embed embed2
  • Geoff Eigenmann Sa Distance Learning Ng Panganay: 'Medyo Mahirap' Pero 'It's A Joy'

    Ayon sa soon-to-be father of three, kakaibang hamon at kasiyahan ang hatid ng distance learning.
    by Jocelyn Valle .
Geoff Eigenmann Sa Distance Learning Ng Panganay: 'Medyo Mahirap' Pero 'It's A Joy'
PHOTO BY courtesy of Aprica (left) and Instagram/g_eigenmann_
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories

    Bilang magulang ng batang nagsisimulang mag-aral, excited si Geoff Eigenmann para sa panganay nila ng fiancee na si Maya Flores at sa pagbibigay alalay sa 3-year-old girl na tinatawag nila sa palayaw na Beanie.

    READ MORE ABOUT RAISING KIDS

    Kuwento ni Geoff sa online interview niya sa SmartParenting.com.ph na araw-araw, mula Monday hanggang Friday, ang preschool online class ni Beanie. Isang oras lang ang bawat session pero may karugtong itong activities, tulad ng pagsasagot sa workbook at pagsasanay sa writing, kaya umaabot ng dalawang oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag ng soon-to-be father of three na kakaibang hamon at kasiyahan ang hatid ng distance learning, na sinasabing parte na ng new normal bilang epekto ng COVID-19 pandemic.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, “As a parent, hindi ko pa na-experience ’yong dadalhin mo ’yong anak mo sa school, and then iiwan mo na lang sa kanila. ’Tapos babalikan mo sa hapon. Now, as a parent, I’m enjoying it. Medyo mahirap ’cause kailangan mong bantayan throughout the whole class. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “It’s a joy because that responsibility is usually left to the teacher. And then ikukuwento na lang ng teacher sa ’yo kung ano ang nangyayari, anong ginagawa ng anak mo. At least with this one, online schooling, nakikita mo kung ano talaga ang progress ng child mo. So, for me, that’s a plus.

    “You have to compensate. Minsan, masama ang internet. Sometimes the child doesn’t understand what the teacher is saying. Teacher ka rin at home, eh. So what you hear from the teacher, you repeat at home and hope that your child follows.”

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad pa ni Geoff na salitan sila ni Maya sa pagsubaybay sa pag-aaral ni Beanie. Pero dahil nasa huling bahagi na ang singer sa pagbubuntis sa ikatlo nilang anak, ang aktor na lang muna ang tumututok kay Beanie. Kailangan kasing may tumingin din sa middle child na si Angus, one year old.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Salit-salit kami ni Maya,” paliwanag ni Geoff. “When we’re both home, ako actually. But when I’m not home, or if I have to do something, siya ang nagbabantay.

    READ MORE ABOUT RAISING KIDS

    "But okay naman kami, even though she’s pregnant, she’s still capable. Sometimes it’s hard, especially now final trimester na, kaya naman. Ako, as much as possible, pag school time ni Beanie, I try to be home para ako ang magbabantay sa kanya.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles