embed embed2
  • 'Wag Sabayan,' Sabi Ni Ryza Cenon Pag Nagta-Tantrum Ang Anak: Ganito Ang Ginagawa Niya

    Halos 2 years old na ang unico hijo ni Ryza na si Night.
    by Jocelyn Valle . Published Jul 4, 2022
'Wag Sabayan,' Sabi Ni Ryza Cenon Pag Nagta-Tantrum Ang Anak: Ganito Ang Ginagawa Niya
PHOTO BY Instagram/iamryzacenon
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    May tanong si Ryza Cenon sa mga kapwa niya mommy. Aniya sa Instagram, "Marunong na ba mag tantrums ang baby nyo?"

    Sinagot ng aktres ang sarili niyang tanong, "Si Night..yes!" Si Night ang panganay na anak nila ng partner na hindi taga-showbiz at tinatawag ng bata na Dada. Ipinanganak niya ang kanilang unico hijo noong October 31, 2020.

    Kuwento ni Ryza sa kanyang post, "Kaninang madaling araw, bigla syang nag tantrums. Ayaw mag pahawak, iyak ng iyak siguro kasi hindi nya mahanap yung tamang position nya."

    Dugtong niya, "Madalas kasi niyayakap ko sya kapag nag tatantrums sya. Kanina ayaw nya ng hug ko. So ang sabi ko sa kanya, 'Night, kay dada ka mag pahug kapag kailangan mo na.'"

    Patuloy ni Ryza sa kanyang kuwento, "Yung yayakapin na sya ni Dada ayaw nya. Gumapang sya papunta sakin tapos iyak pa rin ng iyak. Si Dada sasabihan nya dapat si Night pero pinigilan ko. Tapos kinausap ko ng mahinahon si Night, kinuha ko.. niyakap ko tapos tinanong ko sya, 'Anong problema?'

    "Habang hinihimas ko yung likod nya.. iyak lang ng iyak hanggang sa kumakalma na sya, 'tapos sabi, 'Hug lang mommy kapag ganyan nararamdaman mo. Ok lang yan.' Nagplay ako ng classical music, yung laging nyang pinakikinggan kapag mag sleep na sya. Hinihimas ko pa rin likod nya hanggang sa nakatulog na sya."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Parenting tips ni Ryza

    Nagbigay si Ryza ng ilang payo para sa mga magulang kapag nagta-tantrums ang mga anak:

    1. Hayaan n'yo muna sila.

    2. Bigyan n'yo ng space.

    3. Huwag natin sabayan 'yung tantrums nila.

    4. Meaning huwag natin silang pagalitan, pagsabihan, o sigawan. Kasi mga bata pa sila. Hindi pa rin nila naiintindihan 'yung nararamdaman nila. Ngayon pa lang nila na di-discover 'yung feelings or emotions nila.

    5. Kaya dapat kausapin natin sila nang mahinahon.

    6. Tanungin natin kung ano ang kailangan nila o ano ang problema.

    7. Then explain nang maayos para mas maintindihan nila.

    Paliwanag ni Ryza, "At para na rin madala nila paglaki nila na kapag may mali or iba silang nararadaman, agad silang lalapit sa inyo para i-open kung ano man 'yung pinagdadaanan nila.

    "Minsan kasi kaya nagtatago ng nararamdaman 'yung mga anak natin dahil natatakot sila na mapagalitan. Kaya matuto tayo maging mahinahon sa bawat sitwasyon pagdating sa mga anak natin."

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Read also: Toddler Tantrum Triggers And How To Get Kids To Behave

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close