embed embed2
  • 9 Months Na Si Lilo! Balita Ni Andi Nagustuhan Nilang Mag-Ina Ang Baby-Led Weaning

    Pampa-good vibes ang bunso ni Andi Eigenmann!
    by Jocelyn Valle .
  • Good vibes ang hatid ng pagpo-post ni Andi Eigenmann sa Instagram ng mga litrato ng kanyang mga anak na sina Ellie at Lilo. Nakabase na ang aktres sa Siargao Island kapiling si Lilo at ang daddy ni Lilo na si Philmar Alipayo, isang champion surfer na taga-isla.

    Ang panganay ni Andi na si Ellie, 8 years old, ay kasalukuyang namamalagi sa Metro Manila tulad ng kanyang daddy na si Jake Ejercito.

    Nitong April 23, nag-post si Andi bilang pagbati sa ika-siyam na buwan ni Lilo at sa okasyon ng Earth Day. Palala niya sa caption, “Let’s do our best to care for this planet as much as we do for our kids! The same way, we can teach our children to love the Earth, before we ask them so save it.”

    What other parents are reading

    Baby-led weaning para kay Lilo

    Ibinahagi din ni Andi kung paano niya pakainin si Lilo. Isa daw itong “super fun experience” para sa kanilang mag-ina. Malimit siyang gumawa ng masarap at kakaibang paraan para magustuhan ng kanyang anak ang masustansyang pagkain. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ni Andi na interesado siya sa natutunang paraan na tinatawag na baby-led weaning (BLW). Ang BLW ay nagiging popular na paraan para sa mga magulang na ipakilala ang mga anak sa solid food na hindi dumadaan sa spoon feeding — hinahayaan si baby na pakainin niya ang sarili niya gamit ang kanyang mga kamay. At imbes na purees, “baby-sized pieces” o maliliit na piraso ng regular na pagkain ang ihahain kay baby. 

    Ayaw naman ni Andi na biglain si Lilo kaya pinili pa rin niya ang tradisyunal na puree ng pagkain. Mas mabilis daw itong gawin at hindi pa mabubulunan si baby. Pero nang masanay siya sa paghanda sa pagkain ni Lilo ay nakita niya mas swak ang BLW sa kanilang dalawa.

    What other parents are reading

     

    Pansin niya na mas gusto ni Lilo na siya ang pumili kung ano ang kakainin sa mga nakahain na pagkain kesa subuan na lamang. Nakakatuwa din daw panoorin ang pagtuklas ni Lilo ng iba-ibang klaseng pagkain at paano isubo ang mga ito.

    Nagtanong naman si Ellie sa comments section kung ano ang kinakain ng kapatid niya sa litrato. Sumagot si Andi na apple muffin dahil allergic si Lilo sa saging, na sangkap sa mas popular na banana muffin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa usapin pa din ng pagkain, ipinaliwanag ni Andi na nahilig siya sa nutrisyon at paggawa ng masustansyang recipes bilang tugon sa kanyang problema sa body image at hirap sa pagbabawas ng timbang. Ipinagpatuloy niya ito dahil pihikan si Ellie hanggang sa nakagawian na niya ang paghahanda ng simple ngunit nakakabusog na pagkain. 

    What other parents are reading

    Ngayong panahon daw ng quarantine dahil sa COVID-19 health crisis ay nagkaroon siya ng mas maraming oras sa paghahanda ng pagkain. Isa na rito ang paborito nilang mag-anak na avocado and egg toast na inihain niya kay Lilo na may kasamang kamatis at saging na pinitas mismo sa kanilang puno.

    Noong walong buwan si Lilo, nagkuwento ang mommy niya na ang bilis ng kanyang paglaki. Komento pa ni Andi na madalas din daw kung ano-ano ang sinasabi ng bata at magana itong kumain. Gusto daw nito lahat ng inihahain na gulay o prutas. Kaya naman mula sa dalawang boteng gatas kada gabi ay isa na lang daw ang dinedede nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa motor development naman daw, medyo nahuli si Lilo na matutong umupo nang siya lang pero kaagad naman daw itong nakahabol. Komento pa ni Andi na gustong-gusto ng anak niya na gumulong-gulong nang mabilis, gumapang, biglang umupo mula sa pagkahiga, at tumayo pag may nakapitan.

    Hindi rin daw magugulat si Andi kung, tulad ni Ellie, ay bigla na lang maglakad si Lilo. Baka daw mangyari iyon bago matapos ang quarantine period. Pareho daw sina Ellie, nang mas bata pa ito, at si Lilo na mahilig gumala-gala. Kaya daw kailangan na nilang mag-child proofing ng bahay. 

    Sabi ni Andi na ang pagpunta sa beach ang isa sa bonding activity nilang mag-anak, at nami-miss niya ito dahil sa quarantine. Mas lalo daw niyang nami-miss si Ellie. Hinihintay niya ang araw na muli niyang masundo ang kanyang panganay mula sa Metro Manila at dalhin sa Siargao. Hindi daw kumpleto kapag wala si Ellie. Mabuti na lamang at nakakapag-video call sila araw-araw. Ramdam niya ang positive spirit na hatid nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles