pretend play,playhouse,Smart Parenting Village,Kidzoona,DIY projects,DIY playhouse,This Mom Built A DIY Kidzoona-Style Playhouse For Only P2,000,DIY playhouse, DIY project, children's play house, DIY kidzoona playhouse, smart parenting village,Some are made from recycled materials.
ParentingReal Parenting

Napaka-EXTRA! This Mom Built A DIY Kidzoona-Style Playhouse For Only P2,000

"Kaya naman pala na 'di gumastos ng malaki, kasi may mga recycled materials naman.”
PHOTO BYCOURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR

Dahil sa pandemic, halos dalawang taon nang hindi nakakapamasyal ang mga anak ni Mommy Blanche Abbie Victor sa Kidzoona. Kaya naman, ibinahagi niya sa Smart Parenting Village ang kanyang recent DIY creation - nagtayo siya ng sariling 'Kidzoona' playhouse sa loob ng bahay!

Hindi lang ito karaniwang bahay-bahayan: mayroon itong sofa, kitchen, at mga nakaka-aliw na detalye na pang-Real Living ang datingan!

article image
PHOTO COURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR
article image
PHOTO COURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR

“Gusto ko lang ishare ang aking DIY project for the kids that I built myself," ang bahagi ni Mommy Blanche sa kanyang post.

Paliwananag niya, "Simula nag-COVID kasi di man lang nila ma-experience na makalabas (Kidzoona haha) kaya eto, sabi ko gawan ko sila ng bahay bahayan."

watch now

Ayon pa kay Mommy Blanche, P2,000 lang ang nagastos niya sa DIY project na ito. "Naka around 2k lang ako sa lahat ng materials (sa interior/exterior, hindi kasama yung kitchen). Yung couch nila, crib ng daughter ko na pinaputol ko sa father ko para umiksi. Sana mainspire kayo! Di need gumastos ng sobrang laki to make our kids happy!”

Lumabas ang creativity ni mommy dahil sa pandemic.

Nang pinost niya ito sa Smart Parenting Village, maraming mga nanay at tatay ang  na-inspire na gumawa rin ng sarili nilang versions.

Tinanong ng isang parent si Mommy Blanche kung hindi ba ito magigiba. “Hindi po. Matibay po siya kasi may kahoy,” ang sagot ni Mommy Blanche na isang multimedia artist. “Wood foam po ginamit ko sa exterior, brick foam sa interior,” sagot naman niya sa tanong ng isa pang mommy.

article image
PHOTO COURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR
article image
PHOTO COURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR
article image
PHOTO COURTESY OF BLANCHE ABBIE VICTOR

Kinuwento din ni Mommy Blanche sa Smart Parenting via Facebook Messenger na hilig niya talaga ang arts and crafts mula noong bata pa siya. “Naalala ko dati gumagawa pa ako ng mga DIY envelope tapos binebenta ko. Grade 3 ata ako nun. Unfortunately, I wasn’t able to finish college, but right now, I’m a freelance graphic designer. I’m married and I have two kids.”

Dahil sa pag-iingat ngayong pandemya, lalong lumabas ang pagka-malikhain ni Mommy Blanche.  “‘Yung panganay ko dati, napapasyal ko pa siya sa malls at palaruan every week. kaso ngayon dahil pandemic, lagi lang sila sa bahay ng bunso ko, nalulungkot ako kasi wala silang kalaro.”

Nagulat din si Mommy Blanche na hindi pala malaki ang kailangan para sa kanyang project. “Inisip ko muna kung magkano magagastos, pero kaya naman pala na 'di gumastos ng malaki, kasi may mga recycled materials naman.”

Benefits of pretend play

Paliwanag ni Mommy Blanche, hindi lang niya ito ginawa para makatipid. Ginawa niya ito para para din sa development ng kanyang mga anak. “‘Yung pinaka nag-inspire sakin talaga eh 'yung may magawa sila at di masyado ma-gadget."

Dagdag ni mommy, "[Gusto ko] matuto din sila to keep their playhouse clean. Para sakin they will not just enjoy it but they will learn from it din.”

Totoong maraming benefits ang pretend play. Nakakatulong ito sa paglago ng cognitive, social and emotional skills, language and communication, at problem-solving skills and creativity ng isang bata, especially toddlers, ayon kay Scott Barry Kaufman, isang cognitive psychologist specializing in development, sa isang article sa Psychology Today.  

Sa reaksyon palang ng kanyang mga anak, masasabi ni Mommy Blanche na sulit ang kanyang pagod sa DIY project na ito. “Yung panganay ko sabi niya, “Yehey mommy ang ganda!! Thank you!!” Tapos niyakap ako. Siya pa nga [ang] lagi naglilinis ng playhouse nila ngayon.”

“Kahit hindi pa siya pulido, madaming flaws, pero yung saya ng kids - yun [ang] pinakamahalaga. Si husband, sabi, “Galing mo ah.” Baka daw pwede na ako mag-karpintero,” ang biro ni Mommy Blanche.

Hindi kailangang engrande

May mensahe si Mommy Blanche para sa ibang mga magulang na nag-iisip na mahirap ito gawin, o 'di kaya ay mahal para sa kanilang budget: "You don’t have to be too hard on yourself. It took me months before I finished the whole playhouse dahil kulang sa gamit."

"It was challenging, but it is fulfilling," ang encouragement ni Mommy Blance. "Hindi pala natin kailangan maglabas ng malaking pera to make them [the kids] happy. It doesn’t need to be grand, yung effort pa lang natin - they will surely remember it.”

Saludo kami sa’yo, Mommy Blanche, at sa lahat ng mga magulang na lumalabas ang pagiging malikhain at madiskarte para sa anak nila sa kabila ng pandemya.

Panoorin kung paano nabuo ni Mommy Blanche ang bahay-bahayan dito:

May DIY creations din ba kayo ngayong pandemya? Comment below!

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close