embed embed2
  • 'Ma, May X-Ray Vision Ka Ba?': Mga Superpowers Na Mayroon Ang Mga Magulang Ayon Sa Anak Nila

    Ikaw, anong super power ang akala ng anak mo mayroon ka?
    by Ana Gonzales .
'Ma, May X-Ray Vision Ka Ba?': Mga Superpowers Na Mayroon Ang Mga Magulang Ayon Sa Anak Nila
PHOTO BY Shutterstock/ANURAK PONGPATIMET
  • Kakaiba talaga ang imagination ng mga bata. Madalas ka rin bang mapaisip kung saan nila nakukuha ang mga ideas at theories nila?

    Sa isang Smart Parenting Village thread, nakita nanaman namin kung gaano ka-wild ang imagination ng mga bata—lalo na pagdating sa mga bagay na hindi nila maipaliwanag.

    Tanong ni mommy Lyn Garcia sa mga kapwa niya nanay sa aming Facebook group: "Anong superpower ang tingin ng anak mo na mayroon ka?"

    "Minsan akala ng mga anak mo may super power ka kasi alam mo ang ginagawa nila dahil ang alam nila hindi mo sila nakikita," sabi niya sa kanyang post.

    Kwento ni mommy, minsan daw ay sinabihan niya ang anak niya na mag-ingat sa pagbaba. Takang-taka raw ang anak niya dahil hindi naman daw nakatingin si mommy pero alam nito na bababa si baby. "Mommy bakit alam mong bababa ako?" tanong pa raw nito. "'Yung mata [ni mommy] nakakatagos kung saan-saan," sagot naman daw ng isa niyang anak.

    Hindi naman binigo si mommy ng mga kapwa niya nanay. Nag-comment din ang mga ito ng mga 'superpowers' nila.

    Ang sumunod? Sangkatutak na katatawanan.

    Anong superpowers ang mayroon ka ayon sa mga anak mo?

    X-Ray Vision

    Madaling akalain ng mga bata na tumatagos sa pader ang paningin ng mga nanay. Alam mo kasi agad kung anong pwedeng kalabasan ng mga ginagawa ng mga anak mo.

    Kaya naman marami sa mga nanay sa Village ang nagmumukhang may X-ray vision dahil bago pa man gawin ng mga anak nila ay 'nakita' na nila ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Teleportation

    Marami ring mga nanay sa Village ang nagsabing iniisip ng mga anak nilang nakakapag-teleport sila dahil mabilis silang nakakarating sa 'scene of the crime'.

    Kwento nga ng isang nanay, alam niya kung saan nagkakalat ang mga anak niya kahit tahimik ang mga ito. Akala tuloy ng mga bata, nakakapagteleport ang mommy nila (LOL).

    Magic Kiss

    Ilang beses mo na bang napawi ang sakit ng mga anak mo dahil sa 'magic kiss' mo? Iyong kapag nauntog, nadapa, o may masakit sa kanila, isang kiss lang ni nanay, nawawala!

    Pagbabahagi ng mga Smart Parenting Village moms, bilib na bilib ang mga anak nila kapag nagagamitan ng 'magic kiss'.

    Magic Drawing

    Hindi lang mga nanay ang may super powers—syempre, pati mga daddies. Kwento ng isang daddy sa Village, sa sobrang galing niyang mag-drawing gamit ang chalk, tingin ng anak niya'y super power niya ito.

    Mind Reading

    Marami naman ang naka-relate sa isang nanay nang ikwento niyang akala ng anak niya ay nakakabasa siya ng isip. Bago pa man kasi gawin ng mga anak niya ang isang bagay ay alam na agad ni mommy ang tungkol dito.

    Nagtataka na lang ang mga bata na biglang alam ni mommy kung anong balak nila. Napapatanong tuloy sila, "Ma, nababasa mo ba ang isip namin?"

    Super Eyes

    Ito naman ang tawag ng isang nanay sa 'super power' niya. Madalas daw kasi, kapag hindi mahanap ng mga anak niya ang mga bagay-bagay, siya ang pinagtatanungan. At dahil kabisado na ng mga nanay ang tahanan nila, pati na rin ang ugali ng mga anak nila, maning-mani na lang sa mga nanay na ituro kung nasaan ang mga bagay-bagay.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Akala tuloy ng mga bata, may super eyes si mommy na tumatagos sa mga pader at kwarto para mahanap ang mga kailangan nila.

    Tunay ngang may super powers ang mga magulang. Sa dami ba naman ng mga kailangan mong ma-accomplish sa isang araw bilang tagapag-alaga ng mga bata at tagapag-taguyod sa pamilya, hindi nakapagtatakang maging super ka sa mga mata nila.

     

    Ikaw, anong superpowers ang tingin ng mga anak mo ay mayroon ka? I-share mo na iyan sa comment section. Kung gusto mong makakilala ng mga tulad mong super nanay at super tatay, pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles