embed embed2
  • 'Akala Nila Tamad Ka': A Day In The Life Of A Home-Based Working Nanay

    Ibinahagi ng isang nanay kung anong laman ng isang buong araw niya na 'nasa bahay lang'.
    by Ana Gonzales .
'Akala Nila Tamad Ka': A Day In The Life Of A Home-Based Working Nanay
PHOTO BY Shutterstock/Onjira Leibe
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Malimit ang tingin ng ilan ay napakadali lang ng buhay ng isang stay-at-home mom. Sabi nga nila, 'nasa bahay ka lang naman'. Ano nga namang mahirap kung nasa bahay ka lang? 

    Para makita ng marami sa atin kung ano nga bang nangyayari sa isang araw ng isang tipikal na stay-at-home mom, narito ang isang #SPConfessions na ipinadala sa amin. 

    Mapapagod pero hindi susuko

    Maswerte ako dahil kahit paano, flexible ang oras ko sa trabaho. Nakakaintindi rin ang boss ko. Kaya lang, minsan, ginagabi na ako sa pagtatrabaho dahil sa pag-aasikaso sa mga bata.

    'Yung 'di ka na magkandaugaga sa routine mo mula Lunes hanggang Biyernes dahil nagtatrabaho ka habang binabantayan ang mga anak mo—magkakataon pang clingy ang bunso.

    Nagsisimula ang araw ko sa pagluluto ng agahan. Pagpatak ng 8A.M., simula na ang trabaho ko. Kaya lang, pagdating ng 8:30A.M. hanggang 9A.M., babangon na ang mga bata kaya aaasikasuhin ko na sila. Nakakabalik ako ng trabaho bandang 10A.M. na.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Titigil ulit ako kahit nakakamahigit isang oras pa lang ako sa trabaho. Pagpatak kasi ng 11:30A.M., kailangan namang magluto ng pananghalian, kakain, at magliligpit ng pinagkainan. Makakabalik ako sa trabaho bandang 12:45P.M. na.

    Pagdating naman ng 2P.M., papatulugin ko na si bunso habang nagtatrabaho. Minsan bigla na lang magwawala si bunso. Kakandong o 'di naman kaya ay dedede sa akin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumili na nga ako ng maliit na table para may patungan ako ng laptop kahit saan man ako maupo sa bahay. Makakadede rin siya sa akin kahit nagtatrabaho ako.

    May mga pagkakataong hindi ka pa makaluto agad kasi may ipinapa-rush sa iyo ang boss mo. Nale-late tuloy minsan ang mga bata sa online class dahil hindi sila agad nakakain. Ikaw lang kasing mag-isa ang nag-aasikaso at walang ibang tumutulong sa iyo.

    Minsan, naranasan ko na na habang nagluluto ako ng tanghalian, may biglang pinagawa ang boss ko. Rush daw. Nagkataon pang nanghihingi ng tulong ang anak ko kasi nagloloko ang gamit niya sa online class. Sabayan mo pa ng pagwawala ni bunso dahil nakikita niyang inaasikaso ko ang mas nakatatanda niyang kapatid.

    Maya-maya, naaamoy ko na ang niluluto ko na malapit nang masunog kasi nakalumutan ko nang tignan sa dami ng kailangang asikasuhin.

    Halos mag-breakdown ako dahil hindi ko alam ang uunahin.

    Sobrang gulo ng bahay mula umaga hanggang hapon. Tambak ang mga hugasin at ang pinaglutuan kasi wala na akong oras na maglinis. Kailangang unahin ang mga obligasyon ko sa trabaho.

    Nakaka-stress pa kapag may dadating sa bahay na kamag-anak at maaabutan ang bahay na napakagulo at napakarumi. Makakarinig ka pa ng salita at hindi magagandang komento sa halip na tulungan ka nila.

    Ginagawa mo naman ang lahat pero bakit parang laging hindi sapat? Naglalaan ka naman ng panahon pero bakit parang laging kulang ang oras?

    Tuwing gabi na lang ako nakakapaglinis ng bahay. Pasalamat na lang din sa asawang nakakatuwang ko pagdating niya sa bahay galing trabaho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nagsasabi ako ng mga problema ko o ihinihinga ko ang pagod ko, lagi akong nasasabihang 'maarte'.

    Pero totoong nakakapagod maging stay-at-home working mom. Actually, nakakapagod maging mom. Period.

    Lalong-lalo na kung ikaw lang mag-isa ang nag-aasikaso sa bahay, sa mga bata, sa bills, sa lahat—ikaw na.

    Hindi biro maging nanay dahil bukod sa responsibilidad mo sa pamilya at sa bahay, kailangan mo na ring kumita ng pera. Ang mahal na ng mga bilihin ngayon.

    Sobrang drained na ako. Minsan umaabot pa sa point na naiiyak na lang ako dahil sa sobrang pagod. Akala yata nila, tatamad-tamad ka lang at madali lang ang trabaho mo dahil nasa bahay ka lang naman. Marami pa ngang nagsasabing maswerte ako.

    Totoo naman. Alam kong maswerte ako dahil may trabaho ako at malusog ang mga anak ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay bawal na akong makaramdam ng pagod. Ipinagpapasalamat ko ang lahat ng mayroon ako, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ako nauupos.

    Nais mo bang mag-submit ng iyong sariling #SPConfessions? Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Pwede ka ring magpadala ng iyong kwento sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles