;
embed embed2
  • Ganito Hinahanda Ni Miriam Quiambao Si Elijah Sa Pagiging Kuya

    Ilang linggo na lang, manganganak na ang dating beauty queen.
    by Jocelyn Valle .
Ganito Hinahanda Ni Miriam Quiambao Si Elijah Sa Pagiging Kuya
PHOTO BY Instagram/@miriamq888
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Sa nalalapit niyang panganganak, panalangin ni Miriam Quiambao at kanyang asawang si Ardy Roberto na marating niya ang full term ng pagbubuntis. Noon daw kasi sa anak nilang si Elijah, na 2 years old na ngayon, nag-pre-term labor siya kaya 35 weeks nang isilang ito.

    Gayonpaman, excited silang mag-asawa sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya, na isa na namang lalaki. Bukod kay Elijah, nariyan ang panganay nilang si Joshua, 13.

    Kuwento ni Miriam sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph, sinimulan nilang ihanda si Elijah sa pagiging kuya nang malaman nilang mag-asawa na buntis siya.

    Aniya, "May mga days na ang tawag namin sa kanya, baby. Pero nang ma-discover nga namin na buntis ako, sinasabi namin na kuya na siya, may baby na sa belly ko."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag ng beauty queen-turned actress-TV host at ngayon inspirational speaker/author/mompreneur tungkol sa kanyang toddler: "Araw-araw, hinahagod niya si baby, kini-kiss niya. ’Tapos meron akong doll dito na pinapahawak ko sa kanya. Tinuturuan ko siya na gentle ang hawak niya."

    "Kanina lang, natutulog pa kami," saad pa niya na nakangiti, "E dahil nga may sakit siya, dito namin siya pinatulog sa kuwarto. So no’ng una siyang nagising sa amin, nakita namin, hawak niya ’yung baby [doll], ’tapos kiniss niya."

    Lumaki lalo ang ngiti sa mukha ni Miriam, sabay sabi, "Sana gano’n siya pag nakita na niya ang kapatid niya."

    Samantala, nag-post kamakailan si Miriam ng litrato nila ni Elijah na sabay natutulog. Kuha daw ang litrato ni Ardy para ipakita na magkamukha talaga ang mag-ina.

    Sabi pa niya sa caption: "I’m taking advantage of every opportunity to sleep with and nurture Elijah. I’m 31 weeks pregnant this week and I’m counting down the days when our new addition to the Roberto family will come forth from my belly.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "There will be lots of adjustment when the baby comes. I pray that I will still be able to find time for my 3 boys even as I care of the littlest one. Haaay... only by GRACE. So help me God."

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles