embed embed2
#ShareKoLang Paano I-Handle Kung Nagmumura Ang Kalaro Ng Anak Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Have helpful parenting, money, health or home tips to share? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Share Ko Lang." Click here to read more 'Share Ko Lang' stories. 

    Malaking pagsisikap ang ginagawa ng magulang upang maturuan ng mabuting asal ang anak. Kaya hangga’t maaari, kailangang maingat sa pagbitaw ng salita at pag-iwas sa pagmumura sa harap ng bata. Pero paano kung may mga kalaro siyang potty mouth o palamura?

    Iyan ang concern ng isang mom para sa kanyang anak na 6 years old. Kuwento niya sa Smart Parenting Village Facebook group, nadinig niya pa mismo ang pagsasabi ng “bad words” ng mga kalaro ng kanyang anak. Hindi naman daw maiwasan ang kanilang pagiging playmates dahil magkakamag-anak at magkakapit-bahay sila. 

    Aniya, “My son’s main language is English. Hindi ko alam kung natutuwa lang ’yung mga bata na tinuturuan nila ng bad words in Tagalog and English ’yung anak ko. But still those kids are just 10 years old and below.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano i-handle ang swearing o pagmumura ng bata

    Bumuhos ng reaction sa post dahil maraming naka-relate na kapwa niya magulang, pati na bilang ate at tita. Nagbigay sila ng kani-kanilang paraan at suggestion bilang tugon sa sitwasyon. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ipaliwanag bakit “bad” ang pagmumura

    “Explain mo po sa anak mo why bad ’yun,” sabi ng isang mom dahil daw sa edad na 6, nakakaintindi na ang bata. “Kasi reality is, di naman maiiwasan ’yan pag lumabas ng bahay. Sa social media nga, puro mura din.”

    Mungkahi pa ni mommy na subukang samahan ang anak habang nakikipaglaro. Kapag daw may nagmura sa mga bata ay sabihan kaagad iyon na masama ang sinabing salita. Siguraduhin lang na “hindi in a rude way” para “baka makinig” naman daw iyong batang nagmura.

    Huwag magpadala sa “negativity”

    Mainam na sabihan daw ang anak na hindi mako-kontrol ang pag-uugali ng ibang tao. Kahit nga raw sa mga adults, “madaming mga di natin magugustuhan ’yung ugali.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero mako-kontrol naman daw ang ating mga sarili sa mga pagkakataong tulad ng makarinig ng hindi magandang mga salita. Kaya payo niya huwag na lang pansinin ng bata ang pagmumura at magpatuloy na lang sa pagiging "good kid." 

    Dagdag pa ng mommy na ito, “Train your child to focus on the things that can make him the better person when negativity is everywhere.” 

    May pagkakaiba sa pagsabi ng “mura”

    Ibinahagi ni isang mom ang “a bit unconventional” niyang pananaw. Paliwanag niya na hindi maiiwasan na makarinig ang mga bata ng bad words. Kaya maaaring maging curious sila at gumaya sa pagmumura.

    Wala daw kaso kung basta mga salita lang. Mas concerned siya kung paano gamitin ng mga bata ang mga salitang iyon. Naniniwala siyang may kakayahan ang mga bata ng “critical thinking,” na higit pa sa pagkakaalam ng adults.

    Pag-amin ni unconventional mommy, “Personally, okay lang sa akin ang ‘mura,’ as an expression. Maaga pa lang, ’yan ang tinuturo at mino-model ko. For me, nagiging masama ang ‘mura’ pag ginamit ang word towards a person, or to describe another person.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Again, my thoughts lang ’yun,” diin niya. “Our house is a safe place for self-expression, so that’s what I’m teaching my kid. Pero eventually, I’ll also teach her that not everyone will appreciate hearing such words, hence the need for a ‘tactful’ tone towards people whom we don’t know too well.”

    Maging creative sa pangangaral

    Imbes na banggitin ang salitang “bad,” gumagamit ang isang mommy ng “not nice or naughty” kapag pinapangaralan ang kanyang 6-year-old son. Pansin niya na mas naiintindihan ng bata. Kaya kahit daw ano ang marinig at makita nitong hindi maganda ay hindi ginagaya.

    Nakakatulong daw na naniniwala ang kanyang anak kay Santa Claus. Ayon sa tanyag na Christmas song, gumagawa si Santa Claus ng listahan ng mga batang pagbibigyan niya ng regalo at inaalam niya kung sino ang “nice” at kung sino naman ang “naughty.”

    Iyon din daw ang ginagamit niyang tactic sa anak. “Meaning, kung gagayahin niya ang hindi magandang words at attitude na nakikita and nadidinig niya sa playmates niya, Santa will be sad and no present on Christmas day. It might not be effective to some, but for us, so far since nagkaisip siya, winner naman kami.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 
      
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles