embed embed2
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Ang nagsulat ng piece na ito kasama ang anak na si Matteo, 2 years old. 
    PHOTO BY Camille Quiambao Cacapit
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Eto ang photo ng buhay nanay no filter

    Yes, kahit nasa peak pa kami ng emotions namin, I still took the photo.

    I was lying down in bed when my son hit me in the face with a hard object. Tinamaan ako sa bridge ng nose ko at sobrang sakit na akala ko magdudugo na.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa gulat ko at sa sakit, nabato ko ’yung object papalayo at napalo ko ’yung kamay niya nang malakas.

    Nasigawan ko din ang sinabi ko sa kanya na, "Di ba Mommy told you to stop hitting?"

    Yes, alam ko. Sasabihin n’yo, "Stop hitting, eh, ikaw nga pinalo mo." You don’t have to say it because I know it, and I never felt so bad and so guilty.

    Habang umiiyak ang anak ko, napaiyak na din ako nang sobra. Parang mas malala pa sa iyak ng anak ko.

    At mas lalo pa akong humagulgol nung niyakap ako ng anak ko na parang walang nangyari at pinunasan pa ’yung luha ko. It goes to show how innocent they are. Dapat tayong matanda talaga ang mag-adjust.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    So bakit ko kinunan kahit nasa gitna kami ng pangyayari? Kasi naisip ko lang, kung siguro meron lang camera na nagre-record sa buhay ng isang nanay sa loob ng isang araw, makikita nila kung ga’no kahirap.

    It’s not always happy moments and play time. Most of the time, it’s temper tantrums —whining, crying, screaming, kicking, and hitting. And I want to acknowledge na it happens, and some situations really do get the best of us.

    I think Matteo is in the stage na exploring and testing boundaries talaga. At times, I can control and napapahaba 'yung pasensya.

    But feel ko because working mom din ako, 'yung pressure from work pag may need adds up to the exhaustion na I also take care of him na super mas makulit na ngayon.

    As moms, we need to remember that a single situation we lose our temper does not make us bad moms. It just means that we are human who gets tired.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More than hoping that other people would be kinder and more understanding towards moms, dapat tayo mismong mga nanay ang maging mabuti at understanding sa mga sarili natin.

    From a new mom who’s learning the ropes of parenting.

    As a first time mom, talagang learning everything for the first time.
    PHOTO BY Camille Quiambao Cacapit
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Camille Quiambao Cacapit has a YouTube channel called Mommy Camille Quiambao. She says it's about "everything I know I share there and hopefully, I am able to help other mom din."

    Si Matteo ang panganay ni Camille at kanyang asawang si Lester Cacapit.
    PHOTO BY Camille Quiambao Cacapit
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles