embed embed2
  • Payo Ni Judy Ann Santos Sa Panganay Na Takot Sa Mantika: 'Sa Buhay, Lagi Kang Masasaktan'

    Ang ganda nang sinabi ng aktres kay Yohan pagdating sa pagluluto.
    by Jocelyn Valle .
Payo Ni Judy Ann Santos Sa Panganay Na Takot Sa Mantika: 'Sa Buhay, Lagi Kang Masasaktan'
  • Sa tatlong anak ni Judy Ann Santos at ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo, ang bunsong si Luna ang nakikitaan ng aktres at chef na nahihilig din sa pagluluto. Kapag nagpupunta kasi siya sa kusina ay nakabuntot na kaagad ang paslit, na mag-a-apat na taong gulang sa darating na January 8. 

    Madalas ay naglalaro lang naman si Luna sa kusina, kuwento ni Judy Ann kamakailan sa mga media outlet, kabilang ang SmartParenting.com.ph sa isang event. Pero nararamdaman niya ang interes ng bata sa pagluluto at kung minsan nga ay tumutulong pa ito, tulad ng paglalagay ng asin sa lutuin.  

    More from Smart Parenting

    Samantala, ang ikalawa at nag-i-isang lalaking anak na si Lucho ay nagiging interesado lamang kapag ang paboritong pagkain ang nakasalang sa kalan. Ayon kay Judy Ann ay nais din ng 9 na taong gulang na bata na matutong magluto paglaki nito.  

    Ang panganay na si Yohan, 15 taong gulang sa darating na November 7, ang talagang tinuturuan na ni Judy Ann na magluto, simula sa pagpiprito.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Takot kasi siya sa mantika," aniya, patungkol sa kanyang dalagita, at saka nagbigay ng paliwanag na may hugot, ika nga. "Sabi ko, ‘Sa buhay, lagi kang masasaktan. Saktan mo na ang sarili mo ngayon. Masasanay ka rin sa mga talsik ng mantika. Hindi puwedeng hindi ka matalsikan ng mantika at some point sa buhay mo.'"  

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Dagdag pa niyang paliwanag kay Yohan na hindi kumpleto ang karanasan sa kusina kung hindi matatalsikan ng mantika o matatapunan ng kung anuman dahil parte na ito ng pagluluto. Hinahanda na niya ang panganay na anak para sa panahong pumasok na ito sa kolehiyo at maging independent.  

    Paalala niya kay Yohan: "When you get to college, you have to learn how to cook. Because you have to cook for yourself. Wala na kami diyan. Kung saan mang parte ka ng mundo pumunta, hindi ka magugutom. It's not just a skill, it's a survival skill. You have to cook for yourself."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles