embed embed2
  • Michael V. Asks Ogie Alcasid: 'Paano Maging Tatay Sa Mga Anak Na Dalawa Ang Nanay?'

    Sa tinagal-tagal ng kanilang pagkakaibigan, mayroon pa kaya silang hindi naitatanong sa isa't-isa?
    by Ana Gonzales .
  • It's a collaboration with these awesome dads! DIY photos by Ogie Alcasid and Michael V. Creative direction by Jico Joson with Warren Espejo
    PHOTO BY Michael V, Ogie Alcasid

    Punong-puno ng mga masasaya at inspiring stories sa Smart Parenting ngayong June 2021 bilang paggunita ng Father's Day! At wala na sigurong sasaya pa kapag ang nagkuwentuhan ay sina Ogie Alcasid at Michael V., ang aming June 2021 digital cover! Heto ang opening salvo ng kanilang #SmartParentingExclusive

    #BFFGoals maituturing ang tambalang Michael V. o 'Bitoy' at Ogie Alcasid o 'Ogie da Pogi.' Subok na ng panahon ang kanilang samahan. Sa katunayan, "long-time better half" na nga ang tawag ni Bitoy kay Ogie.

    Matagal silang naging comedy collaborators sa hit show na Bubble Gang. At kahit ngayong limitado ang galaw ng mga tao sa entertainment industry dahil sa COVID-19 pandemic, patuloy pa rin ang kanilang collaborations.

    Inanyayahan namin sina Ogie at Bitoy na gawin ang "Questions I've Never Asked..." May mga hindi pa kaya sila natanong sa isa't-isa?
    PHOTO BY Michael V, Ogie Alcasid
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Smart Parenting Exclusive interview namin sa kanila bilang celebrity cover ngayong Father's Day, ikinwento nila kung saan at paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

    "Si Bitoy kasi was a contestant of a rap contest," pagsisimula ni Ogie. "Natalo siya dahil ako 'yung judge," biro pa nito.

    "I've known you since then," hirit naman ni Bitoy. "That was 1991," masayang pag-alala ng dalawa.

    Simula nga noon ay naging bahagi na ng mga buhay nila ang isa't-isa. Magkumpare sila at magkapitbahay.

    Sa tatlumpung taon nilang pagkakaibigan, mayroon pa kaya silang hindi naitatanong sa isa't-isa?

    Inanyayahan namin silang gawin ang patok na YouTube challenge ngayon na "Questions I've Never Asked..."

    Dito namin nalaman na mayroon pa pala silang mga magagandang tanong sa isa't-isa, na kahit matagal na silang BFFs, ay hindi pa nila napag-uusapan.

    Panoorin ang kabuuan ng Smart Parenting Exclusive na ito:

    Producers: Ana Gonzales with Jocelyn Valle

    Editor/video: Stephen Migallen

    Art direction: Jico Joson with Cyrille Calderon

    Mapapanood sina Michael V. at Ogie sa Smart Parenting YouTube Channel at Facebook page sa buong buwan ng Hunyo bilang pag-gunita sa Father's Day. Pumunta lang sa smartparenting.com.ph para mabasa ang iba pang kwentong isinulat namin tampok ang dalawang kwelang celebrity dads na ito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles