embed embed2
  • Anong Gagawin Mo Kung May Biglang Sumampal Sa Anak Mo?

    Ikinwento ng isang nanay ang usapan nilang mag-ina tungkol sa bullying.
    by Ana Gonzales .
Anong Gagawin Mo Kung May Biglang Sumampal Sa Anak Mo?
PHOTO BY Shutterstock/Iammotos
  • Galit at gulat ang siguradong una mong mararamdaman kapag nalaman mong may nanakit sa anak mo. Lalo na't bilang magulang, tungkulin mong siguraduhing walang mangyayaring masama sa kanya.

    Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mababantayan mo ang anak mo. Iyan ang siyang naranasan ni mommy Ailana Navarro.

    Kwento niya, nagsumbong daw ang anak niya sa kanya na may humila sa headband nito at bigla na lang itong sinampal. Ang daming nasabi ni mommy na sana ganito, sana ganyan, sana gumanti, sana lumaban.

    Pero simple lang ang malumanay na tanong sa kanya ng anak niya. "Mama, tama po bang gaganti ako kapag may nang-away sa akin?"

    Ayon pa kay mommy, sinabi ng anak niya na ayaw sana nitong makipag-away kaya sa halip na gumanti, lumayo na lang ito. "Hindi naman po ako umiyak," sabi pa ng anak niya. "Kausapin niyo na lang po ang mama niya, pero huwag niyo pong sampalin ha?"

    "Durog ang puso ko," sabi ni mommy sa Facebook post na ibinahagi niya sa amin. "Ang puso, dapat ingatan na huwag mapuno ng galit," turo ni mommy sa anak niya. "Malungkot ang taong may galit sa puso. Sabi ng Ama, masaya siya kung dalisay at mabuti ang laman ng puso."

    Dagdag pa ni mommy, "Mahal ng Diyos ang batang hindi gumaganti sa taong gumawa ng masama sa kanya."

    "Kung ginawan ka ng masama, maging mabuti ka pa ring bata. Kasi, kung may gumawa sa iyo ng masama at masama rin ang ginawa mo sa kanya, eh 'di pareho kayong masama, hindi ba?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sagot naman ng anak niya, "Kaya nga po mabilis akong umalis at nagsumbong. Pinagsabihan na rin po siya."

    "Hindi po ba, tama ako, mali ang turo ninyo kanina?" tanong sa kanya ng bata.

    "Mali nga ako. Pasensiya na mali ang turo kong gumanti," sabi naman ni mommy. "Pero hindi rin tamang hayaan mo na lagi kang aawayin."

    "Ang gawin mo kapag may nang-away sa iyo, sabihin mo na masama ang ginawa niya at saka ka umalis at magsumbong," payo ni mommy sa anak. "Kung sabihin niyang huwag kang magsumbong, magsabi ka pa rin sa mga matatanda. Huwag kang matatakot."

    "Mas okay din na kung alam mong mahilig sa away ang isang bata, lumayo ka na agad," sabi pa ni mommy. "Matuto kang kumilala ng mga batang mababait at doon ka makipagkaibigan."

    "Okay po, mama," sagot naman sa kanya ng anak niya. "Manalangin na po tayo."

    Kwento ni mommy, sa panalangin daw ng anak niya, binanggit nito na sana, huwag pahintulutan ng Diyos na may mang-away sa kanya, para hindi na siya malungkot.

    Pakiusap naman ni mommy Ailana sa mga kapwa niya magulang, na turuan natin ang mga anak natin na masama ang mang-away. "Durog man ang puso ko bilang ina, hindi ko maatim na maturuan si Sabel ng pagganti ng masama," sabi niya. "Wala akong magagawa ngayon bilang ina kung hindi ang manawagan na turuan ang mga bata ng mabuting asal."

    Makikita mo ang kabuuan ng post ni mommy dito:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Ikaw? May ganito ba kayong karanasan? Anong ginawa ninyong mag-ina? I-share ang inyong experience sa comment section. May mga kwento ba kayo tungkol sa pagdidisiplina? Pwede mo 'yang ipadala sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles