Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Minsan, Sa Sobrang Pagod, Gusto Ko Nang Sumuko Sa Pag-aalaga Sa Mga Anak Ko

    Mahirap maging nanay lalo na kung napapaligiran ka ng mga taong hindi supportive sa iyo.
    by Ana Gonzales .
Minsan, Sa Sobrang Pagod, Gusto Ko Nang Sumuko Sa Pag-aalaga Sa Mga Anak Ko
PHOTO BY Pexels
  • Maraming challenges na kaakibat ang pagiging ina. Maraming mga responsibilidad ang nakaatang sa ating mga balikat. Sa katunayan, nang sinuma ng isang website ang dapat na sahod ng isang stay-at-home mom, lumalabas na higit walong milyong piso dapat ang sweldo nila sa isang taon. Ano mang klaseng nanay ka, nagpapasuso o nagpapadede sa bote, nagtratrabaho sa bahay o sa opisina, hindi maikakailang marami kang iniintindi. 

    Ngunit dumating ka na ba sa puntong gusto mo na lang sumuko? Sa mga sulat na ipinadadala sa amin, isa ang #SPConfession na ito sa umantig sa amin. Galing ito sa isa sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Binigyan niya kami ng permiso na ilabas ito sa pagbabakasakaling maisip ng ibang nakakaramdam ng ganito na hindi sila nag-iisa.

    More from Smart Parenting

    Iniwan kaming mag-iina ng tatay nila. Mas pinili niyang sumama sa ibang babae. Matagal na silang may ugnayan. On and off ang relationship nila pero ngayon, tuluyan na niya kaming iniwan para doon sa isa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya ko naman na walang karelasyon, Ms. Sara. Pero naaawa ako sa mga anak ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila na wala ang daddy nila at hindi buo ang pamilya namin.

    More from Smart Parenting

    Wala akong permanenteng trabaho sa ngayon. Wala kasing magbabantay sa mga bata. Matanda na ang parents ko. Hindi na nila kayang magbantay na sila lang. Rumaraket lang ako paminsan-minsan at nagbebenta lang ako ng kung anu-ano online.

    Awa ng Diyos, sumasapat naman ang kinikita ko. Pero madalas, kailangan ko talagang makipagpukpukan para makabenta. Nahihirapan na ako Ms. Sara. Ang bigat-bigat ng puso ko. Minsan, may mga pagkakataong sa sobrang pagod, gusto ko na lang ipaampon ang mga anak ko. Pero kapag nakikita kong masaya sila at nairaraos ko ang mga pangangailangan naming mag-iina, nagsisisi ako sa mga masasamang naiisip ko. 

    Kaya ako nagconfessions dito sa Village. Para once and for all, hindi ko na maisip na hindi ko kaya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahirap mag-isa. Marami akong takot. Pero para sa mga anak ko, kakayanin ko. Hindi naman sila ang may kasalanan. Minsan naiisip ko, baka may postpartum depression ako. Pero iniisip ko, nasa proseso pa lang siguro ako ng pag-move on. Sana makayanan ko ito.

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles