celebrity,marriage,Pia Magalona,Tagalog,Saab Magalona,Letters to My Children,marriage advice,evergreen,Saab Magalona Bacarro,Pia Magalona sa mga Anak: Ayokong Mag-Fail sa Second Marriage Ko,Pia Magalona, Francis Magalona, marriage advice, second marriage, Saab Magalona, Tagalog, evergreen,Ibinahagi ng balo ni Francis Magalona kung ano ang mga bagay na makapagpapatibay sa buhay may-asawa.
ParentingReal Parenting

Pia Magalona sa mga Anak: Ayokong Mag-Fail sa Second Marriage Ko

Paano nga ba napagsabay nila Pia at Francis ang buhay may-asawa at walong anak, habang nasa limelight?
PHOTO BYpiamagalona/Instagram

Nanay sa walong anak at lola sa limang apo, si Pia Magalona na balo ng sikat na rapper na si Francis Magalona ay siya ring Pangulo ng The One CORE Success Center na naglalayong tulungan ang mga indibidwal sa kanilang mga desisyon sa buhay at maging matagumpay sa pamamagitan ng edukasyon. Si Pia rin ang business manager ng Milky & Sunny Breakfast at ng FrancisM Clothing Company, na itinatag ng namayapa niyang asawa.

Ang liham na ito (na isinalin mula sa orihinal na English) ay ginawa ni Pia bilang bahagi ng librong Letters to My Children, isang koleksyon ng mga sulat mula sa mga kilalang personalidad para sa kanilang mga anak, na nilimbag ng Summit Media noong 2016.

Mga anak,

Ang pagkakaroon ng tamang partner sa buhay may-asawa ay napakahalaga kapag nagsisimula ng pamilya. Ipinanganak ko ang aking panganay noong ako’y 19, at ang aking ikalawang anak pagkatapos lamang ng dalawang taon. Pareho kami noong immature ng partner ko, at nagmadali kaming magsama dahil sa pressure ng mga nakapaligid sa amin (dahil ano na lamang ang sasabihin ng mga tao?!). Di nagtagal, naghiwalay din kami.

Nang lumaon, nakilala ko si Francis, ang inyong Papa, at nagkaroon din kami ng anim pang anak. Pareho kaming 21 noon. Nag-aaral ako noon sa college, at siya naman ay nagsisimula sa kanyang acting career.

Nagkasundo kami agad dahil magka-eskwela kami ng kanyang ate. Pareho din kami ng interes sa arts, kahit siya ay mahilig sa hip-hop at ako naman, sa classical piano at ballet. Pareho naming gusto ang rock music. Mga artista ang kanyang mga magulang, pero wala sa kanilang magkakapatid ang sumunod sa mga yapak nila. Samantala, ang nanay ko naman ay nasa advertising, na kanyang ginawa habang nag-aalaga ng apat na anak, habang ang tatay ko naman, na isang civil engineer, ay nasa construction business. Parehong nasa creative ang kanilang trabaho at hobbies (gaya ng photography), kaya kaming magkakapatid ay natutong maging unique at creative sa aming sariling paraan.

Pinalaki namin kayo ng inyong Papa na hanapin ang inyong sariling talento, na gawin ang makakapagbigay sa inyo ng katuparan nang hindi malalagay sa alanganin ang mga values ninyong aming itinuro. Sinabi niya minsan, parang sponge ang mga bata. Matututunan nila ang anumang ituro mo sa kanila. Hindi lamang aksidente na ako ang naging disciplinarian sa pamilya, habang siya naman ang taga-bigay ng adventure. Gusto ko ang rules dahil kapag may sistema, mas madali ang buhay. Sa gayon ding paraan, mas na-enjoy ninyo ang inyong mga adventure.

Maturity ang tunay na susi sa isang matagumpay na buhay may-asawa. Sasabihin ko sa inyo na kinailangan naming mag-“grow up” ng inyong Papa dahil sa inyong aming mga anak, at iyon ay isang malaking risk na aming sinubukan. Ang tamang pagkakasunod-sunod sana ay magkaroon muna ng plano bago mag-asawa at magkaroon ng anak. Hindi “bagay” ang mga bata, at kailangan ninyong maging responsable para palakihin sila. Mas mataas ang tsansang magtagumpay ang mag-asawa kung pareho sila ng background at values. Ang isang dahilan kung bakit nag-work ang amin ay dahil hinarap namin ang aming sitwasyon at nagpatulong sa mga eksperto. Ako, dahil ito na ang aking pangalawang kasal, sinabi ko sa sarili ko na ayoko nang mabigo ulit. Nagpatulong kami sa mga family ministries at marriage counselors, na naging gabay namin sa mga panahong mayroon kaming pinagdadaanan. 

Unna, noong ikaw ay 23, hiningi ni Bryan na asawa mo na ngayon ang iyong kamay kay Papa. Wala ako noon dahil sa iba kong commitment, pero naaalala ko na sinabihan kita na ang respeto sa isa’t isa ang pinaka-basic na factor sa isang matagumpay na kasal. At ngayon, apat na ang anak ninyo!

watch now

Sumunod kang ikasal, Saab, noong 2014, sa edad na 24. Sa akin naman humingi ng permiso si Jim, na asawa mo na ngayon, dahil wala na noon si Papa na pumanaw noong 2009. Nagulat ako noong nag-schedule si Jim ng dinner para sa aming dalawa lang. Nawala sa aking isip na pareho pa rin kayong tradisyonal, kahit pareho kayong nasa rock band. Pero hindi naman ako nagpahalata kay Jim, at pumasa naman siya sa aking test.

Kasama sa mga itinanong ko sa kanya ay:

  • Sigurado ka bang pareho na kayong mature para tanggapin na magkaiba ang inyong personality, at walang dapat mag-impose na magbago ang isa para lamang sa sariling interes?
  • Nirerespeto mo ba na kailangan ni Saab magtrabaho pa rin?
  • Naiintindihan mo ba na kailangan niyo parehong mag-commit dito?

At marami pang ibang hindi mo na kailangang malaman :)

Sa madaling salita, ang pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan na nasa edad na at parehong may pagsang-ayon. PERO madami rin itong mga responsibilidad sa isa’t isa, at sa komunidad. Hangga’t maari, itong kasal na ito ay respetado at isang commitment na inyong pinag-isipan at pinaghandaan bago ninyo pinasok. Sana ay alam ko ito noon at sineryoso, at hindi nadala sa mga fairy tale, na pinaniwala tayo sa isang Prince Charming!

Ang pinakaimportante ay ang pagpili ng tao na gusto mong makasama. Importante ito sa pagkakaibigan at partnership: pumili ka ng taong may ambisyon, kung kanino mayroon kang matututunan, at kung kanino ka rin may maituturo. Kailangan ninyong lumago nang sabay. Kung hindi, mawawalan kayo ng respeto sa isa’t isa at maghahanapan ng mali. Isa pang mahalagang katangian ay ang sense of humor.

Kailangan niyo ding magtulungan upang manatiling nasa mabuting pangangatawan, lalo na ngayon at madali nang makakuha ng impormasyon tungkol dito. Maghanap kayo ng mga pagkakataon na maari kayong matuto at malibang. Pero kailangan ring mayroon kayong oras na magkahiwalay. Importante ang “me time”, para masabik din kayo sa inyong muling pagkikita.

Huwag ninyong kalimutang magkaroon ng sariling opinyon. Napaka-boring kung palagi lang kayong nagsasang-ayunan. Lalo pa’t kung ito ay sa maliliit na bagay lamang, maganda pa rin ang inyong kasarinlan. Sa panghuli, wag kalimutan na hindi ninyo dapat palipasin ang araw na hindi kayo nagkakabati. Walang patutunguhan ang ganitong klase ng anxiety. Matulog kayo nang mahimbing, dahil mayroon pang bukas! 

Pia

Ang impormasyong nakalahad dito ay hango mula sa Pia Magalona Tells Children: I Didn't Want To Fail in My Second Marriage

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close