embed embed2
  • Naiintindihan ni Kris Aquino Kung Bakit Mas Pinipili Ni Josh Na Tumira Sa Tarlac

    Natutulog si Josh sa mismong kama ng yumao niyang lola at dating pangulong Cory Aquino.
    by Jocelyn Valle .
Naiintindihan ni Kris Aquino Kung Bakit Mas Pinipili Ni Josh Na Tumira Sa Tarlac
PHOTO BY Facebook/krisaquino
  • Bagamat nais ni Kris Aquino na manatili ang panganay niyang si Joshua kasama niya at bunso niyang si Bimby, nirerespeto niya ang desisyon ni Joshua kung saan nito gustong tumira.

    “Madali akong kausap,” lahad ni Kris sa kanyang Facebook video post nitong February 18, 2021 (mag-scroll pababa para mapanood ito).

    Huli raw nilang nakapiling si Joshua noong December 26, 2020. “Mahirap kalaban pag nag-decide na, ‘Dito ako.’”

    Ang “dito” ay ang bahay sa Tarlac ng yumaong nanay ni Kris na si Corazon “Cory” Aquino, ang kauna-unahang babaeng presidente ng bansa (1986-1992). Pag-aari na ito ngayon ng kuya ni Kris at dati ring pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III (2010-2016).

    Laki sa lola

    Kuwento ni Kris na sa mismong kama ng kanyang mommy natutulog si Joshua, 25, na tinatawag ding Josh. Ganoon daw talaga kalapit ang loob ng mag-lola.

    Kaya, aniya, “Mahirap kalaban ang memories ng lola.” Pero “super naiintindihan” niya raw kung bakit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbalik-tanaw si Kris sa panahong pinapalaki niya si Josh bilang isang single mother (nagkahiwalay kasi sila ng tatay ng bata at kapwa artista na si Phillip Salvador). Wala pa raw siya sa estado niya ngayon na puwedeng ma-adjust ang schedule ng trabaho.

    Dahil nakatali si Kris sa shooting sa pelikula o di kaya taping ng TV show, hindi siya nakakadalo sa school events at iba pang activities ni Josh. Ang takbuhan niya para sa ganoong okasyon ay ang kanyang mommy.

    Diin ni Kris, “Ang lola niya talaga ang pumuno. So I can truly understand kung bakit doon niya gusto…If the lola was the one who went, nagpunta at pinunan ang hindi kayang gawin ng nanay na nagtatrabaho, then the lola will always be number one. And that’s fine with me.”

    Turo ng lola

    Aminado siya na kung hindi dahil sa kanyang nanay, malamang hindi lumaking “ganito ka-generous, ganito kabait sa lahat” ang kanyang anak. “Turo ng lola” daw na magbigay galang sa lahat ng tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya hindi lang palabati sa lahat si Josh, inaalala pa raw nito ang mga pangalan ng mga nakakasama niya at ibinabagi kung anong meron siya.

    Dagdag pa ni Kris, “So, hindi ako maka-compete doon. Kung doon siya happy. Doon ang happy memories nila ng lola niya, I want him to be happy.”

    Masuwerte raw ang tulad niyang working mom na may support system mula, halimbawa, sa kanyang mommy noon. Kaya dapat ma-appreciate kung sino man ang kaagapay sa pagpapalaki ng anak.

    Kung wala naman daw, kailangan “do your best” na maging “super present” sa buhay ng mga anak dahil hindi na maibabalik ang panahon ng kanilang kabataan. 

    Iba raw ang kaso ng bunso niyang si Bimby, na tinatawag din niyang Bimb, 14 years old sa April. Noong dumating daw ang only child nila ng ex-husband niyang si James Yap, isang star basketball player, narating na niya ang estado sa trabaho na puwede na niyang pakiusapan ang adjustment sa schedule.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kasalukuyan, may 80,000 views na ang video at 5,100 comments sa Facebook post ni Kris. Maraming natuwa sa pagkikitang muli nila Kris at Bimby kay Joshua.

    “I had the best role model”

    Ang yumao niyang tatay na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ang mukha ng oposisyon noong panahon ng Martial Law at naging mainit sa mga mata ng diktator, ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos.

    Nang si Ninoy ay ipakulong at kalaunan ipapatay, ang kanyang asawang si Cory ang nagtaguyod ng kanilang limang anak. Si Kris ang bunso ng pamilya.

    Sabi ni Kris sa isang commenter: “I don’t think anybody had ever wished na maging solo parent. But you must also remember, for the 38 years of my life that my mom was alive, 3 years lang ang clear memories ko of what it was like to have a dad.

    “So kinaya ko because I had the best role model. And imagine, my mom’s situation. I was 1 year and 7 months nung nakulong ang dad ko. 7 years and 7 months as a political prisoner, 3 years in Boston (I always say my happiest memories). Then, when I was 12, my dad was assassinated.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Compared to everything she went through, my challenges have been easy. And my mom had been 5 of us. Yet she shielded us, protected us, and NEVER showed us any sign of weakness. That’s why, if I can just be 20% of her, I’ll already be the best possible mom I could ever pray to be.”

    Mapapanood dito ang video ni Kris kasama sina Josh at Bimby:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles