-
Nagpanic Talaga Ako! Nawala Ko Ang Anak Ko Sa Mall
Naranasan mo na bang biglang mawala sa paningin mo ang anak mo?by Ana Gonzales . Published Oct 23, 2019
- Shares
- Comments

Maraming kinakatakutan ang mga magulang. Pero marahil isa sa ating mga worst fears ay ang mawala ang ating mga anak kapag kasama natin sila sa mga pampublikong lugar. Nang tanungin namin ang mga nanay sa Smart Parenting Village kung naranasan na nila ito, marami sa kanila ang sumagot ng oo.
Sa isang viral na Facebook post ni mommy Judah Abonitalla, ikinwento niya ang kanyang karanasan nang mawala bigla ang kanyang anak na si Zacc.
Sabi niya sa kanyang Facebook post, nagwiwindow shopping lang silang mag-iina nang biglang nawala ang anak niya. “While looking at the party decors I notice nga nawala si Zacc sa iyang gi lingkoran (Party Tables/Chairs) So ge nerbyos na dayun ko! (While looking at the party decors, I noticed na nawala si Zacc sa kanyang inuupuan, which is party tables and chairs. So, ninyerbyos ako agad!)”
Kahit pa kabadong-kabado na si mommy Judah, pinilit pa rin niyang maging kalmado. “I looked at every aisle searching for him. And I saw his pair of slippers! Nisamot ng kuba-kuba sakong dughan while calling his name! (Mas lalo akong kinakabahan while calling his name!)” Tumakbo si mommy papunta sa slippers ng anak niya pero tsinelas lang ang nakita niya hanggang sa narinig niya ito: “Sobrang nice dito oi, sleep ako dito.” Doon na nga nakita ni mommy ang kanyang anak na mahimbing na mahimbing na natutulog sa mga gift wrappers. “Na-relieve ako na natatawa, na naiinis!” sabi ni mommy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Bago pa man natin ituloy ang kwentong ito, linawin na natin na hindi ka pabayang ina kung mawala man sa paningin mo ng panandalian ang iyong anak. May mga magsasabi riyan na masama kang magulang kung hinayaan mong mangyari ito sa anak mo, pero dahil nangyayari ito ng napakabilis, kahit anong bantay o hawak mo sa anak mo, minsan, sa sandaling panahon na binitawan mo sila, kung saan-saan na sila pumupunta—hindi mo ito kasalanan.
Hindi rin naman natin maikakailang responsibilidad naman talaga nating siguraduhing hindi ito mangyayari, ngunit paano kung nalingat tayo o hindi naman kaya ay nalingat ang taong pinagiwanan natin sa kanila? Paano kung kumawala sila sa pagkakahawak mo? Dito magsisimula ang horror story.
Tulad na lang ng experience ni mommy Cherry Ann Ritual Culala. Kwento niya, nangyari daw ang lahat sa restroom ng Star City. Ayon kay mommy, sandalli lang na nawala ang paningin niya sa kanyang anak. “Ipinatong ko lang ang bag ko saglit dahil kukuha ako ng sanitizer. Paglingon ko, wala na siya sa tabi ko. Christmas pa naman, sobrang daming tao,” sabi niya. Buti na lang daw at hindi pa nakakalayo ang apat na taong gulang na anak niya ay naabutan na niya ito. “Tinakbo ko siya agad bago pa siya tuluyan mawala sa paningin ko,” kwento niya. “Saglit lang yun pero para kong tinanggalan ng hangin sa sobrang takot.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Kwento naman ni mommy Aurora Altuna Tolentino, nasa appliance center sila noon nang biglang nagtatakbo ang anak niya at lumusot pa sa mga aisles. Dahil nalingat siya at ang kanilang yaya, nahirapan na silang hanapin ang bata. Agad namang sinabihan ni daddy ang guard na huwag palabasin ang bata (pinakita nila ang picture) kung subukan nitong lumabas. Buti na lang at nakita rin ng guard ang bata saka dinala kina mommy Aurora.
Katulad ni mommy Judah kanina, hindi rin alam ni mommy Janneth Tabor Andres kung anong mararamdaman niya nang biglang mawala ang anak niya habang naggo-grocery silang mag-anak. “Akala ko nandoon siya sa daddy niya. Noong nagkasalubong kami ng daddy niya nagkagulatan kami na wala ‘yung 3-year-old namin,” sabi niya. Agad silang naghanap at lumapit sa guard hanggang sa nakita nila ang anak nilang nanonood ng TV sa appliance section ng grocery.
What other parents are reading
Si mommy Cherry Vi naman ang nireport ng anak niya na nawawala nang minsan hindi nila makita ang isa’t-isa habang nasa labas ang pamilya. “Akala ko kasama siya ng papa niya, akala naman ng papa niya, kasama ko siya! Nang mag-kita na kaming mag-asawa, saka lang nagkaalamang nawawala na yung anak namin!” kwento ni mommy Cherry. Agad nilang hinanap ang bata at nakita nila ito sa customer service na ang sabi raw sa mga mall attendants ay "nawawala ang mama niya".
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa Facebook post naman na ito ni mommy Jerlly Duhaylungsod, ikinwento niya kung paano nawala ang kanyang anak na si Anneddie. “At first, I wasn’t really super worried since she knows the mall well. She goes there practically almost every day!” sabi niya. Sa kabila nito, nagmamadali pa ring pumunta ng customer service sina mommy Jerlly para i-report ang nawawala nilang anak. “They can’t help us page Anneddie because it’s only intended for kids who are looking for their parents not the other way around,” kwento ni mommy Jerlly. “But they did alerted all their security team to look for Anneddie with the description we gave them,” pagpapatuloy niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMatapos ang ilang minuto, nakita rin nila si Anneddie at naiballik din ang bata kina mommy Jerlly. Ang nakakatawang kwento ng admin staff ng mall, nang tanungin daw nila ang bata kung anong itsura ng mga magulang niya, ang sabi raw ni Anneddie, maraming pimples ang mama niya at ang daddy naman niya ay matangkad.
Nawala ka ba sa sarili dahil sa mga kwentong ito? I-share mo na sa amin ang iyong experience at reaksyon sa Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments