;
embed embed2
  • Chariz Solomon Sa #MomLife: 'We Have To Be Always Available For Everybody, Ano Po?'

    Napapagaan ng Bubble Gang mainstay ang pagganap bilang mommy sa newborn at 2 kids.
    by Jocelyn Valle .
  • Hanggang sa bahay, dala ni Chariz Solomon ang pagiging comedienne. Nagagawa kasi ng Bubble Gang gag show mainstay na maging kuwela sa pagganap bilang mommy.

    Tatlo ang anak ni Chariz: si Apollo James, 7 years old; si Ali Joakim, 5 sa darating na December 17, 2020; at si Andreas Manolo, nito lamang September 30, 2020, ipinanganak.

    Sa isang Instagram post ni Chariz, halimbawa, mapapansin sa video kung paano niya sinisikap na samahan sa panonood ng TV sina Apollo at Ali kahit antok na antok na siya. Aniya sa caption, iyon daw ang kanyang #momLife sa newborn at 2 kids.

    Dagdag pa niya, “Because we have to be always available for everybody, ano po?”

    Kaya naman kahit bumabagsak na ang mga mata sa antok at pagod, pilit pa siyang dumidilat at ngumingiti sa tuwing kakausapin siya ng mga anak.

    Sa isa pang video, karga naman ni Chariz si Baby Andreas sa dibdib gamit ang carrier habang nagluluto ng burgers at onion rings bilang lunch nilang mag-anak.

    Katuwang niya sa kusina ang kanyang partner at daddy ng sanggol na si Vince Tenorio. (Ang ex-husband niyang si Nestor Ng ang daddy naman nila Apollo at Ali.)

    Nagtutulungan din sina Chariz at Vince na maging masaya ang paghehele sa kanilang anak.

    Biro pa ng aktres sa caption, “Kaway-kaway sa mga magulang turned concert kings and queens…Dahil ang paghehele ng bagets ay isang malaking production number.”

    Lahat talaga ay gagawin ni Chariz para magampanan ang kanyang tungkulin bilang ina at higitan pa kung kakayanin. Kaya para sa isang appreciation post, binigyan papuri niya ang sarili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag niya sa caption: “Bilang sa daliri kung ilang beses akong nagbuhat ng sarili kong bangko buong buhay ko. Pero ito, proud ako dito sobra.

    “Marami sigurong masasabing masama tungkol sa ’kin, pero ito, ipaglalaban ko ’to. I always have, and forever will be, a GREAT MOTHER to my sons.”

    May kinalaman ang malungkot na childhood ni Chariz sa pagpupursige niyang maibigay ang best sa kanyang mga anak.

    Ikinuwento ng GMA-7 artist noong 2014 sa Tunay Buhay, isang profile magazine show sa kanyang home network, na nagkawatak-watak silang apat na magkakapatid mula nang naghiwalay ang kanilang mga magulang. At ayaw niyang mangyari din iyon sa kanyang mga anak.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles