celebrity,Tagalog,Jolina Magdangal,Jolina Magdangal-Escueta,Mark Escueta,Pele Inigo Escueta,relationship with kids,Vika Anaya Escueta,Jolina Magdangal Nagkuwento Sa Mga Pagbabago Sa Mga Anak,Arts & Entertainment, Celebrities & Entertainment News, Jolina Magdangal, parenting, being friends with your kids, real parenting, pagiging magulang, paano maging close sa anak,Nagkuwento si Jolina Magdangal ng mga napapansin niyang mga pagbabago sa mga lumalaking nilang anak ni Mark Escueta.
ParentingReal Parenting

Pansin Ni Jolina Magdangal Na Maraming Pagbabago Sa Mga Anak Habang Mabilis Ang Paglaki

May dalawang anak si Jolina at kanyang asawang si Mark Escueta.
PHOTO BYInstagram/mariajolina_ig

Napapansin ni Jolina Magdangal na kasabay ng mabilis na paglaki ng mga anak nila ng asawang si Mark Escueta ay ang mga pagbabago kina Pele, 7, and Vika, 4.  Si Pele, halimbawa, masarap nang kakuwentuhan.

Nagbahagi ng saloobin si Jolina sa isang Instagram post kalakip ang litrato niya kasama ang mga natutulog na anak. Aniya sa caption, "Pag uwi ko kanina, nagmadali ako magtanggal ng makeup at shower kasi sabi ni Pele kwentuhan ko daw sya ng bago kong work...Paglabas ko himbing na ng tulog."

Dugtong ng actress/singer/TV, "Alam nyo mga momshie (pati na din sa popshies at guardians na nag alaga ng bata), sarap din ng feeling na pag uwi mo, bukod sa asawa, may anak kang makakakwentuhan mo na interesado makinig."

Obserbasyon pa niya, "Nasa edad na si Pele na hindi nalang kami puro laro.. masarap syang makakwentuhan kasi hindi nya babalewalain ang mga gusto mo mai-share sa kanya.

"Dati kasi alam mo na ang isip ay nasa laro o ibang bagay pag kakwentuhan mo, yung ramdam natin na kunyari nag aagree sila sa kwento pero wala naman sayo yung isip nya.

"Lately napansin ko na lagi nya ako kinakamusta at sisiksik sakin at makikipag kwentuhan sya talaga. Mga bago ito para sakin bilang nanay."

Nagbigay din ng paliwanag si Jolina sa pag-share niya ng buhay-pamilya: "Sobrang thankful lang ako at sobrang proud sa mga anak ko kasi lately madaming pagbabago sa kanila (in a very good way) especially kay Pele. At lagi ko pinagdadasal na sana lagi ako bigyan ni Lord ng wisdom para masagot ko lagi ng tama ang mga tanong nya about life."

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni ???????? Jolina Magdangal Escueta ???????? (@mariajolina_ig)

watch now

Tips para maging close ang magulang sa anak

Mahalaga ang epektibong pakikipag-ugnayan sa anak para makabuo ng unawa at tiwala, ayon sa mga eksperto. Narito pa ang ilan mong puwedeng gawin para mapalapit at mapabuti pa ang relasyon sa anak:

Humingi ng tulong

Kung nasa edad na ang mga anak para tulungan ka sa mga gawaing bahay, huwag mag-alinlangan na humingi ng tulong sa kanila. Basta iwasan lang maging "bossy" o pala-utos.

Halimbawa, mahinahon na humingi ng tubig kapag nauuhaw. Puwede ring magpatulong sa pagbitbit ng mga gamit (labada, sinampay) o di kaya sa pagtupi ng mga damit, paglinis ng bahay, at iba pang gawain. Mainam din itong paraan para matuto ang anak ng responsibility at accountability.

Magpasalamat

Bigyan ng pagpapahalaga ang bawat tulong na ibigay ng anak, kahit gaano ito kaliit, at kailangan nilang marinig ang iyong pasasalamat. Maaari mo ring iparamdam ang iyong appreciation sa pamamagitan ng pagngiti, pagyakap, o di kaya paghalik.

Irespeto ang nararamdaman ng anak

Gawin ito kahit pagod ka na o di kaya paubos na ang pasensya. Subukan hanggang makakaya na hindi balewalain ang nararamdaman ng anak. Tulungan na lamang siya na pag-usapan ang nararamdaman at kung paano mahaharap ito.

Iwasang ikumpara ang anak sa ibang bata

Mas mainam na gabayan ang anak sa pagtuklas sa kanyang sarili at mahalin kung sino siya. Sa ganitong paraan mo rin maipapakita na wala siyang pagkukulang kumpara sa ibang bata.

Sikapin maging present

Mahalaga na alam at nararamdaman ng anak na andiyan ka para sa kanya. Makinig  sa sinasabi ng anak nang walang intensyon na lutasin ang problem o magbigay ng payo. Basta makinig lang.

Basahin dito ang saloobin ng ibang mommy tungkol sa pagiging kaibigan sa kanilang mga anak.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close