embed embed2
Bawas Screen Time Techniques: DIY Puno, Ball Banderitas At Iba Pa
PHOTO BY Wella Panopio-Diola
  • Ayon sa pinakahuling inilabas na guideline ng World Health Organization (WHO) tungkol sa screen time ng mga bata edad lima pababa, dapat ay zero o walang oras na gugugulin ang mga ito sa harap ng screen. Isang oras naman o mas mababa dapat ang screen time ng mga batang edad dalawa hanggang apat.

    Kaya naman mas pinaigting pa ng mga nanay ang paghahanap ng mga paraan para mabawasan o ‘di kaya ay tuluyan nang alisin ang screen time ng kanilang mga anak.

    More from Smart Parenting

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa sa mga nanay na nakita naming bumubuo ng mga pagkakaabalahan ng kanyang anak ay si mommy Wella Panopio-Diola.

    Ayon sa kanya, dati ay umaabot na hanggang apat na oras ang screen time ng kanyang anak. At dahil alam ni mommy ang maaaring masamang naidudulot nito, humanap at gumawa talaga siya ng mga paraan para mabawasan ang screen time ng anak niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ball Banderitas

    Nauna na niyang ginawa para kay baby Lucian ang ball banderitas. Napakasimple lang nito pero nakita niyang naging masaya ang anak niya habang naglalaro.

    PHOTO BY Wella Diola
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kailangan mo lang ng dalawang upuan, packing tape, plastic balls, at basket. Para buuin ang baderitas, paglayuin lang ang dalawang upuan. Kumuha ng isang dipang packing tape at idikit isang dulo sa isang sandalan at ang kabilang dulo sa kabilang sandalan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Wella Diola

    Kwento ni mommy Wella, pinapadikit niya kay baby ang mga bola, habang pinapabilang niya ito. Sa second round naman nila ng paglalaro, pinadikit ni mommy kay baby ang mga magkakakulay na bola. 

    PHOTO BY Wella Diola
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami kang pwedeng ipagawa sa anak mo gamit ang ball banderitas na ito. Bukod sa maaaliw na siya, matututo pa siya kung paano magbilang at mag-identify ng colors.

    More from Smart Parenting

    Lucian’s Tree

    Bukod sa ball banderitas, bumuo rin si mommy Wella ng DIY puno.

    Kailangan mo lang ng mga sumusunod: 

    • 2 pieces recycled medium boxes
    • 2 pieces brown cartolina
    • 2 pieces green cartolina
    • Plastic fruits and vegetables
    • Velcro
    • Basket
    • Glue
    • Glue gun and stick
    • Packing tape
    • Scotch tape
    • Printed photos of fruits and vegetables

    Para buuin ito, mag-drawing lang ng hugis ng dahon ng puno sa unang kahon. Gupitin ito at takpan ng green na cartolina. 

    PHOTO BY Wella Diola
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gupitin naman ng hugis katawan ng puno ang ikalawang kahon at takpan ng brown na cartolina.

    PHOTO BY Wella Diola

    Para ‘tumayo’ ang puno na ginawa ni mommy, ginamit niya ang isang bahagi ng lumang wooden crib ng kanyang anak. Kung wala naman kayong ganito, pwede ninyong idikit ang puno sa isang bahagi ng dingding ng bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Wella Diola

    Para naman dumikit ang mga prutas at gulay sa puno, dikitan ang mga ito ng velcro gamit ang glue gun. 

    PHOTO BY Wella Diola

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang printout ng mga gulay at prutas ang magiging guide ni baby. Idikit mo lang ang ginupit-gupit na mga printouts na ito sa puno. 

    PHOTO BY Wella Diola

    Kapag natuyo na, pwede nang maglaro si baby!

    PHOTO BY Wella Diola

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Simula nang gumawa si mommy Wella ng mga DIY na laruan at activities para sa kanyang anak, naibaba niya ang screen time nito sa isang oras at madalas nga ay hindi na ito humaharap sa ano mang screens.

    Tatlong araw ang inabot ng pag-gawa ni mommy ng Lucian’s Tree dahil siya’y isang working mom. Pero ayon sa kanya, kayang-kaya itong buuin sa loob lang ng isang araw. Katuwang ni mommy Wella ang yaya ng kanyang baby sa paninigurong mababawasan ang screen time ng bata at mas itutuon nito ang pansin sa paglalaro gamit ang mga DIY activities na ginawa ni mommy.

    Kayo? Paano ninyo nililimitahan ang screen time ng inyong mga anak? Iwan ang inyong suggestions sa comments section. Pwede niyo ring ibahagi ang inyong mga karanasan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles