-
'Nagpunta Ng Palengke Walang Bra!' Moms (And Dads!) Share Funniest 'Lutang' Moments
by Kitty Elicay .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Ever found yourself in hilarious situations because you’ve suddenly become so forgetful after becoming a parent? No, mama, it’s not just you. It turns out sleep deprivation and the never-ending chore of caring for your kids can lead to the funniest ‘lutang’ moments — and our Smart Parenting Village moms and dads can prove it!
18 funny parenting fails
In one of the threads, a mom shared her “worst” mom brain experience and asked if other parents have ever been on the same boat. The comment section was quickly flooded! And it’s not just moms who were frazzled — dads have their fair share of ‘makakalimutin’ stories, too!
If you need a good laugh today, read on for some of the best mom brain and dad brain fails:
“My worst mom brain experience happened today! I went to the palengke without wearing a bra. I only found out when I was about to pay the tindera and I realized I was not wearing one!” — Shane R.
“Nagising ‘yung 1-year-old baby ko around 4 a.m. umiiyak. So I made him milk. Tapos ininom ko ‘yung milk na nasa bottle na may chupon. Sorry na bagong gising rin ako!” — Pamela B.
“During communion:
Priest: Body of Christ.
Me: Thank you.” — Miyos M.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“After kong bumaba sa Grab car, I said ‘I love you’ to the driver. I didn’t mean it — I say I love you to my kid every time they go to school!” — Hershey M.
“Nakatulog ako tapos biglang nagising. Pagkagising ko, natakot ako kasi nawawala ‘yung baby ko… yakap ko pala! Nakatulog pala siya sa’kin. Sorry naman — kaya pala wala sa kama!” — Grace D.
“We pray every night as a family before we sleep. But instead of praying ‘Angel of God’, I prayed, ‘Bless us o Lord.’ Patawarin! ‘Di naman po ako gutom that time, LOL!” — Emmari P.
“Pumasok ako na magkaiba ang flat shoes… isang round doll shoes at isang patulis.” — Karen M.
“Nakapila ako sa counter sa grocery hawak ko ‘yung diaper na binili ko. I found myself na hinihele ko ‘yung diaper.” — Anna M.
“Dalawang panty ang naisuot ko sa eldest ko dati noong pumapasok pa siya sa school!” — Junielyn R.
“I have two daughters. One is 4 years old and the other is 1 and a half years old. Binibihisan ko sila tapos naglabas ako ng diaper at pilit na pinapasuot kay ate. Ate: Mommy, hindi naman na ako nag-da-diaper!” — Mary Rose M.
“Nag-sho-shopping kami ni hubby not knowing hindi pala siya ka-holding hands ko! Hatak pa ako ng hatak!” — Divine C.
“Nagtitingin ako ng payong sa mall. Biglang umiyak si baby. Pag check ko may poopoo pala so sa sobrang iyak niya, diretso kami agad sa washroom. Tapos car. Tapos uwi. Sabi ng asawa ko, ‘Ano yang nasa kilikili mo?’ Yung payong mga mamsh. Naiuwi ko pa!” — Shaula L.
“Nung 7 months na si baby nagdecide kami na bumili na ng crib. So, first night na di namin katabi si baby. Nagising ako in the middle of the night, at ginising ko pa si hubby, takot na takot ako! Sabi ko, ‘Asan si bebe? Nawawala si bebe!’ Tapos si hubby tinuro ‘yung crib. Sabi niya, ‘Di ba nasa crib si bebe.’ Sabay tawa namin.” — Hanna T.
CONTINUE READING BELOWwatch now“Ang tumatak talaga sakin sabaw moment ng hubby ko. Clingy kasi si LO (little one), gusto niya laging sinasayaw to sleep. Kaya halos wala kaming tulog talaga ni hubby. Around 2 a.m., biglang bumangon si hubby at naghehele. Pero nagbe-breastfeed sa’kin si baby that time! Hirap na hirap ako pigilin tawa ko kasi magigising si LO.” — Mary B.
“Kakapanganak ko lang and wala kami kasama sa house. Sobrang puyat ko kay LO but I needed to get up early and prepare hubby’s baon. Pag-uwi niya galling office, tawa siya ng tawa. Sabi ko, ‘Bakit?’ Bakit ko raw siya pinabaunan ng damit ni LO, isang pirasong diaper at bra ko. Buti na lang raw ‘di nag-check ‘yung guard ng office nila that time!” — Celia B.
“Vaccination day ni baby at need siyang i-weigh. So hiniga ko siya sa weighing scale for babies dun sa clinic then nung nakuha na yung weight, sabi ni nurse Sige mommy ok na.’ Tapos naglalakad na ako palabas ng room, nakalimutan ko si baby nasa weighing scale pa, nakahiga.” — Bianca P.
“Yung chicken na i-ma-marinate ko dapat nilagay ko sa washing machine. After 5 minutes na paghahanap sa kanya, ayun nakita ko sa loob! Buti na lang hindi ko na on ‘yung washing machine kundi baka sinampay ko pa sya pag nag alarm na tapos na.” — Memey D.
“I was pregnant that time. Bumili kami ng mister ko sa pinakamalapit na grocery, pauwi na kami ng condo/unit namin. Before sumakay ng elevator, napansin ko dala ng mister ko yung shopping cart! Nagulantang din siya tapos nagsitawanan mga kasabay namin na pasakay ng elevator kasi yun nga! Nauna na ako umuwi ng bahay dahil kailangan niyang ibalik ‘yung cart. Worst dad brain experience for him, ako pa ‘yung preggy nun, ha!” — Shane V.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKids, on the other hand, say the darndest things! Click here for the most embarrassing things that children have said in public!
What other parents are reading

- Shares
- Comments