educational attainment,parenting practices,education,parenting tips,celebrity,ogie diaz,Ogie Diaz Proud Sa Pagtatapos Ng 2 Anak Sa Senior High School,school, education, senior high school, celebrity, Ogie Diaz, Ogie Diaz daughters, school graduation,Proud si Ogie Diaz, na aminadong high school graduate lamang, sa dalawang anak na babaeng nakapagtapos ng senior high school at papasok na sa college.
ParentingReal Parenting

Proud Si Ogie Diaz Sa Pagtatapos Ng 2 Anak Sa Senior HS, Pero May Mas Importante Sa Kanya

Magka-college na ang dalawang nakakatanda sa limang anak ni Ogie at kanyang asawa.
PHOTO BYFacebook/Ogie Diaz

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

Ngayong 2022, parehong nagtapos sa senior high school ang dalawang nakakatanda sa limang anak na pawang mga babae ni Ogie Diaz at kanyang asawang si Georgette.

Ang panganay nilang si Erin ay nagtapos nitong August sa Thames International, at noong June naman ang ikalawang si Godhie sa University of Santo Tomas.

Nagpang-abot sa senior high school ang magkapatid dahil may panahong huminto ng paga-aral si Erin. Desisyon ito ni Erin, ayon sa kanilang Daddy Ogie sa dalawang magkahiwalay na Facebook posts.

Kuwento ng comedian/vlogger/talent manager na noong nagdesisyon ang kanyang panganay na huminto muna, pinatigil naman niya ito. "Ako pa lumakad sa school para sabihin sa admin na mag-stop na si Erin. I told Erin, sige, pahinga muna siya and pag naisip na niya what will make her happy, 'yun ang gawin niya."

Dagdag paliwanag ni Ogie: "Pinagbigyan ko, dahil na-bully at nabagot siya."

Dugtong niya, "Nung siya mismo ang nakaisip na gusto na niyang mag-aral uli, sabi ko, 'O, usapan natin this time, ha? Pag huminto ka na naman, ibabawas ko sa savings mo ang ipinambayad ko ng tuition fee mo, ha?' Kaya napaisip si Erin at, “Sige, daddy. Deal!' Kaya pinagbuti niya talaga."

'Mas importante ang mental health'

Pagkatapos ng senior high school, lahad ni Ogie, papasok naman ng college sina Erin at Godhie na parehong mahal ang mga napupusuang kurso. Desidido si Erin sa culinary arts at si Godhie naman sa medicine.

Suportado naman ng kanilang mga magulang dahil walang hangad ang mga ito kungdi ang future nilang magkakapatid, kabilang ang mga nakakabatang sina Georgina, Cory, and Meerah Khel.

Read also Ogie Diaz Recalls How His 'Miracle Baby' Almost Didn't Survive

Lahad ni Ogie, "I always say this to all my daughters: mas magandang may tinapos kayo para pagdating nang araw na iwan kayo ng mga asawa nyo (prangkahan na), di kayo pwedeng pagmalakihan, dahil may natapos kayo at kaya nyong magtrabaho, dahil may alam kayo."

watch now

Nagbalik-tanaw ang dad of 5 nang sabihan siya ng ikalawang anak ng "Gusto kong magdoktor, daddy!”

Sagot niya, "Kahit ano, anak. Basta kung saang kurso ka masaya, support lang kami ng mama mo."

Paliwanag ni Ogie, "Ganyan ako sa mga anak ko. Ang luma na kasi ng 'yung magulang ang nasusunod kung ano ang kursong dapat kunin ng anak.  At pwede nilang diktahan. Noon yon. Kasi di pa naman uso nung mga panahong yon ang social media at mental health issue.

"Pero ngayon, iba na.  Dapat, nakikiramdam din ang magulang kung ano ang behaviour ng mga kabataan ngayon sa nakagisnan natin noon, nung mga bata pa tayo.

"Kung noong bata ka, nagmumukmok ka sa isang sulok, sisitahin ka ng nanay mo at sasabihing, 'Anong minumukmok-mukmok mo diyan? Tumayo ka diyan, ang daming hugasin! Wag mo kong aartehan ng ganyan. Lumulusot ka lang sa gawaing bahay, eh!'

"Pero ngayon, pag nakita mo ang anak mo na nagmumukmok sa isang sulok o kaya umiiyak, napapraning ka na, eh. 'Anak, ano’ng problema? Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Meron ka bang nakaalitan? Binully ka ba? Nade-depress ka ba? Me anxiety ka ba, anak? Halika, anak, andito ang daddy mo, ang mama mo, handang makinig sa yo.'"

Kaya, sabi ni Ogie, naintindihan niya si Erin ang magdesisyon itong huminto muna sa paga-aral. Lahad niya, "Importante naman sa akin ang pag-aaral, eh. Pangarap nating makapagtapos ang  mga anak natin. Kaya nga tayo kayod-marino eh."

Diin niya, "Pero mas importante sa akin ang mental health ng mga anak ko. Sasabihin ng iba, 'Ang weird naman ni Ogie. Paano na ang future ng anak niya? Mali  naman siya du’n.' Ah ganun ba? O eh di sige, mali na ako. Happy ka na?  (O di ba, andaling kausap?! )"

Kuwento pa ni Ogie nang huminto pansamantala si Erin sa eskuwela, nagbukas ito ng sarili niyang YouTube channel at naging matagumpay na vlogger. "Nahanap niya what makes her happy."

Dugtong niya, "At nung 2020, siya mismo ang nagsabi sa akin, 'Daddy, pwede na akong bumalik sa Grade 11. Ready na ako.'

"Natuwa ako. Kasi hindi ko siya pinilit, eh. Pero may kondisyon na yon, sabi ko. Pag huminto siya uli ng pag-aaral, lahat ng naibayad ko sa school niya, ibabalik niya sa akin. Kukunin kong lahat sa savings niya. Pero pag nagtuloy-tuloy siya, eh di congratulations!"

article image
Si Erin ang panganay ni Ogie (real name: Roger Diaz Pandaan). Ganito siya ilarawan ng kanyang daddy: "Naalala ko pa, gusto niya 'yung cramming siya. Mas umaandar ang utak niya pag pressured siya sa tasks niya. 'Wag mo siya gagambalain, dahil mawawala siya sa focus."
PHOTO BY Facebook/Ogie Diaz

Masayang kuwento ni Ogie na tinupad ni Erin ang napagkasunduan nila. Kaya nang sabihan siya ng anak ng “O, daddy, graduate na ako, ha? Wala kang ibabawas sa akin," ang sagot niya lang, "Love you, anak. Happy kami ng mama mo."

article image
Si Godhie, ayon sa kanyang Daddy Ogie, ay studious na bata kaya naman nagtapos ito ng with honors. Pagmamalaki pa ng celebrity dad, "Kahit may sakit, papasok sa school. Adik sa pag-aaral. Kasi nga, happiness niyang mag-aral. At eto nga, o! Umakyat pa kami ng mama niya sa stage dahil “with honors” pa siya. Ako ang nagsabit ng medal sa kanya, naaliw ako. Hahaha! Sobrang proud daddy and mama lang yarn."
PHOTO BY Facebook/Ogie Diaz

Kuwento pa ni Ogie tungkol kay Godhie, "Gusto niyang maging doktor someday, kaya premed niya ang medtech.  Kaya ngayon pa lang, kine-claim ko nang may future doctor na ako. Kasabay nang pagiging open-minded kung sakaling magbago ang kanyang isip."

Binanggit din ni Ogie na nagtapos din ang ikaapat niyang anak: "Kahit yung 12yo ko, si Cory, graduate naman ng Grade 6. Kahit walang honors, okay lang. Basta lagi kong bilin sa kanila, kahit puro palakol pa ang grades nila, basta 'wag lang silang babagsak at babalik uli sa Grade 6."

Lahad niya pa, "Actually nga, lagi ko silang tinatanong lahat kung gusto o ayaw na nilang mag-aral, eh. Sabi ko, ok lang sa akin kung ayaw na nila, eh. Basta isoli lang nila lahat sa akin ang mga gadgets nila. So far, ayaw nilang isoli, kaya nag-aaral sila. Hahaha!

"But seriously, ang mga anak ko, alam nilang high school grad lang ang daddy nila.  Pero lagi kong sinasabi sa kanila, “Ang tunay na laban ng buhay ay wala sa loob ng eskwelahan. Nasa labas.”

Read also: How Ogie Diaz Told His Daughters He Is Gay

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close