embed embed2
  • Hindi Maitago Ni Nadine Samonte Ang Kaba Sa Health Struggles Niya, Ng Asawa, At Anak

    Aminado siyang "struggling" sa third pregnancy niya ngayon.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Maitago Ni Nadine Samonte Ang Kaba Sa Health Struggles Niya, Ng Asawa, At Anak
PHOTO BY Instagram/Nadine Samonte Chua
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Madalas magbahagi sa social media si Nadine Samonte tungkol sa family life nila ng asawang si Richard Chua at kanilang mga anak na sina Heather Sloane at Austin Titus. Halatang happy family sila at excited na madagdagan dahil sa kasalukuyang pagbubuntis ng aktres.

    Pero sa kabila ng kanilang mga ngiti, may pinagdadaanan palang health problems ang pamilya ni Nadine. Hindi kasi niya napigilan na magbuhos ng emosyon sa kanyang latest Instagram post nitong August 2021, kalakip ang dalawang litrato ni Heather, na 5 years old sa darating na August 27.

    Lahad ni Nadine sa caption: "I'm kinda emotional right now. Don't know what to say or do but i know everything will be fine. Kapit lang, prayers lang. 'Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding,' this is what im thinking for the past weeks."

    Pag-amin niya pa: "Yes, we are going through a lot. Hindi halata, noh? Pero ngayon, hindi ko mapigilan emotions ko. I need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today, and my husband will have his angiogram this week."

    Ang angiogram, ayon sa Society for Vascular Surgery, ay isang X-ray procedure para matukoy ng doktor ang pagbabara sa arterial system. Ibig sabihin, makikita sa ganitong paraan ang lagay ng puso ng pasyente, tulad ni Richard.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binanggit din ni Nadine na delikado ang kanyang ikatlong pagbubuntis (basahin dito). Aniya, "You guys know na I'm struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us."

    Sabi pa niya, "Crying on my own so they won't see how I really feel. I wanna be strong for them. It's so hard pag family talaga. I'm really, really emotional right now. I can't stop my tears while typing this."

    Sa huli, ipinasa-Diyos na lang niya ang bigat ng nararamdaman: "Lord, give me all the strength. I know we can do this with You."

    Bumuhos naman ng suporta mula sa online followers ni Nadine. Sabi ng kapwa niya artista na si Chynna Ortaleza: "I will keep you all in our prayers! The Lord will continue to be with your family and all of us always. Cry ka lang, Nadine! You are strong...No doubt!"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles