death in the family,death of a parent,viral-trending,6-Year-Old Still Messages Her Mom Who Passed Away 3 Years Ago,Sensitive Subjects,Death & Tragedy,A screenshot of a daughter's chat conversation with her deceased mom is making the rounds on social media.
ParentingReal Parenting

'6 Na Ako Mama,' Heartbreaking Message Of Daughter To Mom Who Passed Away 3 Years Ago

It's breaking our hearts.
PHOTO BYCOURTESY OF BEVERLY BRAGO

Trigger warning: This may be difficult for some readers because this article talks about death of a parent.

Trending ngayon sa social media ang post ni Bev Brago, kung saan ibinahagi niya na ang kanyang pamangkin na si Yasha ay nagpapadala pa ng mensahe sa kanyang kapatid na si Cherry Brago, ang ina nito na namatay noong August 2020.

Pinahintulutan ni Bev, 25, mula sa Taguig City, ang Smart Parenting na i-feature ang kanyang post.

Viral: 6 taong gulang na bata, kinakausap ang yumaong ina

Mababasa sa chat ni Yasha sa inang si Cherry na gusto niyang makausap ito.

undefined
PHOTO BYCOURTESY OF BEVERLY BRAGO

"Mama."

"Ma?"

"6na [sic] ako mama"

Kuwento ni Bev, pinadala daw ito ng bata ilang araw bago siya magdiwang ng kanyang ika-6 na kaarawan. "Sobrang sakit. Ngayon ko lang nakita since di ko naman pinapake-alaman [ang] Messenger niya."

undefined
(L-R) Cherry Brago (deceased), Yasha, and Bev Brago
PHOTO BYCOURTESY OF BEVERLY BRAGO
watch now

Isa lang raw ito sa napakaraming mensaheng ipinapadala ni Yasha sa ina halos araw-araw. "She sends a loooot of messages to her mom almost every day and wants to see if she will respond. Grabe 'no? Even though alam niyang wala na mama niya, inaantay niya pa rin," isinulat ni Bev sa kanyang post na mayroong 9,000 shares na as of writing.

Hiling naman ni Bev sa kanilang mga kapamilya at kaibigan na kinakausap din ni Yasha sa chat na mag-reply sa bata kung may oras sila, "She always make[s] kwento with a happy face whenever kinakamusta siya or may nag-"hi" sa kanya. And pasensya na sa mga kinukulit niya."

Naantig ang mga netizens dahil sa wagas na pagmamahal ng bata sa ina nito. Marami ang nagbahagi na ganito rin daw ang ginagawa nila sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao na. 

Sabi ng isa, "I'm 18 now, but I'm still texting my Mama's number. She passed away 1 year ago."

Kuwento naman ng isa, "Nag-me-message pa rin ako sa Kuya ko na 8 years nang patay. Lahat ng achievements ko at pinagdaanan ko, alam niya."

Ang iba naman ay na-inspire na i-message ang kanilang mga magulang habang nandito pa sila, "Napa-chat din tuloy ako sa mama ko. Sakit na kahit kailan hindi mawawala."

Kuwento ni Bev sa Smart Parenting, sakit na lupus raw ang ikinamatay ng kanyang kapatid noong 2020, kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Hindi na daw nila nakita si Cherry magmula noong na-confine ito sa ospital dahil idineklara itong COVID positive at kinailangang i-cremate ito agad.

Hindi raw niya akalaing mag-va-viral ang kanyang post dahil umiiyak daw siya habang isinusulat niya iyon. Natutuwa naman siya na marami ang nagpapadala ng mensahe para sa kanyang pamangkin.

Para kay Bev, mahalaga ang suporta ng pamilya lalo na sa mga batang dumadanas ng grief o kalungkutan dahil sa pagkamatay ng kaanak. "Tayo ngang matanda need ng support, sila pa kaya? Kaya whenever I'm in front of Yasha, I want her to be vulnerable sa nararamdaman niya. Na di niya need ipakita na strong girl siya, that she can also lean on me."

Mensahe niya para kay Yasha, lahat ng pangarap sa kanya ng kanyang ina ay tutuparin nila. 

May mensahe rin si Bev sa yumaong kapatid, "Ate, unti-unti ko na naaabot ang mga pangarap mo sa family mo. You inspire me most. I know you are very proud of me. Number one cheerleader kita, 'di ba? I thank God kasi ikaw ang ate ko. Your priority is always us, your family. I love you, and we miss you."

Paano matutulungan ang batang mag-cope sa grief 

Ang grief o pagdadalamhati lalo na kung may kaanak na namatay ay iba-iba depende sa tao. Lahat tayo ay maaaring makaranas nito sa ating buhay. May mga stages ito, at mahalaga ang suporta ng pamilya lalo na sa mga batang dumaranas nito.

1. Ipaliwanag ang tungkol sa konsepto ng death sa paraang maiintindihan nila.

Ayon sa mga eksperto, mas mainam na maipaliwanag sa bata ang konsepto ng death o kamatayan nang maaga. Huwag na hintayin na may mamatay pa bago iintroduce ang konseptong ito at mahalagang i-explain ito sa kanila sa paraang naiintindihan nila. Huwag na gumamit ng mga salitang "Natutulog lang siya" o "Nasa heaven na" dahil maaaring literal na tanggapin ito ng bata at hindi na rin matulog o kaya'y umalis ng bahay at hanapin kung saang "heaven" nandoon ang kanilang yumaong kaanak. 

2. Ipanatag ang kanilang kalooban at makinig.

Ayon sa Child Mind Institute, ang pagkamatay ng magulang ang isa sa pinaka-traumatic na mararanasan ng isang bata. Mahalaga na maipadama sa bata na kahit yumao na ang kanyang magulang, siya ay maaalagaan pa rin at pananatilihing ligtas.

Malaking bagay rin ang pagdamay at pakikinig sa kanila at sa mga kuwento nila. Asahan na magiging palatanong sila, at okay lang maging tapat sa kanila. Payo ng mga eksperto, humingi ng tulong sa mga propesyunal kung hindi alam kung paano matutulungan ang batang mag-cope sa pagkamatay ng magulang.

3. Tulungan silang alalahanin ang yumaong kaanak.

Sa mga paparating na araw, makakatulong sa kanila ang pagtanaw sa kanilang mga ala-ala. Hindi kailangang umiwas sa usapan ukol sa namatay na kaanak, dahil ang pagbabahagi ng mga masasayang alaala ay nakakatulong makabawas sa kalungkutan, ayon sa Kids Health.

Na-de-depressed ba ang mga bata? Basahin kung paano matutulungan ang batang i-handle ang mabibigat na emosyon dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close