-
Real Parenting Define Stress-Free Life. Isa Sa Mga Sagot Ng Moms, 'Bumukod Ka'
-
News TikTok Asked To Block Underage Users After Death Of 10-Year-Old In 'Blackout Challenge'
-
Toddler Cases of Misdiagnosed ADHD Rising Because of Early School Enrollment, Harvard Study Finds
-
Toddler Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert
-
Marunong Nang Magligpit Ng Toys! Heto Ang Technique Na Ginamit Ng Isang Nanay
Sa murang edad, matututo siya ng isang importanteng life skill.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Nathalie Argamosa
Isa sa mga madalas na maka-stress sa mga nanay ang pagliligpit ng mga kalat sa bahay. Ang malimit na ligpitin ay ang mga laruan ng mga bata. Sa katunayan, napakarami ngang memes online kung saan kaliligpit pa lang ni mommy, makalat na agad.
MORE ABOUT DISCIPLINING YOUR KIDS HERE:
- How To Discipline A Defiant Toddler Without Losing Your Patience
- 'Nasaktan Ba?' Judy Ann Santos Shares Positive Discipline Talk With Luna
Kaya naman malaking tulong kung matututo ang mga bata na kusang magligpit ng mga gamit nila. Pero paano nga ba dapat simulan ang pagtuturo ng kasinupan?
'Yan ang binahagi ni mommy Nathalie Argamosa, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Kwento niya, isang taong gulang pa lang ang anak niya nang matuto itong magligpit o mag 'pack away' ng mga laruan.
"Ito kasi yung stage na ang trip ng mga baby ay dumukot ng gamit sa lalagyan, tapos ikalat sa floor, or if kaya nila buhatin yung container, ibubuhos nila lahat yung laman. This is why this is also the best time to teach them how to pack away," pagbabahagi niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano nga ba ginawa ito ni mommy Nathalie? Narito ang technique niya:
Hayaang maglaro si baby
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos"First, I let her play," paliwanag niya. "Hayaan silang maglaro at magkalat." Ayon sa kanya, ito ay mabisang paraan para maging kumportable ang anak ninyo sa espasyong ginagalawan niya.
Dagdag pa ni mommy, kapag nauna ang pagalit, magiging negatibo ang tingin ng anak mo sa ginagawa niya. Kung negatibo ang dating sa anak mo ng leksyong gusto mong matutunan niya, maaaring hindi na niya ito sundin o ma-absorb.
"Let them be, until such time na wala na sila sa focus maglaro at magkalat, then dun natin turuan," payo niya.
Gawing habit ang pagliligpit
Ang laging sinasabi ni mommy sa anak niya, "Daming kalat, pack away na tayo." Ituro mo ang laruan pagkatapos nito at ipakita sa kanya kung saan ito dapat nakalagay.
Paulit-ulit na ginagawa ito ni mommy hanggang gayahin ng anak niya.
Maging consistent
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ito makukuha ng anak mo ng isang beses lang. Ang pagiging consistent ang magiging susi mo para tumanim sa isip niya na kailangan niyang magligpit kung magkakalat siya.
"'Pag nagagaya na niya, make sure to do this every time magkakalat siya para may consistency and retention ng learning," sabi ni mommy.
MORE ABOUT DISCIPLINING YOUR KIDS HERE:
- How To Discipline A Defiant Toddler Without Losing Your Patience
- 'Nasaktan Ba?' Judy Ann Santos Shares Positive Discipline Talk With Luna
Tiyaga ang naging susi ni mommy Nathalie. Sa susunod na maglalaro si baby, magkukusa na siyang magligpit pagkatapos. Maiintindihan na rin niya kapag sinabihan siya na pack away time na. Hindi mo namamalayan, siya na mismo ang kumikilos kahit hindi sinasabihan.
"Instead na tayo ang ma-stress sa pagliligpit, 'pag marunong na si baby, all we need to do is help them. Plus, may life skill na silang alam, di ba?" sabi ni mommy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga smart tips ka ba para maturuan ang anak mo na magkusa sa pagliligpit at iba pang bagay? I-share mo na iyan sa comments section at baka ang tip mo na ang susunod na ma-feature sa aming website.
Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.
What other parents are reading

Trending in Summit Network