family,children,separation,kids,parenting,divorce,broken family,People & Society,Family/Children,Genres,sc24,epekto ng broken family,effects of broken family,con-00390,lch-00390,Epekto Ng Broken Families Sa Bata | Smart Parenting,Family/Children,People & Society,Genres,broken family,epekto ng broken family,effects of broken family,parenting,family,children,kids,separation,divorce,Ito ang mga epekto ng broken family sa mga bata
ParentingReal Parenting

Epekto Sa Bata Ng Broken Family: Paano Paghihilumin Ang Sugatang Puso Ng Bata?

Ito ang mga dapat gawin ng mga magulang na maghihiwalay para matulungan ang inyong mga anak.
PHOTO BYADOBE

Sa paghihiwalay ng mag-asawa karaniwang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga bata. Madalas ito rin ang pumipigil sa mag-asawa na maghiwalay. Pero kung talagang hindi na mabuti ang relasyon at mahirap din sa mga bata na makita ang palaging pag-aaway dahil hindi rin ito makabubuti sa kanila, nauuwi na rin sa paghihiwalay ang mag-asawa.

Subalit hindi mawawala ang realidad na malaki ang magiging epekto nito sa mga bata. Isa sa iniisip nila, “dati naman buo kaming magkakasama, bakit ngayon hindi na.” Iniisip din nila kung kanino sila dapat sumama. Nahahati ang puso ng mga bata sa kanilang magulang dahil nasanay silang parehong kasama ito.

Sa kabilang banda, mahirap man para sa mga bata ang sitwasyon, malaki ang maitutulong mga magulang sa pagbibigay sa kanila ng tapat at maayos na paliwanag at suportang emosyonal. Magkakaiba at malawak ang emosyon ng bawat bata na naapektuhan kapag naghiwalay ang kanilang magulang. Maaaring maranasan ng mga bata ang kalungkutan, galit, takot, pagseselos, kawalan ng pagtitiwala at kapanatagan. Hindi dapat minamaliit ang kakayahan ng bata na maunawaan kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid. Magdudulot lamang ng kalituhan sa bata ang hindi pagpapaliwanag sa kanila ng tunay na nangyayari.

Mas mainam na parehong magulang ang magpaliwanag sa kanilang anak sa sitwasyon sa paggamit ng mga salitang mauunawaan nito. Maaaring maging paulit-ulit ang pagpapaliwanag hanggang sa maintindihan niya ito at ano ang posibleng mangyari sa mga susunod pa o sa hinaharap. Tiyak na masasaktan ang iyong anak sa pangyayari dahil lahat ng bata ay nagnanais na kompleto o buo ang kaniyang pamilya. Posibleng isipin din ng bata na kasalanan niya ang nangyari at sisihin niya ang kaniyang sarili kaya mahalaga na maipaunawa sa kaniya na hindi siya ang dahilan.

Paano Matutulungan ang Bata na Nagkaroon ng Broken Family?

Binigyang diin ni Zachele Marie Briones, M.D., isang clinical psychologist, sa isang artikulo sa Smart Parenting, ang halaga ng tatlong A – assure, adjust, agree – na makatutulong sa magulang sa pagpapalaki ng anak sa isang broken family.

Assure

Mahalagang matiyak sa anak na kahit magkahiwalay ang kaniyang mga magulang ay mahal at mahalaga siya sa mga ito.

watch now

Adjust

Baguhin ang nakagawiang pamilyar na gawain o routine ng anak para mawala ang pakiramdam niya ng pagkawalay o hindi pagiging buo ng kaniyang pamilya.

Agree

Magkasundo dapat ang dating asawa sa pinakamainam na paraan ng pagmamagulang o co-parenting sa anak.

Kung hindi na nais ng iyong dating asawa na maging katuwang sa pagpapalaki sa inyong anak, ipaliwanag mo ito sa bata nang mabuti at sabihin ang sitwasyon. Mainam na huwag ding mangako sa bata para wala siyang aasahan. Ngunit panatilihin ang positibong pagbibigay ng paliwanag sa bata at iwasan ang mga negatibong pananalita.

RELATED: This Is the Worst Age for a Child to Lose Her Parents to Separation

Dagdag pa niya, mahalaga ang matinding support system sa ganitong sitwasyon. Hindi puwedeng akuin lamang ng isang magulang, huwag magdalawang isip na humingi ng tulong o kahit ng propesyonal na gabay kung kinakailangan.

Iba Pang Hakbang na Puwedeng Gawin Para sa Mga Bata

Paliwanag naman ni Michele Alignay, PhD, Psy, RGC, isang psychologist, speaker, author, at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts sa isang artikulo rin ng Smart Parenting, na lalong magiging komplikado ang mga bagay-bagay kung hindi masosolusyunan ng mag-asawa ang kani-kanilang personal na isyu. Kapag kulang ang naging resolusyon ng isa o parehong magulang sa sitwasyon, ang mga bata ang nagdurusa.

Dagdag pa niya, mahalaga ang emosyonal na kakayahan ng mga magulang na maging buo bilang isang tao at maging magulang sa kanilang mga anak. Pero kung sila ay wasak o “broken”, maraming pagsisisi, nasasaktan, at nagagalit, ang mga bata ang magdadala o maapektuhan lalo na kapag hindi inaamin ng mga magulang na may ganito silang isyu.

Pagsasapubliko ng sitwasyon sa relasyon

Mahalagang manatili sa pagitan ng mag-asawa ang kanilang pinagdaanan. Iwasan ang pagsasangkot ng ibang tao o maging ibang kamag-anak sa isyung mag-asawa upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Ang isang pagkakamali ay hindi na dapat patungan pa ng isa pang pagkakamali para pagtakpan ang nauna. Mauuwi lamang sa walang tigil na pagsisihan ito.

Pag-uusap sa relasyon

Kailangang masinsinan na mapag-usapan ng mag-asawa ang kanilang mga usapin sa kanilang relasyon at gampanin bilang mga magulang. Sabi nga ni Dr. Alignay, puwede naman daw na hindi nag-work ang kanilang relasyon bilang mag-asawa pero puwedeng mag-work ang kanilang pagiging magulang sa mga anak. Malinaw sa mag-asawa ang kanilang isyu sa relasyon pero hiwalay roon ang usapin ng relasyon sa kanilang mga anak.

Pagtanggap sa pagkakamali

Magsimula sa pagtanggap ng pagkakamali. Humingi ng tawad sa isa’t isa. Hindi man agarang ang pagpapatawad ngunit mahalaga ang taos sa puso at may sinseridad na paghingi ng tawad kung nagkamali. Kailangan din ng pagtanggap na may naging pagkakamali at mag-reach out sa isa’t isa para bumuo ng mas tama at angkop na solusyon sa sitwasyon.

RELATED: How To Prevent A Separation From Ruining Your Kids’ Happy Memories Of Mom And Dad

Paano Maipaliliwanag sa Bata ang Pagkakaroon ng Broken Family?

Subukin ang ilang pamamaraang ito para matulungan ang iyong anak na maunawaan ang sitwasyon na pinagdaanan ng kaniyang pamilya, bagaman magiging mahirap sa simula, umasang magiging mabuti rin sa mga susunod. Ngunit maaaring hintayin din ang tamang panahon na makikita mong handa na ang bata na marinig lahat ng impormasyon na sasabihin sa kaniya.

Pinakamahalaga sa lahat, matulungan ang iyong anak na maipahayag o masabi ang kaniyang saloobin o nararamdaman sa pangyayari. Kailangang marinig ang kaniyang panig at iparamdan na balido ang kaniyang nararamdaman.

· Kung posible, parehong magulang ang magpaliwanag sa bata kung bakit kailangan nilang maghiwalay.

· Tiyakin sa bata na hindi siya ang dahilan kung bakit kailangang maghiwalay ang kaniyang magulang at bigyan siya ng kasiguraduhan na mananatiling buo ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang sa kaniya.

Magkakaiba ang pagtanggap ng mga bata sa paghihiwalay ng kanilang magulang, pero pare-pareho silang may damdamin ng paglisan o pagkawalay.

· Sabihin sa bata ang mga pagbabago sa mga nakasanayan o nakagawian niyang gawin o maranasan sa loob ng bahay gaya ng paghahatid sa kaniya sa paaralan.

· Hayaang magtanong ang iyong anak sa mga bagay na nais niyang malaman at sagutin nang tapat at buong katotohanan ang mga ito.

· Gumamit ng mga salitang angkop sa kanilang edad na mauunawaan nila.

· Kung nasa tamang gulang ang anak, ipaliwanag ang paghihiwalay sa paraang mas naiintindihan nila.

· Maging handa sa paulit-ulit na pagpapaliwanag sa iyong anak ng sitwasyon. Maaaring maging masakit din ang mga salitang maririnig mula sa anak ngunit maging matatag sa pagpapaliwanag at pag-unawa sa nararamdaman ng anak.

· Humingi ng propesyonal na tulong o payo kung kinakailangan para sa iyong sarili at para sa anak.

Mga Epektong Maidudulot sa Bata ng Pagkakaroon ng Broken Family

Bagaman hindi madali para sa mag-asawa ang paghihiwalay dahil pagdaanan din nila ang matinding emosyon, higit sa mga bata na hindi pa lubos naunawaan paano pamamahalaan ang kanilang damdamin.

Paliwanag ni Dr. Briones, magkakaiba ang pagtanggap ng mga bata sa paghihiwalay ng kanilang magulang, pero pare-pareho silang may damdamin ng paglisan o pagkawalay. Katumbas nito ang pagkawala ng isang magulang sa loob ng tahanan. Kung nasanay ang bata na parehong magulang niya na nariyan palagi, malaki ang epekto ng paghihiwalay sa kaniya.

Normal na maranasan ang bata ang pagbabago sa kaniyang emosyon dahil sa pagkawala ng bagay na mahalaga sa kaniya. Magkakaiba ang pagdaanan ng mga bata kaya mahalaga ang suporta ng magulang o pag-unawa sa kanilang sitwasyon din. Gaya ng iba, maaaring ngayon malungkot siya pero sa ibang araw ay okay naman siya pero sa susunod na araw mararanas naman ang depresyon.

Posibleng maranasan ng iyong anak ang mga sumusunod na sitwasyon:

· Pagkakaroon ng masamang panaginip o hirap sa pagtulog o nanaisin nilang makatabi ka

· Pagta-tantrums o hindi mapigilan ang kanilang pagwawala

· Mahihirapan sila sa pagkakaroon ng pokus sa mga gawain sa paaralan o pag-away nilang pumasok sa paaralan o mahiwalay sa iyo

· Pagsisimula na magkaroon ng agresibo o hindi kanais-nais na pag-uugali

· Mas magiging matatakutin at labis na pag-aalala

· Pagnanais na maging tahimik o hindi masalita na lamang

· Kawalan ng gana sa pagkain

· Pagkakasakit o pagkakaroon ng mga pisikal na karamdaman gaya ng pananakit ng ulo

· Bumalik sa naunang developmental stage na napagdaanan na niya gaya ng pag-ihi sa kama

Totoong mahirap ang pagdadaanan ng isang single parent sa pagpapalaki nang mag-isa sa anak, magiging mahirap din ang pagkakaroon ng broken family para sa anak, pero lahat ng ito ay magiging maayos, muling magigng masaya, at maghihilom din ang sugat kung patuloy na dadaloy ang pagmamahalan, paggalang, pag-uunawaan, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close