Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Mas Nagiging Mahirap Maging Magulang Dahil Sa 'Pressure To Be Perfect'

    Nariyan din ang walang tigil at hindi mapigilan na pakikipagkompitensya natin sa ibang mga magulang.
    by Ana Gonzales .
Mas Nagiging Mahirap Maging Magulang Dahil Sa 'Pressure To Be Perfect'
PHOTO BY iStock
  • Kung nabuhay tayo at naging magulang sa isang perpektong mundo, lahat tayo ay nakakapag-breastfeed. Lahat ng mga magulang ay may kumpletong tulog at lahat ay nakakapagtrabaho at nakakapag-alaga ng mga bata nang hindi napapagod. Pero hindi tayo nabubuhay sa isang perpektong mundo. Sa katunayan, lahat ng mga magulang ay mayroong kanya-kanyang hamon at pagkukulang na hinaharap araw-araw para lang makapagpalaki ng masasaya at malulusog na mga bata.

    More from Smart Parenting

    Bakit nga ba nagkaroon ng pangangailangan na maging isang perpektong magulang?

    Kung iisipin, iisa lang ang gustong mangyari ng mga magulang: ang makapagpalaki ng mga batang malulusog, mababait, masisipag, at magagalang bukod sa napakarami pang magagandang katangian. 

    Ngunit dahil walang isang paraan ng pagpapalaki ng mga bata, ang pagkakaiba-iba ng ating mga pamamaraan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng panghuhusga

    Bukod pa riyan, ang pagkakaiba rin ng ating mga paniniwala ay nagiging bunsod ng pagkukumpara.

    Mayroon ‘ding nakasanayang basehan ang ating lipunan kung ano nga ba ang isang malusog na bata. Halimbawa, madalas na ipinapahayag ng mga nanay ang natatanggap nilang panghuhusga kapag hindi masyadong mataba ang mga anak nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ngunit, hindi sapat na basehan ang timbang ng bata para sabihin kung malusog ba ito o hindi. Una, kung ang kanyang timbang ay tama lang sa kanyang edad at laki, hindi niya kailangang maging mataba. Tanging ang kanyang pediatrician ang makakapagsabi kung tama ba ang timbang ni baby.

    Nagkakaroon din ng kompetisyon sa pagitan ng mga magulang. Kaninong anak ang naunang nagsalita, kaninong anak ang mas matangkad o ‘di naman kaya ay kaninong anak ang mas matalino. Kahit ang mga simpleng bagay tulad ng pagkain, birthday celebration, at kahit ang damit ay nagiging kompetensiya rin. 

    Anong epekto nito sa mga magulang?

    Ang una mong mapapansing epekto nito ay ang kawalan mo ng tiwala sa iyong sariling mga desisyon. Maaari ka ring makaramdam ng anxiety at matinding stress dahil na rin sa takot mong magkamali. 

    Sa isang Smart Parenting article na inilabas namin ngayong taon, idinetalye namin kung gaano kabigat sa kaisipan ang pressure na kaakibat ng pagiging magulang, lalo na ang pressure para makapagpa-breastfeed.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano maiiwasan ang pressure to be perfect?

    Payo ng ilang mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa sa mga pinakamabisang paraan para hindi mo maramdaman o indahin ang pressure ay ang palibutan ang sarili mo ng mga taong sumusuporta sa mga choices mo para sa iyong mga anak. 

    Bukod pa riyan, makakatulong din ang matutunan mong pakinggan lang ang mga opinyon ng mga taong totoong concerned sa iyo. Sabi nga ni Chesca Garcia-Kramer sa amin sa isang nakaraang interview, shut that all off. The most important thing is that your children love you and you love them and you know the kind of love that you have for them. Nobody else will know how to parent your children except you," sabi niya. 

    More from Smart Parenting

    Ayon pa sa kanya, tayo ang nakakakita sa ating mga anak at tayo ang nagpapalaki sa kanila. Kailangan nating magtiwala sa ating mga sarili. Kailangan nating magtiwala sa mga bagay na kaya nating gawin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguro nga’y hindi na natin maiiwasan ang pressure para maging mga perpektong magulang. Siguro nga ay matatagalan pa bago tayo mabuhay sa mundo na walang judgment. Kaya naman para hindi ka lamunin ng takot at anxiety, maniwala ka sa sarili mong choices. Hindi mo kailangang maging perfect, kailangan mo lang gawin ang lahat ng iyong makakaya para mapalaki ng maayos ang iyong mga anak—‘yun lang ay sapat na.

    More from Smart Parenting

    ‘Twing kailan mo nararamdaman ang pressure para maging perpekto? Paano mo ito hinahandle? I-share mo ang iyong experience sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles