embed embed2
  • Seryoso Si Archie, Anak Ni Georgina Wilson, Sa Pag-Aaral ng Filipino

    Ang panganay ni Georgina Wilson ay gusto ring mag-artista.
    by Jocelyn Valle .
  • Bagamat blue-eyed at blonde ang mga anak ni Georgina Wilson na sina Archie, 3 years old, at Alfie, 1 year old sa June, dahil may dugo siyang British (ang kanyang mister na si Arthur Burnand ay British) ay walang dudang Pinoy na Pinoy ang magkapatid. 

    Noong February 2019, nag-viral ang video ni Archie na umiiyak dahil gusto niyang kumain ng adobo pero iba ang inaalok ng kanyang yaya para kainin. Maraming social media followers ng kanyang model/influencer/entrepreneur mom ang natuwa at binansagan siyang “Adobo Boy.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nagiging bihasa na si Archie sa pagsasalita ng Filipino, bukod pa sa English. Ikinuwento ni Georgina sa vlog ng kanyang pinsan na si Isabelle Daza noong May 2019 na Tagalog daw ang literal na unang wika ng kanyang panganay na anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, “He goes to me the other day, ‘Mama, I have a sakit.’ He goes, ‘baho,’ to his English cousins.” Dagdag pa niya, “He looks foreign, but he’s very Filipino inside.”

    At para mahasa pa si Archie sa wikang Filipino ay mayroon siyang tutor na gumagabay sa kanya. Makikita ang mga video sa Instagram account gamit ang kanyang full name na Archibald Francis Geoffrey Burnand.

    More from Smart Parenting

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Archie naman ang tutor ng kanyang little brother na si Alfie.

    Maging ang daddy nilang si Arthur ay natututo na rin ng ilang salita sa Tagalog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marunong din si Arthur ng larong Pinoy, tulad ng sawsaw-suka, at aliw na aliw siya.

    More from Smart Parenting

    Sinabi din ni Georgina noon sa vlog ni Isabelle na gusto ni Archie na mag-artista. Katunayan, nagsabi na raw ang bata sa kanya. Sabi daw ni Archie na may halong British accent, “Mama, can I be an actah?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dugtong pa ni Georgina na marunong na daw umarte si Archie. “He has, like, scenes. So he goes, like…He has this, like, really mad face. ‘This is the galit face.’ And then he has a sad face, ‘Wah, wah, I want some adobo.’"

    May dugong artista si Archie kahit hindi tumuloy si Georgina sa mainstream showbiz mula sa pagiging model at TV host. Ang mga tita niya sa mother side na sina Gloria Diaz at ang yumaong Rio Diaz ay mga aktres at beauty queen. Ang anak naman ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na si Isabelle Diaz ay sumabak din sa pag-arte sa teleserye at pelikula.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles