embed embed2
  • Galing Ni Mommy At Daddy! #Goals Ang DIY Andador Ng Mag-Asawang Ito

    Dahil hindi makahanap ng gusto nilang style ng andador sina mommy Mary Jay at daddy Antonio, naisip nilang gumawa na lang.
    by Ana Gonzales .
Galing Ni Mommy At Daddy! #Goals Ang DIY Andador Ng Mag-Asawang Ito
PHOTO BY Mary Jay Sy
  • Sa mahal ng mga bilihin ngayon, hindi nakapagtatakang mas gusto ng mga magulang na gumawa na lang ng sariling gamit ng kanilang mga anak. Kung hindi mabibili ng secondhand o sa mas murang halaga, madalas ay DIY o do-it-yourself na lang ang pinipili ng mga nanay at tatay. 

    Makakahanap ka ng maraming DIY ideas sa Smart Parenting Village—mula sa mga DIY birthday o smash cakes hanggang sa mga DIY giveaways, baptismal gowns, invitations, backdrops, at playpens.

    Ngunit kamakailan lamang, ang pinaka tawag pansin na DIY na nakita namin ay ang kina mommy Mary Jay at daddy Antonio Sy II.

    What other parents are reading

    Ten months na ang baby nilang si Jan Antheus at ayon kay mommy Mary Jay, hindi na raw ito kuntento na nasa loob na lang ng playpen (na DIY din nila). Kaya naman nagdesisyon si mommy na pumunta sa pedia ni baby at kumonsulta kung ano nga bang dapat niyang bilhin, andador o walker.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Una namin ginawa is magask sa pedia ng baby ko kung pwede na sya mag-walker. Although that time may nababasa na ko na di na advisable yung walker na may gulong,” kwento ni mommy sa aming Village moderator na si Sara Palma. Ayon sa pedia na kinonsulta nila mommy, hindi na advisable na gumamit ng walker na may gulong dahil magga-glide lang doon ang bata. “Konting tulak gugulong na kagad. Mas maige pa daw yung traditional andador,” sabi ni mommy. “So ayun, nagtingin po kami sa palengke at di po ako nasatisfy kaya nagpagawa nalang,” dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Ayon kay mommy, ang andador na nakita niya sa palengke ay yung tradisyunal na rattan na para sa kanya ay nakakatakot ipagamit sa kanyang baby. “Parang di ganun kalapad yung base at light weight kaya parang madaling maitumba ng baby ko,” sabi niya. “Bukod po dun natakot ako kasi sabi e nakapako naman daw yung connectors, though di po kita kasi may cover po na parang tape. Ang worry ko ay baka matanggal at umusli yung pako,” pag-aalala ni mommy.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    At dahil nga mechanical engineer naman si hubby, at ginawan na rin ni daddy ng playpen si baby dati, naisip ni mommy na kay daddy na lang ulit magpagawa ng andador. Ayon kay mommy, dinedesign muna ni daddy sa laptop ang mga requests niya na gamit ni baby. 

    Ito ang draft ng design ni daddy Antonio.
    PHOTO BY Mary Jay Sy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos na ma-finalize ang design, inipon naman nina mommy at daddy ang mga materials. Nagsimula sila sa mga 1-inch PVC pipes na natira nang gumawa sila ng DIY playpen. Bumili rin sila ng connectors na elbow at T para pagdugtong-dugtungin ang mga pipes. Kalahating araw bago nabuo ni daddy ang andador. Sa ibang araw naman ginawa ni mommy ang pagbalot sa mga pipes. Gumamit siya ng wallpaper para sa ilang bahagi, habang ang parte naman na uupuan at sasandalan ni baby ay binalot niya ng Moby wrap na binigay naman ng isang kaibigan. Wala pa raw 30 minutes ay natapos na ni mommy ang pagbabalot. Isinabay niya ito habang tulog na tulog ang baby nila.

     

    PHOTO BY MARY JAY SY
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sa kabuuan ay halos Php150 lang ang nagastos nilang mag-asawa. Ngunit hindi rin naman tataas sa isang libo kung bibili ka ng PVC pipes, connectors, wallpaper, at tela. Ikumpara mo ito sa mga andador o walkers na nabibili sa palengke o online na humigit kumulang Php500 hanggang Php5,000, mas sigurado ka sa kalidad ng andador na kayong mag-asawa ang gagawa. 

    PHOTO BY Mary Jay Sy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ni mommy sa ibang mga nanay na tulad niya, bago bumili ng andador o walker, tignan muna kung nagpapakita na ng signs of readiness si baby. Importante ring kumonsulta sa pedia para mapayuhan kayo ng tama. “‘Di po porket may pambili ay bibili nalang. Minsan mas nakakasigurado pa para sa safety ni baby yung sariling gawa, bukod pa po na nakakatipid pa,” payo ni mommy. 

     

    PHOTO BY Mary Jay Sy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ngayon ay ginagamit pa rin ni baby ang walker at ayon kay mommy, mas naging confident si baby sa paglakad dahil sa andador niya. Natuto na si baby na maglakad at gumabay-gabay sa DIY playpen pa lamang, ngunit nang mapansin ni mommy na nage-explore na si baby, doon na niya nakita na kailangan nila ng andador. 

    What other parents are reading

    Kung hindi ka naman makakapag-DIY ng andador para sa iyong baby, paano mo nga ba malalaman kung safe ang bibilhin mo? Ayon kay mommy, safe ang hindi narrow ‘yung base para hindi basta-basta tumaob si baby. Dapat din daw ay hindi masyadong magaan ang andador. “Kasi pag magaan po konting sandal or forward lang baka dumausdos kaagad, mabigla naman po si baby,” sabi ni mommy. 

     

    PHOTO BY Mary Jay Sy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    “Sa ngayon po nakikita ko talaga na maganda yung effect kay baby kasi kelangan nya mageffort bago siya makausad. At nakakitaan ko din siya ng improvement from the first time na pinagamit namin siya nun. At tingin ko naman, kahit walang mga nakasabit o tumutunog  na kung ano anong laruan sa andador niya ay masaya naman siya sa paggamit niya nito.”

    What other parents are reading

    Ang kwentong ito ay experience ng pamilya nina mommy Mary Jay at daddy Antonio Sy II. Nagtanong sila sa pedia ng baby nila bago nagdesisyong pagamitin ng andador ang kanilang baby. Ugaliing magtanong muna sa medical experts at professionals kung iniisip mo ring pagamitin ang anak mo ng andador o walker. 

    Mayroon ba kayong sarili ninyong DIY projects ng pamilya mo? I-share mo na ang kwento nito sa aming Facebook community na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close