Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kwento Ng Panganay Ni Angel Aquino: 'We Never Felt Her Absence' Bilang Single Working Mom

    Dagdag pa ni Iana Bernardez, "I never felt that my mom was too busy for us."
    by Jocelyn Valle .
Kwento Ng Panganay Ni Angel Aquino: 'We Never Felt Her Absence' Bilang Single Working Mom
PHOTO BY @ianabernardez and @imangelaquino via Instagram
  • Si Angel Aquino ay 20 taong gulang nang maging ina sa unang pagkakataon. Ngayon ay 26 taong gulang na ang kanyang panganay, si Iana Bernardez, na pumasok na rin sa showbiz bilang artista at producer. Ang bunso naman, si Thea Bernardez, ay estudyante sa College of Saint Benilde at nag-a-aral ng cinematography.

    Bata pa lamang si Iana, na gamit ang apelyido ng kanyang ama, nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Lumaki siya sa poder ng kanyang inang si Angel, na taong 1990 nang madiskubre sa isang mall para maging commercial at fashion model. Pagkalipas ng anim na taon, pinasok ni Angel ang mundo ng pelikula sa pamamagitan ng Mumbaki (1996) at kalaunan, ang telebisyon bilang teleserye actress at lifestyle show host. Sa kasalukuyan, siya ay gumaganap sa papel ni Diana Olegario sa long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.

    Sa panayam kamakailan ni Iana sa manunulat na ito, ikinuwento ni Iana ang kanyang buhay sa piling ng isang single working mom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Hindi ko alam kung makakalimutin lang ako,” panimula niya, “pero I never felt that my mom was too busy for us. I’m thankful that I had my grandmother. We lived with our lola, si Nanay, for the longest time. So, I’ve always had a mother figure.

    “And mom always came home naman to us. Siguro kasi tabi-tabi pa rin kami sa isang kama. ’Yon ang naging practice, so we never felt her absence and that she was too busy. Siguro din acting is not a job that demands your every day. So there would be days na, like MWF siya sa Probinsyano, Tuesday and Thursday, nasa bahay siya. Examples like that na she’s not always absent.”

    Pansin ni Iana na hindi madaling magalit ang kanyang Mommy Angel sa kanya at sa kanyang nakababatang kapatid na si Thea. Sa katunayan, best friends ang turingan nilang mag-i-ina. Wala silang sinisikreto sa isa’t isa at halos kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naiintindihan ni Iana ang sitwasyon ng kanyang mga magulang, na halos bata pa nang magpakasal at magkapamilya. Kaya naman no’ng 16 o 18 taong gulang siya ay may mahigpit na bilin ang kanyang Mommy Angel. Aniya, “Don’t get pregnant. Don’t get a boyfriend.”

    More from Smart Parenting

    Hanggang ngayon, sa edad na 26, ay dalaga pa siya. Hindi naman daw siya nagmamadali na lumagay sa tahimik. Marami pa siyang gustong gawin at makamit sa kanyang career. Bilang artista ay nagbida na siya sa indie movie na Gusto Kita with All My Hypothalamus noong 2018 at gumanap ng mahalagang papel sa LSS, na kalahok sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Producer naman siya ng Babae at Baril, na nagwagi ng ilang tropeo sa katatapos lamang na QCinema International Film Festival 2019. Nanalo ang kanyang pelikula ng Gender Sensitivity Award, Best Director (para kay Rae Red), at Best Actress (para kay Janine Gutierrez).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinuwento din ni Iana na bagamat hiwalay ang kanyang mga magulang ay nanatiling matatag ang kanyang relasyong sa kanyang ama na si Ian Bernardez. Hindi nga lang sila madalas magkita dahil sa Baguio City nakabase si Daddy Ian. Malapit din siya sa kanyang half-brother. Maging ang kanyang ama ay malapit din sa kanyang ina. Close friends daw ang mga ito. May mga pagkakataong magkakasama silang lahat para magdiwang ng mga espesyal na okasyon, tulad ng Pasko, Bagong Taon, at kani-kanilang mga kaarawan.

    Diin ni Iana na “wala akong angst sa family” at dagdag niya masuwerte siya sa pamilya.

    Mahirap ring maging single mom lalo na kung ikaw lang ang nag-ta-trabaho para sa iyong pamilya. Mag-click dito para sa tips ng mga single mom kung paano sila nag-ba-budget ng pang-araw-araw na gastusin.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles