-
Andador o Walker? Alin Nga Ba ang Mas Ligtas?
Ano nga bang pinagkaiba ng dalawa?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Noong nakaraang taon, iniulat namin ang panukala ng American Academy of Pediatrics na tuluyan na ngang i-ban ang paggawa at pagbebenta sa U.S. ng infant walkers. Sa U.S. kasi, isa ang infant walkers sa mga pangunahing dahilan kung bakit naaaksidente ang mga bata. Kalimitay dinadala ang mga bata sa emergency room dahil sa skull fractures, concussions, broken bones, at iba pang mga walker-related injuries. Ayon pa sa AAP, binibigyan ng infant walkers ng "false sense of security" ang mga magulang.
Alam niyo ba na ang isang baby na nasa walker ay umaandar sa bilis na aabot sa isang metro kada segundo? Ibig sabihin, ilang segundo lamang ang mayroon ka para mag-react kung mayroon mang mangyari sa iyong anak. Bukod pa rito, mas madali ring mapuntahan ng mga bata ang mga bagay na makakasama sa kanila tulad ng heaters, electrical sockets, maga mainit na inumin, at pati na rin lason, kung pakalat-kalat ang mga ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTinanong namin ang mga nanay at tatay sa Smart Parenting Village kung ano sa tingin nila ang mas ligtas: walker o andador?
Sabi ni Mommy Abby Punzalan, ibinili niya ng walker ang kanyang anak, ngunit ang sabi ng kanilang pedia, mas ligtas ang andador. "Mas natututo sila maglakad ng tama. Mas maganda din daw ang posture," dagdag ni Mommy Abby. Sabi naman ni Mommy Princess Torres Co, sa Dubai raw ay hindi nirerekomenda ng mga pedia ang paggamit ng mga tipikal na walkers. "Push toy walker and playpen are better," sabi pa niya.
Para naman kay Mommy Kg Rosas, andador ang mas ligtas, ngunit kailangan mong siguraduhin na bibili ka ng matibay na klase. “Yung baby ko kasi sa andador natuto maggabay sa paglakad. Unlike sa walker na de-gulong, imbes kasi matuto maglakad parang nag i-slide lang sila,” dagdag ni Mommy Kg.
What other parents are reading
Ibinahagi naman ni Mommy Christell Panganiban Pelenio ang sinabi ng pedia ng baby niya, “My baby's pedia doesn't recommend either. Wait ko nalang daw si baby mismo matuto maglakad on her own.” Ganoon din ang payo ng pedia ng baby ni Mommy Ghie Tolosa. “My baby's pedia doesn't recommend po. Basta ang advised nya let him crawl on the floor at lahat po ng pwedeng kapitan kinakapitan niya,” sabi ni Mommy.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaganda naman ang experience na ibinahagi ni Mommy Aple Apryl, “To be honest akala English version lang yung walker ng andador. Kami hindi kami bumili. May pinamana mga kapatid ko pero hindi kumportable ang panganay ko. Pareho sila ni bunso na gabay-gabay lang—mas maganda pa result both brain and body.” Ayon pa kay Mommy Aple, mas naging magaling dumiskarte ang kanyang mga anak. “Ginagawan namin sila ng obstacle course. Kunyari may gusto silang gamit or toy kung saan saan namin ‘yun nilalagay tapos sinusundan nila. Makikita mo ugali nila if madali gumive up or if persistent sila at kung madiskarte!” ayon sa kanya.
Nagbahagi din si Mommy Kris Takagawa. Sabi niya, "Just provide for them a space where they can do milestones at their own pace. A play fence is much better and safer."
Sabi naman ni Mommy Aime Anne Resubal Nisay, "Ginagamit lang pag nangawit magbuhat o mag alalay pero hindi sya makakatulong sa maagang paglalakad. At dahil may gulong, delikado kapag mabilis ang takbo o lakad. Nafo-force yung paa nila to stand kahit hindi pa ready. Mas maganda sa paligid magpractice like upuan, gilid ng kama o cabinet kumapit as long as hindi nauuga o gumagalaw."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ayon naman kay Mommy Alelly Cablao-Hernane, hindi talaga magiging ligtas ang walker o andador kung gagamitin siya ni baby at hindi tayo nakatutok sa kanila. "In our case meron siya push walker and walker talaga. So far ok naman samin mommies, it helped her to learn how to walk. 'Yun nga lang talaga nakakapit ako everytime and talaga nakabantay. No gadgets, no TV wala talaga as in focus sa kanya. Hanggang sa matuto na siya maglakad din," sabi niya.
Maganda rin ang ibinahaging sagot ni Mommy Meien Cenal Salvador. "I think, depende sa surface. If smooth or polished ang surface ng sahig, andador will do. But if rough or uneven yung surface or may rubber matting or naka-carpet, walker (with wheels) is better," sabi niya. Walker ang ginamit nila para sa kanilang anak. Ginamit daw ito ng anak niya sa loob ng bahay, kung saan makinis ang kanilang semento. Bungalow rin daw ang bahay nila kaya walang risk na mahulog sa hagdan si baby. "I think it helped her strengthen her knees and leg muscles at nakakatuwa rin tingnan," sabi niya. "Whether andador or walker, of course dapat minomonitor pa rin ang bata, as much as possible, wag aalisin ang paningin sa kanya. But i guess, kahit hindi naman gumamit ng andador or walker, the child will eventually learn to stand and walk on his/her own pace," payo pa niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi naman ni Mommy Rolyn Bugayong, andador daw ang nirekomenda sa kanila ng pedia. "Kase walang gulong, so any movement will be coming from the baby, mas matuto maging independent yung baby in terms of walking, kase more on support talaga yung andador, unlike yung mga walkers na may gulong, may tendency magkaron ng extra movement lalo pag napa takbo yung baby, minsan kahit nag stop na yung baby, mag move pa din ng konte yung walker," ayon sa kanya.
Kung hindi ka pa rin sigurado sa mas ligtas na option para sa anak mo, mas makabubuting magtanong sa pedia.
Mayroon ka bang payo tungkol sa pagpili sa pagitan ng walker at andador? Ibahagi mo ito sa aming Facebook page. Maaari ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments