sa isang buong linggo.

    Nakalista na rin kung ano ang mga dapat ipamalengke, bagamat sinisikap niya na siya mismo ang pumunta sa palengke. Ang palengke daw ang isa sa mga paborito niyang tinatambayan, kabilang na ang grocery, hardware store na True Value, membership-shopping club na S&R, at weekend market. Nawiwili siya sa mga ganyang lugar kaya kapag nagka-zombie apocalypse raw ay malamang doon siya mahahagilap.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Hindi naman daw siya "super-strict mom" dahil pinagbibigyan naman niya ang bata na kumain ng nahihiligan nilang junk food. Basta balanse ang pagkain nila at hindi makaligtaan, halimbawa, ang pag-inom ng fresh juice pagkagaling sa kanilang training. "During weekends, I allow them to indulge in whatever food they want. Para hindi ko naman sila masyadong dine-deprive. Kasi natikman na nila, e. Ano pa ang saysay na pigilan ko sila? Para namang naging Miss Minchin lang ako sa part na 'yon, so hinahayaan ko naman sila do'n," saad niya, na may pagbanggit pa sa kontrabida ng animated drama series na Sarah, Ang Munting Prinsesa.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles