-
Good Provider At Responsableng Ama Ang Asawa Ko, Pero...
Committed husband din siya—masipag sa chores at maalaga sa anak, pero no one is perfect.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sabi nga nila, hindi mo lubos na makikilala ang isang tao hanggat hindi mo siya nakakasama sa isang bahay. ‘Yan ang napagtanto ng isang nanay na nagbahagi ng kwento niya sa amin sa pamamagitan ng #SPConfessions. Narito ang kanyang kwento:
Bago kami nagpakasal, nagsama muna kami sa isang bahay. Pinahinto niya ako sa trabaho. Sabi niya kasi, kaya niya namang mag-provide para sa akin. Sa totoo lang, ayaw ko. Gusto kong maging working mom. Pero at the same time, gusto ko ring i-honor ang hiling ng husband ko. Kaya naman, hindi na ako nagtrabaho.
It was a good decision. Dahil nang magbuntis ako, marami akong naranasang complications. Mabuti na lang din at nasa bahay ako noon. Nang lumabas naman si baby, walang mag-aalaga sa kanya. Kaya good decision pa rin na huminto ako sa pag-tatrabaho.
Kahit na pakiramdam ko ay maganda ang naging desisyon ko, hindi pa rin naaalis sa akin ‘yung pakiramdam na gusto kong magtrabaho. Gusto ko kasing maging financially independent mula sa asawa ko.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBihira lang kaming mag-away. He’s an amazing partner. Committed din siyang husband at hands-on siya sa anak namin. Responsable siyang provider. Masipag siyang maglinis ng bahay. Tinutulungan niya ako sa mga gawain. Almost perfect, sabi nga nila. Pero napatunayan kong nobody is perfect talaga.
Kahit kasi hindi kami laging nag-aaway, kapag nag-away naman kami, matindi talaga. Normal lang naman ang mga arguments, hindi ba? Wala namang perpektong pagsasama. Pero minsan kasi, masyado na siyang masakit magsalita. Nagger siya. Simpleng argumento, lumalaki at lumalala. Para sa akin, kung may problema, dapat pag-usapan ng maayos. Pero siya, umpisa pa lang, galit na agad. Hindi siya marunong huminahon. Lagi siyang nagagalit. Walang makakapigil sa init ng ulo niya. Para bang siya lagi ang tama. Isang salita pa lang ang nasabi ko, naka-isang daan na siya.
Madalas, hindi ako makapagsalita kasi naiisip ko na wala akong karapatan. Siya kasi ang nagpapakain sa akin, sa aming mag-ina. Siya ang nagbabayad ng bills. Siya ang lahat. Ako, nasa bahay lang. Pakiramdam ko wala akong karapatang magsalita. Doon naman sa mga moments na pinipili kong magsalita, nagagalit naman siya. Hindi niya tinatanggap ang pagkakamali niya. Hindi rin siya nagsosorry. Siya ang laging magaling, siya ang laging tama.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMarami siyang good qualities gaya ng nabanggit ko. Pero parang nawawala ang mga ito kapag sinusumpong siya ng pagiging nagger niya. Anong gagawin ko? Paano ba dapat i-handle ang pagiging controlling niya? Ano bang dapat gawin sa uncontrollable temper niya? Paano ko sasabihin sa kanyang hindi siya laging tama? Paano ko ipaparealize sa kanyang nagkakamali rin siya? Nakakapagod na ang pagiging nagger niya.
What other parents are reading

- Shares
- Comments