Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Maniniwala Ka Bang Minadali Lang Ng Mga Nanay Ang Mga Breakfast Na Ito?

    Kahit mabilisang paghahanda, masarap pa rin at maganda pang tignan.
    by Ana Gonzales .
Maniniwala Ka Bang Minadali Lang Ng Mga Nanay Ang Mga Breakfast Na Ito?
PHOTO BY SPV Mommies
  • Sabi nila, breakfast is the most important meal of the day. Kaya naman, kahit gusto pang matulog ng mga nanay at tatay, gumigising pa rin sila ng maaga para makapaghanda ng mga masasarap at masusustansiyang breakfast meals. Ibinahagi nila sa amin kung anong itsura ng mga minadaling breakfasts nila.

    Para kay mommy Angel Aihara, minsan ay pancakes with chocolate syrup ang agahan ng mga anak niya, minsan naman ay classic Pinoy breakfast tulad ng longganisa at itlog. Minsan ay may kasamang prutas katulad nito.

    PHOTO BY Angel Aihara
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman kay mommy Anna Valencia, konting tinapay at itlog ang ibinibigay niya sa kanyang toddler na kalimitan ay sinasabayan ng bata ng gatas.

    PHOTO BY Anna Valencia

    Kay mommy Apple Centes Balmaceda naman, sabay na niyang ihinahanda ang breakfast at baon ng kanyang pamilya. 

     

    PHOTO BY Apple Centes Balmaceda
    Ang hubby naman ni mommy Ginyn Noble-Cadavillo na si daddy Ross ang naghahanda ng agahan nilang mag-asawa. Sa umagang ito, sliced oranges at toasted egg sandwich ang agahan nila.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    PHOTO BY Ginyn Noble Cadavillo
    Paborito naman ng halos lahat ng bata ang agahang malimit na ihanda ni mommy Liezl Porazo Beticon na hotdog, itlog, at tinapay. 

     

     

    PHOTO BY Liezl Porazo Beticon
    Para naman kay mommy Pennelope Baria, homemade ang kalimitan niyang ihinahain sa kanyang mag-anak tulad ng agahan nilang spaghetti with homemade tomato and carrot sauce. Mayroon din siyang grilled cheese sandwich at dragonfruit. 
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    PHOTO BY Pennelope Baria
    Sa ibang umaga, gumagawa naman si mommy Pennelope ng peanut butter rolled oats, cheesy eggdesal, at mashed boiled egg.

     

     

    PHOTO BY Pennelope Baria
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Kapag naman may lansones sa agahan, madalas ay hindi na makahintay ang anak ni mommy Pennelope na kumain. 

     

     

    PHOTO BY Pennelope Baria
    Kay mommy Vesta Laserna naman, paborito ng mga anak niya ang bacon, eggs, at pancakes. 

     

    PHOTO BY Vesta Laserna
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kay mommy Chique De Asis naman, paborito ng kanyang pamilya ang tuyo, itlog, at kamatis. Simple pero isa sa pinakapopular na agahan ng mga Pilipino. Matatakam ka talaga kapag ito na ang naaamoy mong iniluluto ng kapitbahay ninyo.

    PHOTO BY Chique De Asis

    Maniniwala ka bang mabilisan lang na ginagawa ng mga nanay ang mga agahang ito? Kayo? Anong itsura ng minadaling breakfasts ninyo? I-share mo lang sa amin sa pamamagitan ng Smart Parenting Village. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles