-
Hindi Na Ako Kilala Ng Anak Ko Dahil Sa Traffic
Ilang oras ang inuubos mo sa kalsada araw-araw?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang report ng Philippine Star, sinabi ng urban planning specialist na si Felino “Jun” Palafox Jr., na kung susumahin, halos siyam hanggang 15 taon ng buhay ng mga Pilipino ang ginugugol sa traffic.
Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ng Boston Consulting Group noong 2017, lumalabas na isang oras kada isang araw ang nauubos sa buhay ng mga Filipinos dahil sa traffic — kaya naman naging pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamalalang traffic sa buong Southeast Asia.
Pagdating naman sa pera, sinabi ng Japan International Cooperation Agency na halos Php3.5 bilyong “lost opportunities” ang nawawala sa Pilipino kada araw.
Ano nga bang ibig sabihin ng mga datos na ito para sa working parents? Paano nga ba ito nakakaapekto sa mga responsibilidad mo bilang magulang?
Nang tanungin namin ang mga working moms and dads sa Smart Parenting Village Facebook group karamihan sa kanila’y nagsabing matagal na nilang sinukuan ang traffic. Sa 50 kataong nag comment, malaking porsyento ang pinili na lamang na maghanap ng trabahong may work-from-home setup. Ang ilan naman ay sumabak na lang sa pagnenegosyo para makaiwas na sa traffic.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Pare-pareho ang sentimyento ng mga magulang: wala na silang panahon sa kanilang mga pamilya kaya mas maganda na lamang magtrabaho sa bahay. Ayon kay mommy Pau Edra, noong nagta-trabaho pa siya sa UP Technohub, inaabot siya ng halos dalawang oras papuntang opisina at dalawang oras pauwi sa bahay nila sa Fairview, Quezon City araw-araw. Doon na siya nagdesisyong magtrabaho na lamang sa bahay. Ngayon, ang dating apat na oras na inuubos niya sa kalsada ay nagagamit na niyang panahon para sa kanyang mga anak.
Kwento naman ni daddy Oliver Lubiano, alas kwatro pa lang ng madaling araw ay umaalis na siya ng bahay para lang makaabot sa kanyang shift sa ospital na alas sais ng umaga. Alas dos ng hapon ay dapat pauwi na siya para makarating sa bahay ng alas singko ng hapon at maabutan pa niya ang kanyang mga anak na gising pa. “Kung si Drew (Arellano), kailangan niyang makauwi by 7 p.m., ako target ko 5 p.m. makarating na ng bahay para mahaba ang ma-spend kong time with my baby (turning 7 months old). Nalulungkot na ako 'pag inabot ako ng rush hour or ma-trapik at makarating ako beyond 5 p.m.,” sabi ni daddy.
CONTINUE READING BELOWwatch nowUmabot naman sa puntong naiyak na lang si mommy Diane Zolio dahil hindi na niya nakakasama ang anak niya. Umaalis si mommy ng alas kwatro ng madaling araw, tulog pa si baby. Makakarating siya ng bahay ng alas diyes ng gabi, tulog na si baby. “Inaabot ako ng 3-4 hours one way pa lang. Mapapaisip ka talaga kung may sense pa yung pagttrabaho mo kung baka mamaya, ikaw mismo hindi na kilala ng anak mo,” kwento ni mommy Diane.
Marami naman ang nakarelate sa kwento ni mommy Kelly Summers. Ayon sa kanya, maging ang mga simpleng tasks tulad ng pagpapa-print ng kanilang family photos ay pahirapan pa dahil sa traffic. Mula Cavite ay magbi-biyahe si mommy papunta Quiapo. Dahil breastfeeding siya, minsan ay hindi maiiwasang nababasa na ang kanyang damit ng breast milk dahil inabutan na siya ng oras ng pagpapasuso sa daan. Sa sobrang tagal niya sa kalsada, hindi na kinaya ng mga pads na suot at baon niya. Kapag nakarating naman siya sa bahay, tulog na ang anak niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga magulang din na naisakripisyo ang kanilang mga gustong trabaho dahil hindi na praktikal na mag commute papuntang opisina at pauwi ng bahay. Ang ibang mga magulang naman, kapag gustong-gusto na talagang makita ang kanilang mga anak, mas pinipili na nilang biglaang mag half day o di naman kaya ay mag absent na lang. Maraming magulang din ang hindi maikakailang pagod na pagod na sila. Lalo na kung nag-aaral na ang mga bata, kailangang gumising ng mga magulang ng maaga para magluto ng baon, maghatid ng anak sa school at ung anu-ano pa.
Mahirap nang maging magulang. Mas mahirap pa ngayon na mukhang palala na ng palala ang problema ng ating bansa sa traffic.
Mayroon ka bang kwentong traffic na gusto mong i-share? I-kwento mo na ang iyong mga experience sa Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments