Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ito Ang Bilin Ni Jolina Magdangal Kay Pele Kapag May Nanakit Sa Kanya

    Six years old na ang anak na lalaki ni Jolina sa darating na bagong taon.
    by Jocelyn Valle .
  • Para kay Jolina Magdangal, mahalaga na mapag-usapan ang paksang bullying sa mga bata. Ang panganay niya na si Pele, 6 years old sa darating na February 18, 2020, ay preschooler na at ngayon pa lang ay tinuturuan na niya at ng kanyang mister na si Mark Escueta kung paano humarap sa gano’ng sitwasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ganito ani Jolina ang bilin niya kay Pele: “Pag may nanakit sa ’yo, and hindi niya sinasadya, it’s okay. Dapat alam mo na hindi niya mini-mean.”

    Masaya si Jolina na alam na ng kanyang anak kung sadya o hindi ang aksyon ng isang tao sa pamamagitan, halimbawa, ng paghingi ng sorry. Dagdag pa niya: “Pag lagi pa ring ginagawa kahit alam na niyang mali — kunwari, nasaktan siya at nagsabi na sa nanakit na, ‘Don’t do that, that’s wrong’ — pero inulit-ulit, go to your teacher right away.”

    More from Smart Parenting

    Nagbahagi si Jolina ng kanyang karanasan bilang magulang sa paglulunsad ng “Inner Strength” campaign ng Tiger, isang biscuit brand, noong October 29, 2019 sa B Hotel sa Quezon City.
    PHOTO BY Jocelyn Valle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pansin kasi ni Jolina na may mga magulang na sinasabihan ang mga bata na gantihan ang pananakit ng pananakit din. Diin niya na mas gusto niyang matutunan ni Pele na huwag gumamit ng dahas o maging pisikal. Sa halip ay magsabi sa kanilang guro.

    “Basta ang gusto ko, nagsusumbong siya,” lahad niya.

    “Ayoko na manakit ng iba kasi para sa akin, hindi talaga okay ’yon. Ako naman, para sa mga teacher, kinakausap ko. ‘Pag nagsumbong po ang anak ko, paki-address agad sa akin.’

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Magbibigay po ako ng example. Nando’n po ako pero hinayaan ko lang si Pele na maglaro. Nadapa siya. Nakita daw ng ibang parents, naitulak siya. Pero sabi ko na lang, ‘Ano ba talaga ang nangyari, Pele?’ Tinulak daw siya. Sinumbong niya sa teacher.

    “Ngayon, ang sinasabi sa amin ng teacher. ‘Ganyan naman po talaga sila. Magano’n lang [masagi], ‘He pushed me na agad.’ So sabi ko na lang, ‘Sana po address niyo rin po sa akin kasi kami ang makakaalam kung talagang nasaktan ang anak namin o hindi. Siyempre ’yong teacher kailangan alalayan ang iba. Oo nga, konting kibot…Pero sabi ko, i-address pa rin po sa amin kasi kami pa rin ang makakaalam kung totoong nasaktan ang anak namin o parang naglalaro lang sila.

    “In fairness kay Pele, alam niya kung naglalaro lang sila. Honest naman po siya. ‘He didn’t mean it, Mama. He said sorry.’ So okay na po ’yon. Sa ngayon po, wala pa po kaming na-e-experience na grabe ang ginawa sa kanya na parang wala siyang kibo. Okay pa naman po.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kung sakaling humantong daw sa malalang sitwasyon ay kakausapin ni Jolina ang magulang ng batang nakabanggaan ni Pele. Kung yaya lang daw ang kasama ay hihingin niya dito ang numero ng magulang para mapag-usapan nila ang problema. “Para ma-address kasi hindi maganda na magawa pa sa iba,” paliwanag niya. “As in I will patiently wait there para makausap ang nanay o kung sino man ang nagha-handle sa kanya, not just the yaya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Dr. Mary Ann Prudencio, isang neurodevelopmental pediatrician na dumalo din sa Tiger event, tama ang pamamaraan ni Jolina.

    “Dapat open ang communication between the child and the parent,” lahad niya. “Dapat sabihin sa teacher kung may ginawan ang kaklase. But if the child is repeatedly ginagano’n, siguro dapat tignan din ’yong isang bata. Baka may kundisyon, e. Some of the parents don’t know when they bring their children to school, meron palang autism or ADHD. Kailangan pala ma-evaluate, so dapat attuned din ang mga teachers in looking at those kinds of behavior.”

    Pag dating naman sa paksa ng childhood depression, pahayag ni Jolina na parati niyang kinukumusta si Pele at inaalam ang kalagayan nito. Malaking tulong na hands-on siya sa kanyang mga anak, kabilang na ang bunsong si Vika, na halos 1-and-a-half years old, kaya ramdam niya kung may pinagdadaanan ang bata kahit hindi ito magsalita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Lalo pa daw siyang naging conscious sa ganyang usapin nang matalakay ito sa Magandang Buhay, at may magulang na nagpatotoo sa child depression. Agad daw niyang sinuri ang mga drawing ni Pele dahil nailalabas ng mga tao ang totoong damdamin sa pamamagitan ng art. Nabahala siya dahil may pagkakataong pawang black drawing ang ginagawa ng anak niya. Ngunit nang magpaliwag si Pele na parang magic na lumalabas sa drawing ay doon lamang siya nakahinga nang maluwag.

    “In fairness, pag nga ini-scratch mo, colored pala ang loob,” sabi niya, sabay tawa. “Jinudge ko naman agad.”

    Sa kabilang banda, nagbigay ng expert advice si Doctor Prudencio, na kasapi sa Center for Autism and Developmental Medicine ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

    Aniya, “One of the techniques to use is to ask your child, ‘For the past days, from a scale of 0 to 10, zero being very sad and ten very happy, what number are you now?’ If they say 6 or 7, what will make it a 10? If it’s open-ended, mas lumalabas kung ano ang nasa pagitan, so you’ll be more attuned on what to be addressed.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles