Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Noon, ang isang tipikal na pamilya ay binubuo ng ama, ina, at anak. Ngayong mas naging bukas na ang isipan ng nakararami, iba-iba na ang ibig sabihin ng salitang 'pamilya'.
Ngayon, pamilya na ring maituturing ang isang single mom o dad na mag-isang itinataguyod ang kanyang anak. Pamilya na ring itinuturing, bagaman kontrobersyal pa rin, ang mga kabilang sa same sex relationships. Lumaki ang mga anak nila na kung hindi dalawa ang ama ay dalawa ang ina.
Marami ang hindi pa pamilyar sa ganitong sitwasyon kaya naman viral si Sophiya Montaño nang ipasilip niya sa mga tao kung ano nga ba talaga ang pakiramdam na lumaki sa isang non-traditional family na tulad ng kanila.
Two months si Sophiya nang dumating siya sa mga mommies niya. Kwento niya, lumaki siyang sanay makipag-usap sa mga tao, kahit na sa mga mas nakakatanda sa kanya.
Dahil nga iba sa nakasanayan ang set-up ng pamilya nina Sophiya, sa murang edad ay nakaranas na siya ng diskriminasyon. Ngunit, ayon sa kanya, tinuruan siya ng kanyang mga ina na panindigan ang kanyang mga paniniwala at huwag matakot ipahayag kung ano ang nararamdaman niya.
Bagaman nalungkot siya dati at minsa'y umiiyak pa siya na umuuwi sa bahay, hindi niya ikinahiya ang kanyang pamilya. Natutunan din niya ang ibinahagi ng nanay niya na 'choose your battles'.
Nang i-post niya ang kanyang saloobin sa kanyang Facebook account, maraming mga tulad niya ang naka-relate at agad nagpasalamat sa kanya sa pagiging matapang na halimbawa ng makabagong pamilya.
Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview dito:
Bahagi ka rin ba ng isang non-traditional family? Kumusta ang iyong experience? Ibahagi mo na iyang sa comments section.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.