;
embed embed2
  • Sakripisyo Kay Buboy Villar Na Mawalay Sa Mga Anak, Pero Kakayanin 'Para Sa Future' Nila

    Nasa United States na ang mga bata kapiling ang kanilang American mother.
    by Jocelyn Valle .
Sakripisyo Kay Buboy Villar Na Mawalay Sa Mga Anak, Pero Kakayanin 'Para Sa Future' Nila
PHOTO BY Instagram/buboyvillar
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Simpleng "24" ang caption ni Buboy Villar sa kanyang post nitong March 21, 2022 kalakip ang litrato kuha sa kanyang pagdiriwang ng kanyang 24th birthday. Sa likod ng matamis niyang ngiti, batid ng kanyang social media followers ang lungkot ng mawalay sa kanyang dalawang anak.

    Ilang araw pa lang kasi ang nakakaraan nang ihatid ni Buboy sa airport ang ikalawa niyang anak na si George, 2, para sundan ang ate nitong si Vlanz, 4, sa United States. November 2021 naman lumipad si Vlanz kung saan naroroon ang nanay nilang si Angillyn Gorens, ang American ex-girlfriend ni Buboy.

    Sa parehong pagkakataon na naghatid si Buboy ng anak sa airport, na mapapanood sa kanyang vlog, aminado ang actor-singer na pinipigalan niyang maging emosyonal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Malungkot…Pero okay ako," lahad niya. "Basta sa future ng anak ko, isa-sacrifice ko. Kakayanin para sa ikagaganda ng buhay nila. ’Yung pagkalungkot ko, and’yan na ’yan, pero maganda i-secure ang future nila."

    Nagpasalamat din si Buboy sa suporta ng mga magulang ni Angillyn bilang lolo at lola ng kanilang mga anak. Ang panganay na si Vlanz ay ipinanganak sa Pilipinas noong September 2017. Ipinanganak naman si George sa U.S. state na California noong August 2019.

    Paliwanag ni Buboy na naunang tumulak pa-Amerika si Vlanz para maasikaso ang U.S. citizenship nito at tuluyang maging dual citizen ng Pilipinas at U.S. Sa kabilang banda, U.S. citizen nang ipanganak si George at pumunta dito para naman sa Filipino citizenship. Diin ni Buboy na ang mga lolo at lola ng mga bata ang nag-asikaso ng lahat.

    Bilin ni Buboy kay anak na lalaki, "Kiss Ate Vlanz for me." Dagdag pa niya, na halatang nanghihiyang, "Kung puwede lang akong sumama, George."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Habang hinihintay ni Buboy ang anak na makapasok, kasama ang chaperone, papasok sa departure area, kapansin-pansin na tila nalilitong palingon-lingon si George.

    Ang nasabi na lang ni Buboy: "That's life." Pagsakay pabalik sa sasakyan, doon aniya naramdaman ang bigat ng pagkakawalay sa anak.

    Nauna nang sinabi ni Buboy nang ihatid si Vlanz na ayaw niyang ipakita siya ng mga anak na umiiyak. Aniya, "Ang hirap kasi bilang isang tatay na malayo sa bata...Mami-miss ko ang amoy niya, ang kadaldalan ng batang ’to."

    Gayunpaman, nanatiling positibo ang kanyang papanaw sa buhay. Lahad niya, "Pasalamat ako sa Diyos na binigay Niya ang ganitong responsibilidad...Siyempre kailangan nating tignan ’yung future nila. Kailangang isipin ang magiging future nila, hindi para lang sa ngayon, bukas, o next year. Para sa ikabubuti nila."

    Basahin dito ang mahalagang papel ng tatay at ng kanyang bond sa anak.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles