Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • LJ Reyes Gusto Maging Independent Ang Mga Anak Pero Hirap Mag-Let Go

    Inamin ni LJ na hindi madali ang proseso para turuan maging independent ang mga anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Wala pa mang 1 year old ang baby girl ni LJ Reyes na si Summer ay nakikitaan na niya ito ng angking talento sa pagsasayaw. May timing daw sa paggalaw ang kanyang second child na ipinanganak niya noon lamang January 4.

    “Kapag pinapasayaw namin siya, sumusunod sa beat,” lahad ni LJ sa SmartParenting.com.ph nang dumalo siya sa parenting discussion na inorganisa ng Lactum noong October 27 sa Adventure Zone ng Shangri-La The Fort. Katulad ng ibang mga dumalo, naaliw ang aktres sa impromptu dance number ng batang YouTube dance sensation na si Natalia Guerrero. Hindi malayo na maging kasing galing din ni Natalia si Baby Summer, lalo pa’t pawang mga performer ang kanyang mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Si Mommy LJ ay teenager nang sumali at nag-finalist sa GMA-7 talent search na StarStruck habang ang kanyang daddy na si Paolo Contis ay paslit pa nang sumali sa youth-oriented TV show na Ang TV.

    Ani LJ, hindi naman daw siya tutol kung mag-artista din si Baby Summer, pati na ang kanyang 9-year-old na panganay na si Aki. Ngunit huwag naman daw sana sa murang edad sila pumasok sa showbiz dahil prioriyadad nila ang pag-aaral ng mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “We really want her to experience as much as life while they’re still young,” katwiran niya. “Pero kung tahakin nila man ’yon, OK lang. But we want them to finish school first.”

    More from Smart Parenting

    Kuwento ni LJ na mahal na mahal ni Aki, na kasama niyang dumalo sa event, si Baby Summer. Kapag umiiyak na daw si Baby Summer ay daling tatakbo si Aki palapit dito para mapatahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natalakay sa parenting discussion kung paano mag-let go ang magulang sa anak para maging independent ito. Inamin ni LJ na hindi madali ang proseso at malaki itong hamon sa mga magulang na tulad niya. Aniya may initiative dapat ang magulang na magturo at maging ehemplo ng disiplina.

    Ibinahagi din ni LJ sa kanyang Instagram account ang ilang reminders. Una, bigyan ng kaukulang oras ang pag-uusap at paggawa ng mga task kasama ang anak. Pangalawa, hikayatin ang bata na magkaroon ng intrinsic motivation. Sa ganitong paraan ay hindi na kailangang mangako ng material reward dahil kusang loob na gagawin ng bata ang isang bagay. Bigyan na lamang ng yakap at words of affirmation pagkatapos.

    Ikatlo, tandaan na hindi lahat ng bata ay sabay-sabay ang pag-mature kaya mas mabuting tulungan na lamang ang anak sa kanilang mga weakness at ipagbuti pa ang kanilang mga strength. Panghuli, siguraduhin na malusog ang bata hindi lamang emotionally kundi physically at mentally din.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles