baby names,baby names for girls,baby names for boys,r08-judy,scr24,baby names trending,Cutest Trending Baby Names From 2020-2024,baby name, baby names, 2020 baby names, nameberry, trending baby names,Narito ang mga pangalang trending mula 2020 to 2024.
ParentingReal Parenting

Baby Names: Mga Pangalang Trending Pa Rin Hanggang Ngayon

Wala ka pa bang naiisip na pangalan para sa iyong paparating na sanggol?
PHOTO BYiStock

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Disyembr 31, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong Hunyo 29, 2024.

Isa sa mga pinaka-exciting na bahagi ng iyong pagbubuntis ay ang paghahanap ng magandang pangalan para sa iyong anak. Kung isa ka sa mga nanay na nakatakdang manganak ngayong taon ng isang dragon baby, narito ang mga pangalang maaari mong pagpilian: 

Pangalan para sa baby girls

Ayon sa Good Housekeeping, ang pangalang Emma ang numero unong pangalan sa United States mula noong 2014 hanggang 2019. Kahit 2024 na, trending pa rin ang pangalang Emma, dahil na rin sa mga sikat na celebrities tulad nina Emma Stone at Emma Watson.

Bukod pa sa Emma at sa variation nitong Emily, ito ang mga pangalang trending para sa mga batang babae:

  • Meaghan
  • Dior
  • Adelee
  • Palmer
  • Oaklynn
  • Haisley
  • Keily
  • Novah
  • Yara
  • Ensley

Ayon naman sa Nameberry, ito ang mga mangungunang pangalan ng baby girls sa 2020:

  • Adah
  • Reese
  • Mika
  • Paisley
  • Amina
  • Teagan
  • Nova
  • Aura
  • Pearl
  • Billie

Magiging hit din ang mga pangalang ito: 

  • Posie
  • Elodie
  • Imogen
  • Ottilie
  • Seraphina
  • Cleo
  • Cordelia
  • Beatrix
  • Camilla
  • Adalyn
  • Madelyn
  • Charlie
  • Lila
  • Isla
  • Eleanor

Ayon din sa Good Housekeeping, magiging trending din ang mga pangalang hango sa kalikasan tulad ng Rainbow, Luna, Lily, Ivy, at Violet.

Pangalan para sa baby boys

Liam, Noah, at William ang mga sikat na pangalang para sa lalaki ng 2019. Nariyan din ang Michael, Jacob, Liam, at Oliver. 

Sa taong 2020, ito ang mga baby boy names na patok:

  • Genesis
  • Saint
  • Baker
  • Kairo
  • Watson
  • Kenzo
  • Jaxtyn
  • Kylo
  • Dakari
  • Karsyn

Patok din ang pangalang Kylo Ren dahil sa pagsikat ng pelikulang Star Wars. Dahan-dahan ding sumisikat ang mga international names tulad ng Austin, Alva, Acacius, Tate, Diego, Easton, Lucius, Cash, Ash, at Luca.

Ang mga pangalang hango sa Hebreo tulad ng Asher at Ezekiel ay patok din. Maging ang Hawaiian na pangalan tulad ng Kai at ang Spanish na pangalan tulad ng Mateo. 

watch now

Ayon naman sa listahan ng Nameberry, magiging sikat ang mga pangalang ito:  

  • Austin
  • Alva
  • Acacius
  • Tate
  • Diego
  • Easton
  • Lucius
  • Cash
  • Ash
  • Luca

Maaari ka ring mamili sa mga pangalang ito: 

  • Nolan
  • Oliver
  • Orson
  • Otis
  • Raphael
  • Roman
  • Ronan
  • Sullivan
  • Theo
  • Titus
  • Tobias
  • Weston
  • Zane
  • Zion

Kung gusto mo naman ng mga unisex na pangalan, narito ang magagandang pagpipilian: 

  • Ellis
  • Phoenix
  • Remi/Remy
  • Marlowe
  • Shea
  • Zephyr
  • Darcy
  • Rowan
  • Quinn
  • Emerson

2024 Trending Baby Names

Ngayong 2024, heto ang mga trending na pangalan sa mga batang babae sa United States, ayon pa rin sa Nameberry:

  • Olivia
  • Emma
  • Charlotte
  • Amelia
  • Sophia
  • Mia
  • Isabella
  • Ava
  • Evelyn
  • Luna

Heto naman ang para sa mga batang lalaki:

  • Liam
  • Noah
  • Oliver
  • James
  • Elijah
  • Mateo
  • Theodore
  • Henry
  • Lucas
  • William

Heto naman ang mga gender-neutral names na patok ngayong 2024:

  • Avery
  • River
  • Cameron
  • Charlie
  • Sage
  • Logan
  • Love 
  • Finley
  • Sayer
  • Pax

Basahin pa dito ang mas marami pang baby names para sa mga ipapanganak na dragon baby ngayong 2024.

Tips sa pagpili ng baby names

1. Ano ang mga pinakamahusay na pinagmumulan ng inspirasyon sa pangalan ng sanggol?

Maraming magulang ang kumukuha ng inspirasyon mula sa kultura, kasaysayan ng pamilya, mga paboritong aklat o pelikula, at mga personal na karanasan. Ang iba ay humuhugot mula sa mga kahulugan ng pangalan o mga sikat na personalidad.

May mga libro ring tulad ng "The Baby Name Wizard" at mga website tulad ng Nameberry ay nag-aalok ng iba't ibang ideya batay sa tema.

2. Paano pumili ng pangalang akma sa personality ng sanggol?

Bagamat mahirap malaman ang personality ng isang bagong silang, maaaring isaalang-alang ang mga katangiang inaasahan o mga pangalan na may magagandang kahulugan. Ang mga pangalan na nagdadala ng positibong connotations ay madalas pinipili ng mga magulang.

Maaari ding mag-research at mag-crowdsource sa mga parenting groups tulad ng Smart Parenting Village at articles ng Smart Parenting.

3. Ano ang mga pagkakamali na dapat iwasan sa pagpili ng pangalan ng sanggol?

Iwasan ang pagpili ng sobrang kakaibang pangalan na maaaring maging sanhi ng pagkapahiya ng bata. Mahalaga rin na i-check ang spelling at bigkas upang maiwasan ang pagkalito sa hinaharap.

4. Paano ang tamang pag-combine ng dalawang pangalan?

Uso sa mga Pilipino ang paghahalo o pag-combine ng dalawang pangalan. Maaaring paghaluin ang dalawang pangalan sa pamamagitan ng pagkuha ng unang bahagi ng isang pangalan at huling bahagi ng isa pa. Siguraduhin na ang kombinasyon ay maganda pakinggan at may magandang kahulugan.

Basahin ang kuwento ng isang nanay na naghahanap ng ipapangalan sa kanyang anak mula sa mga puntod sa sementeryo dito. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close