Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
3 Bagay na Dapat Nating Pag-Isipan Bago Tayo Magbahagi ng Post Ukol sa Ating Mga Anak
PHOTO BY iStock
  • "Anak, pwede ko ba i-post yung sinabi mo? Ibig sabihin makikita ng friends ni Mama yan. "

    "No."

    "Okay.

    Pabawas na nang pabawas ang mga ibinabahagi kong larawan, usapan, at video ng aking mga anak sa aking social media. Minsan, mukha ko ang mas kita kaysa sa kanila o di kaya makakapal na filter at stickers ang inilalagay ko sa mga mukha nila. Paunti-unti ay tinatanong ko na rin sila kung aking ibabahagi ang kanilang litrato o sinabi "sa marami kong kaibigan." Medyo matagal bago ko napagtanto na nararapat silang tanungin bago ko ipaskil ang kanilang kamusmusan sa mundo ng social media.

    More from Smart Parenting

    Eh bata lang sila. Anong malay niyan? Bakit ka masyadong nag-aalala?

    Sisikat yan, cute cute oh!

    Share ko lang naman.

    Ilan lang yan sa mga kuru-kuro ng matatanda ukol sa usapin ng pag-post sa social media ng mga larawan, video, o kwento ng mga bata. Wala namang masama. Good vibes lang. Bilang isang mama blogger, ang saya nga namang makapagbahagi at makakita ng mga ganitong posts, lalo na kung nabuburyo ka na sa mga bangayang politika sa iyong newsfeed. Sa atin, ito ay good vibesPaano naman sa kanila?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3 bagay na dapat nating pag-isipan bago tayo magbahagi ng post ukol sa ating mga anak

    Hindi naman sa bawal nang magpost ang mga magulang. Hindi na iyon makatotohanan, ngunit pwede pa rin namang subukan. Ang importante sa lahat ay isipin natin ang nararamdaman ng ating mga anak.

    Isipin kung kumportable ba ang inyong anak

    Maaaring cute ang inyong anak sa inyong paningin pero para sa kanya, nakakahiya pala ito, lalo na kung maging viral at kumalat sa buong mundo. Sabi ng mga eksperto, maaari itong magdulot ng mga problemang sikolohikal sa mga bata sa kanilang paglaki.

    Kung nais talaga nating magbahagi tungkol sa ating mga anak, heto ang ilan sa mga gawain ko tuwing mag-po-post ako ng mga larawan o video ng aking mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Gawing hindi gaanong malinaw ang larawan. Kunwari, hindi kita ang mukha dahil ginamitan ng blur, stickers o kaya ng filters. Pwede ring nakatalikod o nakatigilid ang ating mga anak.
    2. Huwag mag-“live.” Pwedeng mag-“late post.”
    3. Samahan ang inyong anak sa larawan. Mas kaunti ang tsansang kuhain ito ng mga “online predator.”
    4. Ipadala na lang sa chat group at pakiusapan ang mga pinadalhan na huwag ipaskil ang larawan nang walang pahintulot. Medyo mahirap, lalo na kung mas nakatatanda sa atin ang sasabihan. Ipaliwanag na lang ng mahinahon na para naman ito sa seguridad ng bata.
    5. Magbahagi base sa inyong perspektibo. Hangga’t maari, ang post ay tungkol sa inyo dahil kayo ang nag-post. Halimbawa, imbis na video ng tantrums ng inyong anak, mas maganda kung ibabahagi ninyo kung ano ang inyong nararamdaman habang ito ay nangyayari at ang inyong naging tugon.
    6. Kung hindi talaga maiwasang ibahagi ang mga litrato at video, huwag na lang gawing public ang post.
    More from Smart Parenting

    Isyu ng seguridad

    Natatandaan ninyo ba ang mga security questions sa paggawa ng bank account at email address? "What was the first country you visited? What is the name of your childhood pet?" Kadalasan ang mga sagot diyan ay naipo-post natin nang hindi natin namamalayan. Maaaring maging daan ito upang manakaw ang pagkatao ng inyong anak. Bukod pa ito sa isyu ng child pornography at digital kidnapping.

    Tao rin sila na kailangang respetuhin

    ‘Di ba minsan ay naaasar tayo kung tayo ay tina-tag sa mga larawang di naman kagandahan ang pagkuha? Ganun din ang pwedeng maramdaman ng iyong anak. Gaya ng sabi ng "Respectul Parenting," kailangang kasapi ang bata sa mga gawain, hindi lamang isang "passive observer/recipient." Ang kanilang desisyon ay may bigat sapagkat mukha nila ang ating ibinibida.

    Hinahati ni Anna ang kanyang 24 oras sa full-time housework at childcare, part-time na pagtuturo at pag-aaral sa University of the Philippines at trabaho sa Philippine Society for Music Education. Kapag hindi siya nakatutok sa pag-sulat ng kanyang master's thesis, nagbabahagi siya ng mga karanasan niya bilang ina sa kanyang Instagram at website, o di kaya'y nakikipagdiskusyon ng philosophical musings kasama ang kanyang asawang si Z.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
View more articles