embed embed2
  • Katuwaan Lang, Ma! Kung Propesyon Ang Pagiging Ina, Magkano Ang Sahod Mo?

    Tunay na walang katumbas na salapi ang pagiging ina, pero paano nga kaya kung isa itong propesyon?
    by Ana Gonzales .
Katuwaan Lang, Ma! Kung Propesyon Ang Pagiging Ina, Magkano Ang Sahod Mo?
PHOTO BY Shutterstock/MIA Studio
  • Viral sa social media kamakailan ang usaping sweldo at starting salary nang diumano ay tanggihan ng isang bagong graduate ang Php37,000 na sahod dahil mas malaki ang gusto nito. Tanong ng mga tao online, gaano nga ba kalaki ang maituturing na sobra?

    Naisip naming tanungin ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kung halimbawang propesyon ang pagiging ina, magkano nga ba dapat ang sahod ng mga nanay?

    Dahil natural na sa mga nanay na unahin ang iba bago ang kanilang sarili, marami ang nauna nang nagsabi na walang katumbas na salapi ang pagiging ina.

    Pero kung sila ang tatanungin, at kunyaring trabaho ang pagiging nanay, nagbigay sila ng naisip nilang halaga.

    Isinaalang-alang nila ang dami ng trabahong kailangang gawin, pati na rin ang mga posibleng overtime, at ang 'expertise' na kailangan. Narito ang mga 'starting salary' na naisip nilang sapat base sa 'job description' ng pagiging nanay.

    Kung propesyon ang pagiging nanay, magkano ang sahod mo kada buwan?

    P50,000

    Ayon sa mga nanay, sa scope ng 'trabaho' nila, sapat itong halaga. Dagdagan mo pa ng mga benefits at HMO buwan-buwan (syempre!).

    Katwiran nila, 24/7 kasi ang trabaho. Walang day-off, walang vacation leave, at wala rin kasi itong sick leave. On-call ka rin miya't-miya, lalo na kung toddlers at babies ang 'boss' mo. Wala ring bathroom break dahil hanggang banyo ay kasama ang mga bata. 

    P20,000

    Bakit mas mababa? Per month iyan at per bata. (LOL!) Kung kasama pang iisipin ang tatay, baka pumatak din ng mahigit P50,000 buwan-buwan (o higit pa!). Bukod kasi sa mahirap pasunurin ang mga bata, nariyan pa ang mga gawaing bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    P80,000

    Sa ilang mga nanay naman, sapat na ang halagang ito lalo na kung may katuwang sila sa mga responsibilidad—o 'assistant' sabi nga nila sa corporate world.

    Bukod kasi sa pagiging teacher nanay, labandera, kusinera at iba pa, ang mga nanay rin ang gumagawa ng schedules ng mga anak nila. Bukod pa riyan, kailangan sa 'trabahong' ito ang magaling na multitasking.

    P100,000

    Sabi naman ng ilang mga nanay, ganito siguro papatak ang sahod kung propesyon ang pagiging ina. Hindi ka lang kasi basta nag-aalaga ng mga bata. Bukod pa sa gawaing bahay, nariyan pa ang pagiging teacher nanay, labandera, kusinera, errand girl, entertainer, at minsan pa nga manghuhula kung hindi alam ng mga bata ang mga gusto nila.

    Kapag magulo ang mga bata, nagsisilbi ring referee ang mga nanay. Kapag may idinadaing silang masakit, minsan ay nurse na rin si mommy. Kung may problema ang mga teens sa feelings nila, dumodoble na rin ang mga nanay bilang guidance counselor.

    Matindi rin daw ang expertise ng mga nanay. Dumodoble rin sila bilang nutritionist dahil sa paggawa nila ng meal plans. Experts na rin sila sa mga laruan at nagsisilbi rin silang 'personal shopper' ng pamilya.

    Tunay na maraming responsibilidad ang mga nanay, pero sa lahat ng mga nakausap namin at nagbahagi ng kanilang 'asking price' hindi sila hihingi ng ano mang kapalit (o bayad) para alagaan ang kanilang pamilya.

    Kwento nila, sapat na sa kanila na malusog ang lahat ng kanilang mga anak. Masaya na sila na mayroon silang araw para sa kanilang sarili o kahit ilang oras lang ng me-time.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kaya naman para sa lahat ng mga nanay, walang hanggang pasasalamat ang handog namin sa inyo. Sa bawat pagkakataong nagiging teacher nanay, doktor, nutritionist, nurse, referee, at maraming iba pa, sana ay alam ninyong appreciated kayo ng inyong pamilya.

     

    Ikaw, magkano sa tingin mo ang sahod ng isang nanay kung ituturing na pagiging propesyon ang pagiging ina? I-share ang iyong 'asking price' sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makipagkwentuhan sa iyong mga 'co-workers'.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles