embed embed2
  • Parental Control: Narito Ang Best Apps Na Maari Mong Gamitin

    Ang parental control ay isang mabisang paraan para limitahan mo ang access ng anak mo online.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Parental Control: Narito Ang Best Apps Na Maari Mong Gamitin
PHOTO BY iStock
  • Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon. Kung noo'y hilig ng mga bata ang maglaro sa labas, umakyat ng mga puno, at makipaghabulan, ngayon ay kuntento na silang nasa loob ng bahay at nakaharap sa TV o hindi naman kaya ay sa kanilang mga gadgets

    Walang magulang ang hindi nababahala sa pagbabagong ito, lalong-lalo na at mayroon na ngayong internet at social media. Hindi sa lahat ng oras ay mababantayan mo ang anak mo at masisigurong malayo sila sa kapahamakan habang gumagamit sila ng mga gadgets. Kaya naman inipon namin ang ilan sa mga applications na pwede mong gamitin para siguraduhing protektado ang mga anak mo online.

    Ano nga ba ang parental control?

    Ang parental control ay isang mabisang paraan para siguraduhin mong hindi ma-aaccess ng mga anak mo ang kung anu-anong websites online—lalong-lalo na ang mga websites na hindi pambata ang laman.

    Maaaring may mga protection features na ang mga gadgets na ipinapagamit mo sa mga anak mo. Kailangan mo lang i-activate ito o hindi kaya ay i-download at i-set up sa mga gadgets ng mga bata. May mga apps na libre at mayroon din namang may bayad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano malalaman kung aling app ang dapat gamitin?

    Depende sa iyong device. Iba-iba ang compatibility ng mga parental control apps sa mga devices tulad ng Windows, Android, at IOS. Kaya naman siguraduhing gumagana  sila sa gagamitang devices, bago mag-install o kaya ay bumili ng mga apps na ito. Narito ang ilan sa mga apps na maaari mong gamitin:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Family Link

    Ang Family Link ay isang app na ginawa ng Google para tulungan ang mga magulang na limitahan ang oras ng paggamit ng gadgets ng mga bata. Kailangan mo lang itong i-download at i-install sa gadgets na gamit ng mga anak mo bago mo sila magawan ng account dito. Pwede mong gawan lahat ng mga anak mo na kanilang kani-kanilang accounts na may unique na restrictions depende sa kanilang pangangailangan. 

    Maaari mo ring gamitin ang app na ito para i-trace kung nasaan ang mga anak mo. Kailangan lang ay dala nila ang kanilang mga android devices at naka-install ang Family Link app.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Google Safe Search

    Ang app na ito ay epektibong paraan para limitahan ang mga explicit images at mga nakasulat online na maaaring makita ng mga anak mo. 

    Para i-activate ito sa mobile devices ng mga bata ang Google Safe Search, pumunta lang sa Google > Settings > Search Settings at piliin ang Filter explicit results. Tuwing magsesearch online ang inyong mga anak, wala nang lalabas na resulta na maaaring malaswa o hindi angkop sa mga bata.

    More from Smart Parenting

    Kaspersky Safe Kids

    Epektibo ang app na ito kung gusto mong i-monitor ang ginagawa ng mga anak mo online, sa kanilang PC man o Mac at smartphones. Nagkakahalaga ito ng $15 kada taon o humigit kumulang Php800. Mura na ito para sa isang app na makakatulong sa iyo para siguraduhing ligtas ang mga anak mo habang online sila.

    Maaari kang mag-set ng time limit gamit ang Kaspersky Safe Kids. Maaari ka ring mag-limit ng websites na bibisitahin ng mga anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Qustodio

    Maaari mong i-install ang app na ito sa iyong Android, IOS, Kindle at Nook. Ang maganda sa app na ito, user-friendly ito at talaga namang madaling gamitin. Maganda ito para sa mga magulang na limitado ang oras at walang panahon para magbutingting ng mga gadgets.

    Gamit ang app na ito, pwede mong i-check ang mobile activities ng mga anak mo. Mayroon din itong dashboard kung saan mo makikita ang oras na ginugugol ng anak mo sa mga apps tulad ng Facebook at Instagram. Gamit ang app na ito, pwede mo ring limitahan ang oras ng mga anak mo sa gadgets nila. Pwede mo rin itong gamitin para siguraduhing wala silang makikitang malalaswang websites. May kamahalan lang ang Qustodio sa halagang $55 o Php2,790.

    More from Smart Parenting

    Mayroon bang mga libreng apps?

    Kung wala ka namang budget para sa mga mamahaling apps, maaari mong gamitin ang mga built-in features na mayroon ang telepono mo. Sa IOS devices, maaari mong i-activate ang Screen Time features. Pumunta ka lang sa Settings > Screen Time at lagyan ng passcode na hindi malalaman ng iyong mga anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magagamit mo ang feature na ito para limitahan ang oras at access nila sa paggamit ng device na ito. Maaari ka ring makakuha ng weekly at monthly report ng mga activities ng mga bata. Makikita mo kung ilang notifications ang natanggap nila, ilang beses nilang ginamit ang device, at ilang beses nilang ginamit ang ibang apps na naka-install.

    Bukod sa mga apps at features na ito, isa pa rin sa mga pinakamabisang paraan para panatilihing ligtas ang mga anak mo online ay ang pagkakaroon ng consistent at maayos na komunikasyon sa kanila. Malaking tulong kung ipapaliwanag mo sa kanila kung bakit may mga websites silang hindi dapat bisitahin at kung bakit hindi sila basta-basta pwedeng makipag-usap sa kung sino-sino online.

    More from Smart Parenting

    Paano ko irerespeto ang kanilang privacy?

    Importante ang open communication para sa iyo na sila mismo magtatanong at hindi na sila aasa sa ibang tao o sa internet para sa mga sagot. Hindi mawawala ang curiosity sa mga bata, lalo na kung nasa edad na sila na maraming nagbabago sa kanilang mga katawan. Kaya naman sa halip na pagbawalan at kagalitan sila, mas maganda ang bukas at mahinahong pakikipagusap. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga ring irespeto mo pa rin ang kanilang privacy kahit na minomonitor mo ang kanilang activities online. Huwag maging mapanghusga sa iyong mga makikita at lagi mong sabihin at ipakita sa kanila na maaasahan ka nila kung mayroon man silang mga hindi maintindihan online.

    More from Smart Parenting

    Magiging matagumpay ang pag gamit sa mga apps na ito kung gagamitan ng collaborative approach, imbes na palihim mo silang i-momonitor. Hayaan mo silang mag-explore sa online world. Ang mahalaga ay maturuan mo silang gamitin ito sa responsable at mabuing paraan, habang binibigay natin ng buo ang iyong tiwala sa kanila. Ang mga gagamiting app ay magsisilbing gabay lamang at paraan para paalalahanan ang iyong mga anak sa mga hindi mo gustong binubuksan nilang apps o sites.

    Ikaw? Paano mo pinapanatiling ligtas ang mga anak mo online? I-share mo na sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles