embed embed2
  • Mawiwili Ka Sa Pagtuturo Ni Alex Medina Kung Paano Magpalit Ng Diaper

    Nagdaan muna ang fist-time dad sa mahabang trial and error.
    by Jocelyn Valle .
  • Gamit ang humor, ibinahagi ni Alex Medina, anak ni Pen Medina, sa unang episode ng kanyang vlog ang natutunan niyang proseso sa pagpapalit ng diaper ni baby. Naging daddy ang actor-musician nang manganak ang kanyang girlfriend na si Monique Tolentino noong May 23, 2020. Baby girl ang kanilang panganay na pinangalanan nilang Alexandria Mercedes, at Allie ang nickname. 

    Kuwento ni Alex sa kanyang YouTube video (scroll sa baba para mapanood ng buo), na uploaded nitong July 15, na madami siya at si Monique na pinagdaanang trial and error bago nila nabuo ang sariling sistema sa paglilinis kay Baby Allie pag dumumi ito. Ipinakita niya ang sistemang ito, step-by-step, kasama hindi ang mismong sanggol ngunit ang laruan nito.

    Para simulan ang demo ng tinatawag niyang “Laban,” dinala ng first-time dad ang stuffed toy sa isang sulok ng silid, kung saan naroon ang changing station. Pinahiga niya ito sa mat, at sinabing mahalaga na may mat bilang pagsalo sa ano mang aksidenteng tumapon mula sa diaper. 

    Paliwanag pa niya, “Kung mapapansin n’yo, ang changing station namin ay may kaunting kurba pababa, nang sa gayon ay kapag nagwi-wee o nagpu-poo si baby habang changing, hindi ito pupunta sa likod niya.”

    What other parents are reading

    Inisa-isa ni Alex ang mga kakailanganing gamit: “Para sa laban na ’to, cotton balls at tubig. Ito ang magsisilbing first wave of attack sa paglilinis. Wipes ang tatapos ng iyong laban.”

    Pero bago daw ang lahat, dapat nakahanda na ang pamalit na diaper para ready na itong ipasuot kay baby kapag nalinisan na. Sa pagbuklat ng diaper, bilin niya na siguraduhing nakalabas ang wings nito, na siya namang nagsisilbing proteksyon sa overflow ng ihi o dumi ni baby. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala niya sa mga kapwa first-time dad bago linisan ang anak, “Magugulat ka talaga tuwing bubuksan mo ang diaper. Parang bill lang ng kuryente.”

    Huwag daw pansinin ito at ituloy lang ang pakay. Hawakan ang mga paa ni baby pataas, at simulan ang paglilinis sa pamamagitan ng pagsawsaw ng cotton ball sa bowl ng tubig at pigain ang excess water.

    What other parents are reading

    Lahad niya, “Laging simulan ang paglilinis sa genitals, papunta sa singit, papunta sa likod, sa puwet, at ang huli, sa rectum. Ginagawa natin na parating genitals ang una para hindi magkaimpeksyon ang bata. Ulit-ulitin lamang hanggang makuha ang desired result. 

    “Tandaan, always remember, from front to back. Front to back...Dispose the diaper properly. Ngayon, kunin ang diaper na nakahanda na. O, di ba, napadali ang trabaho mo. Ayun, ilagay ang bata sa diaper.

    Ibig sabihin, nasa ilalim na ni baby ang nakabukas nang pamalit na diaper. Siguraduhin daw na ibanat ang garter ng diaper. Pagkatapos, kumuha ng wipes na ipupunas kay baby.

    What other parents are reading

    “Simulan ulit punasan ang ari, ang singit, ang likod, ang butt cheeks, at papunta sa butas ng puwet. And so on and so forth,” sabi niya habang tinatapos ang proseso sa pagsasara ng diaper kay baby.

    “Siguraduhing banat ang garter para walang espasyo sa likod pag sinuot na sa bata ang diaper. Kaya natin ginagawa ito ay para iwasan kapag nag-o-overflow ang poopoo, na hindi lumabas sa likod ng bata, o di kaya sa gilid ng kanyang mga binti. 

    “Lagi ring tatandaan na ang adhesive, diretso ang pagkakakabit. Hindi siya dapat nakakabit na baliko o ano man. Dapat ito ay diretso. Minsan, may mahahanap kang palatandaan sa diaper. Diyan mo ikakabit ang adhesive. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    “Tandaan: not too loose and not too tight. Para makahinga pa rin si baby. But, at the same time, napo-protektahan tayo sa leaks.”

    Sa pagtatapos ng kanyang first vlog episode, sinabi ni Alex na dedicated ito sa first-time daddies na hindi alam ang gagawin, tulad niya halos two months ago lang.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close