embed embed2
  • Pagkatapos Mapalaki Ang 5 Anak, Mag-Asawa Nag-Ampon Ng 7 Naulilang Magkakapatid

    Kaya itinuturing nila itong "second chance at parenting."
    by Jocelyn Valle . Published Apr 23, 2021
Pagkatapos Mapalaki Ang 5 Anak, Mag-Asawa Nag-Ampon Ng 7 Naulilang Magkakapatid
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Retirado na sana ang mag-asawang Pam at Gary Willis hindi lang sa kani-kanilang mga trabaho ngunit pati na rin sa paga-alaga ng mga bata. Grown-ups na kasi ang kanilang limang mga anak.

    Pero nagbago ang direksyon ng kanilang buhay-pamilya nang mabasa ni Pam sa kanyang Facebook feed ang balita tungkol sa pitong naulilang magkakapatid. Namatay kasi sa car accident ang mga magulang ng mga batang may edad 4, 5, 7, 8, 9, 13, at 15. 

    Nalaman din ni Pam na nailagay na sa foster care ang mga naulilang magkakapatid, na naghahanap ng "forever home." Kaagad siyang nakipag-ugnayan sa agency na namamahala ng foster care.

    Lampas libo na pala ang nagpakita ng interes sa paga-ampon sa mga bata. Pero pinili ng agency sina Pam at Gary para gawaran ng adoption.

    Habang naga-adjust ang mag-asawa sa kanilang bagong pitong anak, marami silang natutunan sa mga bata at gayon din ang mga bata sa kanila. Kuwento ni Pam sa viral Facebook video, malinaw ang collective trauma na bitbit ng mga magkakapatid.

    Sabi pa ni Pam, na mommy na ngayon sa isang dosenang mga anak, nagkaroon sila ni Gary ng "second chance at parenting."

    Nabigyan naman nilang mag-asawa ang mga naulilang magkakapatid ng pangalawang pagkakataon na magkaroon ng nanay at tatay. Kaya ang tawag niya raw sa mga bata ay “Second Chance 7.”

    Mapapanood ang adoption story sa video na ito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close