Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Ba Maging Isang Mabuting Nanay? Ang Laging Tanong: 'Tama Ba ang Ginagawa Ko?'

    Lagi mo ring kekwestyunin ang sarili mo. "Saan ba ako nagkulang?"
    by Mommy Pehpot .
Paano Ba Maging Isang Mabuting Nanay? Ang Laging Tanong: 'Tama Ba ang Ginagawa Ko?'
PHOTO BY iStock
  • Yung pagiging tatay parang ang dali sukatin no? Pagkaing sapat, ok na. Minsan nga kahit nambabae basta hindi pabayaan ang anak, mabuting ama na.

    Pero ang nanay? Makita lang madungis ang anak, masamang ina na. Mababa lang ang grade masamang ina na. Nag-tantrums sa mall ang bata, masamang ina na.

    Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang ina?

    Nasusukat ba sa timbang ng anak? Mas mataas na timbang, mas ok? O sa pagkakasakit ng anak? Why does it feel like you are less of a mom kapag may sakit ang anak mo? Parang ang pabaya mong ina. At kahit anong puyat mo at overtime sa pag-aalaga, hindi ma-offset-offset 'yung pakiramdam na nagpabaya ka.

    More from Smart Parenting

    Baka masasabi na mabuti ang isang ina base sa grades, or kung honor o hindi ang anak. 'Pag may honor, ibig sabihin may award din si mommy. Best mom award? Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi ma-honor ang anak mo, worst mom award ka na? Ganun ba yun?!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano nga ba? Ano ba ang indicator para masabi na mabuti kang ina?

    May points system ba? Kada sigaw minus one? Kada bili ng toy plus one? Kada mapakain mo ng nasa oras plus one? Kapag nag gadget naman, minus agad.

    May merit system ba ito parang sa trabaho? Pero... buti pa yung nag ta-trabaho no? Pwede mag sick leave, samantalang ang nanay hindi. Buti pa yung mga nag-ta-trabaho 'pag nasobrahan sa performance, may award, pero sa pagiging ina, kapag nasobrahan ka sa performance, minsan mas nakakasama pa sa mga bata.

    More from Smart Parenting

    Pero paano nga ba? Ano yung sobra? Ano yung sapat na? Ano yung kulang?

    Ang hirap 'di ba? At madalas kakahanap ng sagot kung paano tayo magiging mabuting ina, sarili natin hindi na natin makilala.

    Sasabihin ng iba, "It gets easy." Pero hindi. It's a never ending question of: "Tama ba ang ginagawa ko para sa anak ko?"

    Habang lumalaki ang mga anak mo, iba-iba na 'yung haharapin mo. Mula sa simpleng issue ng kabag, pinaka-magandang laruan, paano makipag-socialize, maagang pag-bo-boyfriend o girlfriend, at mga tanong kung kakayanin ba ng mga anak mo ang real life.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Lagi ka ring darating sa punto na kekwestyunin mo ang sarili mo, "Saan ba ako nagkulang?"

    Nakakakaiyak yung moment na 'yan, nakakadurog ng puso lalo kapag may nakita kang pagkakamali sa anak mo. Maiisip mo naging mabuti ka ba talagang ina? Ano bang nagawa mong mali?

    Hindi masaya. Hindi ok sa pakiramdam. At hindi rin naman maganda na ikaw mismo, sarili mo mismo, nagdududa sa performance mo.

    Kung sa ngayon ay nararamdaman mo ang lahat ng ito, at nag-da-doubt ka sa pagiging mabuti mong ina, hayaan mong ako ang magsabi nito sa'yo: Mabuti kang ina. You are doing an awesome job as a mother.

    Inhale, exhale. 'Yung nangyari kanina, o yung pagsigaw mo kahapon, o yung mababang grade ng anak mo, o yung pag-aaway ng mga anak mo, malalagpasan ninyo din yan. Inhale, exhale, and dont be too hard on yourself.

    Try to remember all the things that make you happy as a mom. Mga tawanan na walang humpay, 'yung sigaw nila tuwing makikipag habulan ka. Yung ningning ng mata nila pagdating sa bahay galing sa school. Focus on beautiful things not on your guilt.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    And remember hindi ka nag iisa.

    Mommy Pehpot is a super mommy to 5 adorable kids and wife to the best husband in the world. Follow her blog here.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles